Chapter 7

63.1K 1.3K 26
                                    

ROS just got eliminated. How sad.
Kawawa si bebe James. I hope cavs will win tomorrow though. Ayaw ko talagang mag-update sana dahil wala talaga ako sa mood. So feeling ko lame talaga tong chapter 7.

~~

Nakangusong nakatitig lang siya sa kisame ng kanyang kwarto. Mahigit isang oras na ang nakalipas pagkatapos siyang maihatid ni Nate sa kanilang bahay ngunit nananatiling wala sa sarili lang siyang napapaisip. Her brows creased as she spread her arms on her bed. Gusto na niyang matulog ngunit hindi pa ata siya tinatamaan ng antok.Nawiwili pa ata sa paglalakbay ang kanyang isip. Siguradong may hidden agenda si Nathaniel kaya nakikipaglapit sa kanya. Tss. Akala naman nito madali siya nitong mapapaamo. Hindi siya madadala ng kagwapuhang taglay nito.Nagsawa na siya sa hitsura nito. Ismid ng isang bahagi ng kaniyang isip.

Napabalikwas siya ng bangon mula sa kanyang pagkakahiga nang tumunog ang cellphone niya. Dinampot niya iyon at kunot-noong  tiningnan. There was a message from an unknown number.Binuksan niya iyon at binasa.

I missed your lips already,brat. Dream of me.

Uminit ang ulo niya dahil sa nabasa. Isa lang naman ang tumatawag sa kanya ng brat. Walang iba kundi ang antipatikong si Nathaniel. Pang anghel nga ang pangalan,daig pa nito ang demonyo sa taglay nitong ugali. lnis na nireplayan niya iyon.

The feeling's not mutual,jerk. Do not dream of me.

Anong akala nito sa kanya? Madadala nito sa matamis nitong dila? Akala ata nito nalimutan na niya ang ilang beses na paninitig nito sa kanya ng masakit.Neknek mo,Nathaniel!

You're still my brat. Don't think too much.Goodnight!

Your jerk.

After reading his message,waves of memories flashed before her own eyes.A couple of dates they had,the kisses they've shared and the pain he gave her in the end. He used to call her brat and she loved calling him jerk. That was their endearment to each other.

She blinked when a single tear fell in her eye. She's still hurting and she didn't know when will it stop.












Namumugtong mga mata ang nabungaran niya sa salamin nang magising siya kinabukasan. She grimaced at what she saw. She looked pretty aweful. Nagsisi tuloy siya kung bakit umiyak iyak pa siya. Hindi naman iyon nakakaganda. Naghilamos siya at saglit na inayos ang kanyang mukha bago bumaba. It was Sunday and it means no work for her. Mabuti naman dahil mukha siyang lantang gulay ngayong araw.

"Manang!" Tawag niya nang malapit na siya sa kusina. Humahangos na lumabas mula roon ang kanilang kasambahay.

"Ano po iyon,ma'am?" Nakayuko ang ulo na saad nito. Tumaas ang isang kilay niya dahil sa pagyukong ginawa nito.

Ano siya prinsesa na kailangang yukuan? Duhh! Mukha lang siyang prinsesa pero hindi talaga siya prinsesa.

"Huwag mo akong yukuan,manang.Nakakairita tingnan." Aniya na nagpaangat ng tingin nito mula sa pagkakayuko. Namumutla ang mukha nito habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya.

"Look at me when I'm talking to you,manang. Paano tayo magkakaintindihan kung hindi niyo ako titingnan?" Nababanas na untag niya dito. Ang aga-aga umiinit na naman ang ulo niya.Naiistress tuloy siya. Napahilot nalang siya sa sentido para pigilan ang sariling singhalan ito.

"Sorry po talaga,ma'am." Anito na may takot sa mukha.

Diyos ko! Nakakatakot na ba ang pagmumukha niya? O nakakatakot lang talaga ang eyebags niya?

Napailing siya dahil sa naging reaksyon nito. Napangisi siya at tinawag ang isang katulong na nakasilip sa bukana ng kanilang kusina. Namumutla na din ang mukha nito habang mabilis na naglakad palapit sa kanya.

It's confirmed! Nakakatakot nga talaga ang hitsura niya!

"Bakit ang putla ninyong dalawa?May mga sakit ba kayo?" Nanlalaki ang matang asik niya na nagpaatras sa kinatatayuan ng mga ito.

"Wa-wala po,ma'am!" Agad na sagot ni manang Rosa habang natataranta pa.

"Yun naman pala. Eh bakit ang puputla niyong dalawa? Mamamatay na ba kayo?"

"Hindi! Hindi po ma'am!" Saad ng mga ito habang sabay pa na napailing sa kanya.

"O gusto niyong ako ang pumatay sa inyo?" Nandidilat ang matang saad niya.Nakanganga lang ang mga ito sa harapan niya at natulos na sa kinatatayuan ng mga ito. Natakot niya ata.

"What's happening in here,Elle?" Her mom's loud voice echoed in the hallway.Gusto niya tuloy matawa dahil umayos sa pagkakatayo ang dalawang babae na nasa harapan niya. Tss. Mas nakakatakot nga naman ang mommy niya. Parang dragon ito na laging bumubuga ng apoy eh.

"Nothing mommy. I'm just talking to them." Nakangiti ng malawak na salubong niya dito.

Tumaas ang sulok ng bibig nito at pabalik-balik na tiningnan ang dalawa nilang kasambahay na lalong hindi mapakali at namumutla na naman na nakatingin sa kanilang dalawa ng mommy niya. Feeling nga niya demonyita na ang paningin ng mga ito sa kanilang dalawa.

"What did Elle do this time,manang Rosa?" Anang mommy niya sa kasambahay nilang matagal ng naninilbihan sa kanila. Ito ang nakatalagang mayordoma nila. Katabi nito ang pamangkin nitong mas matanda lang sa kanya ng dalawang taon.

"Wala naman po,madam! Ipinatawag niya lang po kaming dalawa ng pamangkin ko."

Hindi pa rin naniniwalang tiningnan siya nito. Nagkibit lang siya ng balikat at ngumiti sa mommy niya na pinagmanahan niya sa lahat ata ng bagay. Well,maliban sa tangkad siyempre. Nagmana siya sa daddy niya eh. Hindi katangkaran ang mommy niya.Tawag nga niya dito pandak na demonyita. Pero siyempre hindi nito alam. May plano pa siyang magtagal sa mundo eh.

"Bakit naririnig ko ang boses niya na umabot na ata sa kabilang subdivision?"

Napatirik ang kanyang mata dahil sa tinuran ng mommy niya. Ang OA talaga nito. Hindi naman ganun kalakas ang boses niya noh!

"Did you just roll your eyes at me,Elle?" Anito habang umuusok na ata ang ilong nang balingan siya ng tingin.

"Of course not,mommy!" Todo-tanggi niya. "There's just something on my eye." Kinusot-kusot pa niya ang dalawang mata para mas kapani-paniwala ang sinagot niya dito.

"Fine. Huwag mo lang takutin ang mga kasambahay natin,Elle. Mamaya wala ng makatagal sa pag-uugali mo. Mukha at ugaling  terorista kapa naman." Ismid nito at iniwan siyang tigagal.


Unbelievable!

Her mom's really unbelievable!

Sabihan ba naman siyang mukhang terorista? Eh nagmana siya dito. Nilalait ata nito pati sarili nito. Paano kaya natagalan ng daddy niya ang mommy niya? Sobra-sobra kaya ang kasamaang taglay nito. Love really knows no boundaries eh? Swerte naman ng mommy niya. Ewan niya lang kung may makatagal din sa ugali niya. Feeling niya kasi wala na eh. Ang nag-iisa sanang inakala niyang matatagalan ang ugali niya,naging akala lang pala. Iniwan din siya sa ere.

She smiled bitterly.

Love endures?

She hoped so.







~~

Click the ☆ and hit comment.

OiBhabie







Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon