Nakangusong hinaplos niya ang baby bump sa kanyang tiyan habang sinusuri ang pigura sa harap ng malaking salamin. She's beginning to become fat that she's a hundred percent sure. Wala na kasi siyang ginawa kundi kumain at matulog buong maghapon. Nakakatamad ding lumabas dahil feeling niya ang laki-laki na ng tiyan niya kahit hindi naman. She's becoming insecure and that's not healthy for her. Kung hindi lang sa paulit-ulit na mga salitang binitawan ni Nathaniel na mahal na mahal siya nito kahit magmukha man siyang balyena ay hinding-hindi siya mapapanatag. Ang sagwa man pakinggan ngunit kinikilig siya dahil ito mismo ang nagsabi.
Ibinaba na niya ang damit at inayos ang kanyang mukha sa harap ng salamin. She pouted as she wear a dark red lipstick. Inilugay niya lang ang mahabang buhok at isinuot ang isang flat shoes na nakatabi na sa gilid ng kanyang kama. She's feeling giddy all of a sudden. Mahigit isang linggo nalang kasi at ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya.
"Brat? Are you done?" Sigaw nito mula sa kabilang pinto.
" I'm done. Palabas na." She answered back shouting. She flipped her long hair as she pouted. She's so pretty.
Ang nakangiting mukha ni Nathaniel ang agad nabungaran niya pagkalabas niya ng kwarto. Napangiti narin tuloy siya dahil sa sayang nakaguhit sa buong mukha nito.
Inayos nito ang bahagyang nagulo niyang buhok bago siya dinampian ng isang masuyong halik sa kanyang noo.
"You're so beautiful, brat. And all mine."
"Ang gwapo mo din, jerk!" Humahagikgik na saad niya at agad nangunyapit sa braso nito. "And you're mine, too!" Nakangising tumango ito at maingat siyang inalalayan palabas ng condo. Papunta silang clinic dahil may schedule siya ngayon sa kanyang ob-gyne. Siya lang sana ang mag-isang pupunta ngunit hindi siya nito pinayagan. Hindi na naman tuloy ito nakapasok sa trabaho nito.
"Your baby's fine,hija. Malakas ang kapit. Just make sure you drink your vitamins, okay? And watch your food intake. Dapat healthy foods muna mommy." Anang doktora habang nakangiting nakatitig sa kanilang dalawa.
"Yes po doktora! I'll be good. Susundin ko po kayo." Parang maamong bata na sagot naman niya. Ngunit hindi maiwasang mapairap siya kay Nathaniel dahil sa ngising nakapaskil sa labi nito. Hmmp. Mukhang ayaw pa nitong maniwala na susundin niya talaga si doktora. Aminado naman siyang pasaway talaga siya. May mga pagkakataon talagang kumakain siya ng mga bawal dahil nagkecrave siya. Hindi lang talaga maiwasan. Ngunit sinisigurado niya namang kumakain siya ng tama at naaayon para sa isang buntis.
"And Nate hijo?"
"Yes po tita?"
"Alagaan mo ng mabuti ang mag-iina mo."
"I will Tita. Hindi ko po sila pababayaan." He answered and she couldn't help but be happy because of the sincerity on his voice. Nginitian niya ito nang magtama ang mga mata nilang dalawa. He smiled back as he hold her hand tightly. Damn! Mabuti nalang at naging brat siya. Hindi sana ito mapapasakanya. Naging makasarili man siya para dito ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan. He's one of the best thing that ever happened in her life. Their baby too. Kaya laking pasalamat niya sa Panginoon na binigyan siya ng bukas na isip para magpatawad.
"Kakasya pa ba ang wedding gown mo sayo,Elle?" Agad na salubong ng kanyang mommy nang bumisita silang dalawa ni Nathaniel sa kanilang bahay nung hapon ding iyon. Nakataas pa ang kilay nito habang sinusuri ang kabuuan niya. Nakangusong inirapan niya ito na ikinailing nito. "I don't think it will. Mukhang lumaki na ang balakang mo. And your breasts looked bigger too. Halata nadin ang bump mo. Magpasukat ka ulit and make sure to do some adjustments on your gown. Ayokong magmukha kang suman na hindi makahinga sa araw ng kasal mo, Ella Eunice." Mahabang litanya nito na parehong ikinangiwi nilang dalawa ni Nathaniel.
"Magkakasya pa naman yun,mommy. May adjustments na iyon eh!"
"Kailan pa yun? Last month? Eh ilang linggo na ang lumipas. I'm sure masikip na iyon sayo."
"Okay po,mommy. Magpapasukat na po." Aniya at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng nobyo. Inayos nito ang pagkakasandal niya at maingat na hinapit ang kanyang beywang.
"Bukas na po siya magpapasukat Tita. She had enough for today. Magpapahinga na po siya." Sansala ng kanyang nobyo sa sasabihin ng mommy niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. She closed her eyes. Kanina pa siya naririndi sa boses ng mommy niya. And besides, she's too sleepy to talk. Namimiss na niya ang kulay pink niyang higaan.
Dagling naalimpungatan siya nang may marinig siyang tunog ng nabanggang bagay. Her brows creased as she scanned her room. Mukhang wala namang kakaiba maliban nalang sa medyo nakabukas na pinto ng kanyang kwarto. Napatitig siya sa katabi niyang mahinang humihilik. Lumabas ba ito at nakalimutan nitong isara ang pinto ng kwarto niya? Pero imposible naman ata iyon dahil kahit minsan ay hindi pa nakakaligtaan ni Nathaniel na maglock ng pintuan lalo na kung matutulog na naman sila.
Dahan-dahang inalis niya ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa katawan niya. Inayos niya ang nakalaylay na damit at agad naglakad patungong pinto ng kwarto niya. Binuksan niya iyon at nakalikha iyon ng tunog na ikinangiwi niya. Napatitig siya bigla sa kama dahil baka nagising niya ito. Ngunit nananatiling mahimbing ang tulog ni Nathaniel kaya humakbang siya palabas ng kwarto niya. Kinapa niya ang switch at agad bumaha ang ilaw sa living room.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng sala. Wala namang nagulong gamit doon. She heaved a deep sigh. Nagiging paranoid na ata siya. Nasobrahan na siguro siya sa kakapanood ng mga thriller-suspense na mga movie.
Akmang babalik na siya sa loob ng kwarto nang may mapansin siyang kakaiba.Kunot-noong naglakad siya patungo sa isang cabinet. Inusisa niya ang mga larawan nilang dalawa ni Nathaniel na nakalagay sa frame. Hindi maayos ang pagkakalagay ng isang frame at nakakasiguro siyang may pumasok nga sa condo niya. Hindi naman siguro si Nathaniel ang nag-ayos nito dahil kabilin-bilinan niya ditong huwag iyong hahawakan. Simula kasi ng magbuntis siya ay naging habit na niya ang mag-ayos ng mga gamit sa loob ng condo niya. Inaayos niya ito sa paraang gusto niya kaya hindi man lang nag-aabalang hawakan ni Nathaniel ang mga iyon dahil pinakaiiwasan nitong magalit siya.
Napatingala siya sa orasan na nakasabit sa itaas na bahagi ng pader. Alas dos na pala ng umaga. Sino naman ang mangingiming pasukin siya? Napailing siya habang napapaisip. Biglang bumalik ang kaba na naramdaman niya noong managinip siya. May gusto bang ipahiwatig ang panaginip niya? Nasa panganib ba ang buhay nila?
"Brat? Asan ka?" Napalingon siya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa niyon ang pupungas-pungas pang si Nathaniel.
"I'm here." Aniya sa mahinang boses. Agad na hinanap ng mga mata nito ang boses niya. Naguguluhang naglakad ito palapit sa kanya.
"Bakit ka nagising? Are you okay, brat?"
Pinilit niyang nginitian ito at niyakap ng mahigpit. He stilled at her embrace. Maingat na niyakap naman siya nito pabalik.
"I'm sorry. Nauhaw ako bigla kaya lumabas ako." Nakangiting saad niya at hinila na ito papasok. Saglit na binalingan niya pa ng tingin ang buong sala bago pinatay ang ilaw doon. Maingat at siguradong inilock na niya ang pinto bago bumalik sa pagkakahiga. Agad namang tumabi ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Are you sure you're okay, brat? Nagugutom kaba?"
"Okay lang talaga ako, jerk. Nauhaw lang talaga ako.Let's go back to sleep." Masuyong dinampian niya ng halik ang labi nito at niyakap ito pabalik. Her eyes are closed but her mind are busy wandering. She's beginning to get scared but she has to be brave for Nathaniel and her baby. Hindi niya hahayaang may sumira sa pamilyang gusto niyang buuin.
~~
A/N: Ang sarap manood ng horror movies. Yung mapapaihi ka nalang sa sobrang takot. 🙈🙀
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
Roman d'amourEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.