Let's support Gilas, guys! 😍
#TeamGilas
~~
"What?!"
Agad na napatakip siya sa kanyang tenga nang sabay pa talagang sumigaw ang mga kaibigan niya. Ang iingay talaga!
"Can you two not shout, please?" Aniya habang pinandidilatan ang mga ito na nakanganga pa sa harapan niya. Gosh! How can she made friends with them? Parang hindi mga babae.
"Oh God! Nabingi lang kami diba? Diba?" Anang Amanda habang niyuyugyog ang katabing si Krizzia na napapangiwi na dahil sa lakas ng pagkakayugyog nito.
"Bitawan mo na nga ang buntis, Amanda. Mamaya dito pa yan manganak." Aniya habang nakakuros ang braso sa kanyang harapan. Nakangiwing binawi naman nito ang kamay sa balikat ng kaibigan bago siya hinarap.
"Seriously speaking? He proposed?" Hindi parin makapaniwalang saad ni Amanda.
"Not really. He just declared that we'll get married." Kibit -balikat na sagot naman niya.
"Seryoso? Mas cheap pa pala ang proposal ni Nathaniel?" Natatawang sabat ng buntis na nagsimula na namang kumain.
"It's not a proposal nga diba?!" May halong inis na sabi niya.
"Pareho parin yun noh!" Hindi patatalong saad parin nito. Inismiran pa siya nito na ikinasimangot niya.
"Whatever." She answered eyes rolling.
"Eh anong sinagot mo?"
"What do you think?"
"Gagawin mo pa kaming manghuhula?" Malditang sabi ni Amanda. Tss. Nakakahawa ata ang kamalditan niya. Hindi na siya nagtaka sa pagsagot nito ng pabalang sa kanya.
"Oo na." Aniya.
"Anong oo na?"
"Sabi ko nga oo." Naiinis na pag-uulit niya.
"Seryoso?!Bakit ka naman nag yes, Elle? Sana naman nagpakipot ka muna." Natatawa ng saad ni Amanda.
"At bakit naman ako magpapakipot?" Taas-kilay na saad niya. "Ang tagal ko din kayang hinintay yun."
"Siguro nasa gitna siya ng kasarapan kaya siya nag yes, Amanda." Nakangising sabi naman ni Krizzia na ikinalaki ng mga mata niya. Pinukol niya ito ng masamang tingin na ikinahagikgik lang nito.
"Ang bastos talaga ng bunganga mo Krizzia! Gosh! Yan ba ang natututunan mo kay Jeremy?" Napapalatak na sabi niya.
"Sus. Baka nga mas bastos kapa sa akin kapag nagjujugjugan na kayo ni Nathaniel." Natatawang sabi nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapatakip sa kanyang tenga dahil sa mga lumalabas sa bibig ng kaibigan niya. Amanda on the other hand just gave a thumbs up sign to Krizzia.
"Stop na, Krizz! We're in public!" Nahihintakutang inilibot niya ang tingin sa paligid. Mabuti nalang at mukhang wala namang usyosera't usyosero.
Natatawang nagtaas lang ito ng kamay at nagpatuloy na sa pagkain. She heaved a deep sigh. Hindi talaga makausap ng matino ang mga kaibigan niya. Pulos may saltik sa utak. Lumala pa nga dahil nagkaasawa't nagkaanak. Magiging ganyan din kaya siya kapag nag-asawa na siya? Gosh! Nakakatakot. Parang gusto niya tuloy bawiin ang naging sagot niya kay Nathaniel.
She's on her way to her condo when she bumped into her cousin, Amber. She's with her not so good-looking boyfriend again. Hindi tuloy maiwasang tumaas ang kilay niya nang nakangising pinasadahan pa siya nito ng tingin. Gusto niyang matawa. Nag-effort pa talaga itong titigan siya. Maiinsecure lang naman ito.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.