Chapter 44

45.9K 967 15
                                    

Hindi na siya gaanong nakikipagkita sa mga kaibigan niya sa takot na baka madamay pa ang mga ito sa nangyayari ngayon sa kanila. Tinawagan niya lang ang mga ito at ikinwento ang mga nangyari noong nakaraang araw. Alam niyang nag-aalala din ang mga ito sa kanya ngunit ayaw nadin niyang may mangyari ring masama sa mga ito. Ang isa pang pinag-aalala niya ay ang nalalapit na kasal niya. Paano nalang kung sirain nito ang kasal nila? Hindi siya makakapayag. Ang mahal na kaya ng nagastos nila. Tapos si mommy niya ang naghirap sa pag-aasikaso nun. Kawawa naman ito.

"Brat?"

"Bakit?" Balik-sigaw niya nang marinig ang boses ni Nathaniel sa labas ng kanyang kwarto.

"Aalis muna ako. Are you sure you'll just stay here?" Anito habang nakapagitan ang katawan sa bukas ng pinto ng kanyang kwarto.

"Oo nga. Ang kulit nito!" Nakangusong saad niya. Nakangiting naglakad ito palapit sa kanya at binigyan siya ng masuyong halik sa labi.

"Don't be a brat and just stay here. Naiintindihan mo ba ako,Ella Eunice?"

"Yes,jerk! At saka andami namang nagbabantay dito. Hindi naman siguro makakapasok ang taong iyon."

"I just want you safe, brat. And remember, shoot whoever that will hurt you." Anito sa seryosong boses. Napatango nalang siya at niyakap ito ng mahigpit. "Huwag na huwag ka ring magpapagutom, okay? Babalik din naman agad ako."

"Okay,Nathaniel. Mag-ingat ka sa pagmamaneho."

" I will, brat." Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya kaya napatingala tuloy siya dito." Sumunod ka nalang kaya sa opisina,brat. At least doon mababantayan kita."

Natatawang kumalas siya sa pagkakayakap nito at naupo sa sofa.

"Huwag ka ngang paranoid, Nathaniel. I'll be fine here. Promise."

"Damn, brat! Hindi talaga ako mapakali. Just go with me at the office, please?" Napailing nalang siya at walang nagawa kundi sumunod nalang dito papuntang opisina nito. Ang kulit kasi nito at ayaw talagang umalis kung hindi siya kasama.

"Happy now?" Aniya nang nasa sasakyan na sila patungong kompanya nito.

"Very." He answered grinning.


Bagot na bagot na siya at kanina pa niya gustong lumabas ng opisina ni Nathaniel ngunit ayaw naman niyang maging isang pasaway na naman. She'll be a wife and a mother soon. Kaya dapat lang na mas maging responsable at mas maging masunurin siya sa kung anuman ang ibilin sa kanya. After all, this is for their safety.

Kagat-labing inilibot niya ang paningin sa buong opisina nito at isang malaking ngiti ang gumuhit sa labi niya nang makita ang nakangiting larawan nilang dalawa na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. They're both in their college uniforms. Still young and very much inlove. Hinawakan niya iyon at hinaplos. Ang ganda niya talaga at ang gwapo-gwapo naman ni Nathaniel. Hindi na siya nagtaka kung bakit patay na patay siya dito mula noon hanggang ngayon.

Napapitlag siya nang biglang tumunog ang telepono na nasa mesa nito. Mabuti nalang at hindi niya nabitawan ang hawak-hawak na picture frame. Inangat niya ang tumutunog na telepono at sinagot.

"Hello! Good morning!" Aniya sa masayang boses.

Kung ako sayo magpaalam kana sa taong mahal mo. Malay mo bukas wala kana sa mundong ito.

"What?! What are you talking about?" Aniya sa malakas na boses pagkarinig sa sinabi ng nasa kabilang linya. Is this a freaking prank? O nagkamali ito ng tinawagan?

Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin,Elle Mendez.

Agad siyang nanigas at napatda sa pagkakatayo nang marinig ang pangalan niyang binanggit nito.

"Who the fuck are you,freak?!" Fear crept her veins upon hearing the caller's creepy laugh. Nanghihinang napaupo siya pagkatapos siya nitong babaan ng tawag. Naiiyak na dinial niya ang numero ng nobyo at agad ding ibinaba iyon pagkatapos marinig ang panic sa boses nito.

Nag-aalalang mukha ni Nathaniel ang agad na bumungad sa kanya pagkaangat niya ng kanyang tingin.

"Damn, brat?What happened? Why are you crying?" Agad siya nitong kinandong habang hinahaplos ng marahan ang buhok niya.

"Someone just called, Nate!He's threatening me! He said, magpaalam na daw ako sa mga taong mahal ko! I'm so afraid, Nathaniel! Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa baby ko." Humahagulgol na saad niya dito. His face darkened upon hearing what she said. Agad itong may tinawagan at kinausap bago hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Brat, calm down. Hindi makakabuti sayo ang umiyak. You're pregnant. Our baby won't like it when you're crying this much."

"I'm sorry,Nate. I'm sorry. Ang hina-hina ko!"

"No, you're not. You'll be fine, brat. Hindi ko hahayaang saktan kayo ng kung sinuman. Pagbabayaran nito ang pananakot na ginagawa nito." His knuckles fisted as he stared at the wall. Ilang minuto din siya nitong pinatahan nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nito at ilang kalalakihan ang pumasok doon.

"Corpuz."

"Hernaez." Nakangising bati ng isang matangkad at gwapong lalaki. "Anong maipaglilingkod ko sa mahal na hari?"

"Shut up,Corpuz!" Nate barked. "I want you to know who's behind that call awhile ago.Now!"

"Tss. Suplado mo!" Natatawang saad ng lalaki bago siya binalingan ng tingin. "Bakit kaba nainlove sa lalaking ito?"

"Pakialam mo?!" Pabalang na sagot niya dito.

"Wow! Feisty,huh? No wonder marami kang kaaway,Miss Elle Mendez." Pahayag nito bago nagsimulang magpindot-pindot sa laptop na dala nito. Kunot-noong napaisip siya dahil sa sinabi ng mahaderong lalaking nagngangalang Corpuz. Baka nga isa sa nakaaway niya ang gustong magpapatay sa kanya. Kinulbit niya ang nobyong seryosong nakatingin sa ginagawa ng lalaki.

"What is it, brat?"

"Do I need to list all my enemies,Nate? Would that help?"

"Kaya mong isulat,brat?" Nanunudyo ang boses na balik-tanong nito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mapairap. Alam niyang marami siyang naging kaaway dahil sa masama niyang ugali. Masama lang ang tabas ng dila niya ngunit hindi siya mamamatay tao. At kung sinuman ang gustong pumatay sa kanya ay paniguradong ang laki ng galit sa kanya.

"The caller is not far from here, Hernaez. I tracked the location and it's on the nearby hotel." Agad na sinenyasan nito ang mga nakaantabay na lalaki na agad namang nagpulasan paalis.

"Saan sila pupunta?" Naguguluhang saad niya.

"They'll check the area, Miss Mendez. Let's wait for a while." Corpuz answered. "I've checked the CCTV footage near your unit. It's a guy but his face is covered. But I already got the names of those who entered the said establishment on that day. I just need a day or two to catch the culprit,Hernaez. You just have to be careful. May plano talaga ang kung sinuman na patayin ang mapapangasawa mo dahil may nakita akong isang lalaki na kahina-hinala na nagmamatyag sa palibot ng building na tinitirhan niya." Mahabang pahayag nito na ikinatakot na naman niya. Hinagkan siya sa pisngi ng nobyo at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"What should we do then?"

"Mas mabuting hindi ka gaanong maglalabas ng condo mo, Miss Mendez. Don't worry. Nacheck ko na ang buong unit mo at nalagyan ng CCTV camera. May mga tauhan akong nagbabantay doon kung sakali mang babalik na naman ito sa unit mo."

She heaved a deep sigh. Saglit na nawala ang kanyang takot dahil sa sinabi ng lalaking nagngangalang Corpuz. He must be a police or an agent because he's good on what he's doing. Sana naman mahuli na ang kung sinuman ang nagtatangka sa buhay niya. She missed her friends already. Namiss  na niya ang maglakwatsa ng walang iniisip na may mangyayaring masama sa kanya. She missed her old life. Makakalbo niya talaga ang kung sinuman ang lintik na nananakot sa kanya.






~~

A/N: Grabe! Kapatid ko na ata ang kamalasan. 😢😪

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon