Chapter 46

47.3K 977 12
                                    

Nagising siyang masakit ang ulo. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata para lamang mabungaran ang halos puting silid.

Is she on the hospital?

"Waah! Elle! Salamat naman at gising kana!" Agad siyang napatingin sa maingay na boses na kilalang-kilala niya. Nasa likod nito ang asawa nito na tahimik lang.Nasa tabi nadin nito ang mag-asawang Amanda at Jacob na kapwa nakangiti narin sa kanya.

"You're still as noisy as ever, Krizzia. Nagising ata ako sa ingay ng bunganga mo." Nakangusong saad niya na ikinatawa ng lahat ng tao sa silid na iyon.

"So,dapat mo nga akong pasalamatan noh! Nag-alala kami sayong babaita ka!" Akmang hahampasin pa siya nito nang pigilan ito at panindilatan ni Amanda.

"Hahampasin mo siya, Kriz? Seryoso?"

"Hindi noh!" Ingos agad ng kaibigan at nangunyapit kay BuenaFlor.

"Shut your mouth now, baby. Baka lalo lang siyang mastress sa ingay ng bunganga mo." Anang Jeremy na ikinalukot ng mukha ng kaibigan niya.

"Mastress pala ha?! Walang sex sa loob ng isang buwan." Krizzia shouted that made them gaped. Napatitig silang lahat dito habang nakakuros lang ang dalawang braso sa harapan nito. BuenaFlor seemed appalled at her wife's sudden outburst.

Oh my Gosh! Balahura na talaga ang bunganga ng kaibigan niya.

"I can't believe you, Kriz! Kailangan talagang isigaw?" Natatawang pakli ni Amanda habang nakahilig sa balikat ng asawa nitong si Jacob.

"Nakakainis siya eh!" Pagmamaktol pa nito habang nakatitig ng masakit sa asawa nito na nashock na ata dahil hindi na ito nakagalaw mula sa kinatatayuan nito. Ilang suyuan pa tuloy ang nangyari bago napahinuhod ang kaibigan niya.

"Where's Nathaniel?" Kunot-noo at kinakabahang saad niya nang maalala ang nobyo. Ang huli niya kasing naalala ay ang pagpasok ng dalawang armadong kalalakihan sa kanilang kwarto. "Is he hurt?"

"Nate's perfectly fine,Elle. He just talked to someone but he'll be back later." Anang Jacob. They're also bestfriends kaya alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya.

"Magpahinga ka nalang muna, Elle. O may gusto ka bang kainin?"

"Gusto ko sana ng chicken soup, Amanda." Nakangusong saad niya habang himas-himas ang kanyang maliit pang tiyan. Nagrereklamo na ata ang baby niya. Ngayon niya lang napansin ang pagtunog ng tiyan niya.

"Kami na ang bibili, Krizzia. Just stay here. Kapapanganak mo lang rin. Baka mabinat kapa." Anang Amanda nang akmang tatayo ang kaibigan niya. Naiwan silang tatlo nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon ang lalaking mahal niya. His face looked tired and weary.

"Brat, you okay now?" Masuyong hinagkan nito ang labi niya at tumabi sa kanya. Nginitian niya ito ng tipid at pilit inabot ang mukha nito. Nanlalalim ang mga mata nito at halatang walang tulog.

"Ang pangit mo na Nate."

"I know, brat. I'm so worried about you. I thought I'll lose you the moment you fell in my arms." Malungkot at may pag-aalala paring nakaguhit sa mga mata nito kaya hindi na siyang nagdalawang-isip na dampian din ito ng masuyo at puno ng pagmamahal na halik. She wanted to ease the pain and worries that he's feeling.

"You won't lose me, Nate. You won't lose us. Not now. Not ever." Aniya sa matigas na boses. Kung kailangang gamitin niya lahat ng kapangyarihan at kayamanan niya ay gagawin niya mahuli lamang ang taong gustong pumatay sa kanya.

"Andito naman kami at handang tumulong, Elle." Anang kaibigan niya na hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ng asawa nito.

"I know, Kriz. Pero ayaw ko naman na pati kayo ay madamay pa dito."

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon