Ang hirap maging babae! 😡😢
~~
Tarantang nagsilapitan ang mga staff niya sa EMA nang mamataan siyang papasok sa building. Taas-noong pinasadahan niya ng tingin ang mga ito.Nakayuko pa nga ang iba at halatang natatakot sa kanya.
Gosh! Katakot-takot na pala ang gandang taglay niya! Nasa gitna ng mga ito ang hindi makapaniwalang si Patty. Ilang beses pa itong napakurap-kurap sa harap niya. Ang sarap tuloy hilahin ng fake eyelashes nito.
"Elle, dear! What brought you here?" Anito nang mahimasmasan habang bumebeso sa kanya. Her brows arched at his question.
"This is my agency. Am I not allowed here?" Malditang asik niya at nilampasan ang designer na sumunod sa paglalakad niya. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Wala namang gaanong ipinagbago ang agency niya. "Call all our models, I'd like to see them."
Aniya at dumiretso sa opisina niya. Nakatangang sumunod ito sa kanya at nakapameywang na tumayo sa harap niya."Are you back for good, Elle?" Nagniningning ang matang sabi nito.
"Yes, Patty."
"Oh my God! Are you going to model my creation now?" Natutuwang saad nito sa kanya. Napaangat ang tingin niya dito.
"Let's see. Kung magustuhan ko, why not?" Aniya habang kibit-balikat na binasa ang mga documents na nasa ibabaw ng mesa niya.
"You'll like it, Elle. That I assure you. The other agency will release a new creation. Sabrina will be their model."
Nilapag niya ang binabasang dokumento at pinakatitigan ang baklang nasa harapan niya. Ubod ng laki ang ngiti nito na parang alam na nito ang magiging sagot niya.
"Tss. You already know my answer, Patty. You can go out now."
"Yes!" Natatawang sigaw nito at agad na lumabas ng opisina niya.
Naiwan siyang napapailing dahil sa naging reaksyon ni Patty. Binalikan niya ang pagbabasa ng mga dokumentong nakapatong sa mesa niya. Siguradong sasakit na naman ang ulo niya sa pagbabalik niyang ito. She'll be busier but it's much better. Maiwawaglit sa isipan niya ang pagiging brokenhearted niya.
Nakahalukipkip na inisa-isang pinasadahan niya ng tingin ang mga modelong nakaparada sa harap niya pagkatapos ng mga itong rumampa. They're all exceptionally tall and good- looking. That she approved. Magaling din palang pumili ang mga staff niya.
"They're all okay to me, Patty. You just have to improve their walking." Panimula niya habang sinusulyapan si Patty. "And besides, where are your confidence, guys? Don't tell me you're all pretty faces?" Taas-kilay na inisa-isang tingnan niya pa ang mga modelo.
"You!" Aniya habang nakaturo sa isang babae na biglang namutla. "You're too pretty. Heads up, okay?" Dali-daling tumango naman ito at biglang tumayo ng matuwid.
"A month from now, we will be launching Patty's new creation. So, I want you to ready yourselves. Got it?" Sabay-sabay na sumigaw ang mga ito na ikinangiti niya. "Good job,guys! Get back to your practice."
She's busy reading some documents when she got a call from her mom. She heaved a deep sigh before answering her phone.
"Mom."
I need to talk to you. Go to The Queen. Now.
Napailing nalang siya dahil agad siyang binabaan ng mommy niya. Ni hindi pa nga siya nakaoo eh! Pinagpatong-patong nalang niya ang mga dokumento at agad dinampot ang bag niya. Nakasalubong pa niya si Patty na mukhang busy sa kakasinghal sa mga staff niya.
"Go easy on them, Patty. Mukhang iiyak na sila oh!" Natatawang pakli niya at kinawayan lang ang mga ito at dumiretso na siya palabas ng agency.
It's past four in the afternoon already and she's driving like a madwoman. She's freaking late. Siguradong makakatikim na naman siya ng mura sa mommy niya. Ni hindi nga siya nakapagpark ng maayos at agad na pumasok na siya ng resto. Nilibot niya ang paningin sa paligid at nahagip ng paningin niya ang mommy niya na nasa gitnang bahagi ng restaurant nakaupo. Agad na lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi nito.
"I'm sorry, mom. I got stuck in the traffic." Aniya at naupo sa harapan nito. Agad na tinawag niya ang waiter at nag-order ng kape at cake.
"What are we going to talk about, mom?"
"Patty told me that you're back in your office. Is it true?" Napailing siya at napatango nalang sa mommy niya. Ang mahadera talaga ng baklang iyon. Mamaya makakatikim ng sampal sa kanya yun eh!
Agad na ininom niya ang cappuccino nang ilapag ito ng waiter bago binalingan ang mommy niya na nananatiling seryoso ang mukha sa pagkakatitig sa kanya.
"You looked ugly, Elle. Have you been crying? Don't tell me you're a broken hearted girl again?"
"Mom." She said whining. "Are we going to talk about that here?" Grabe! Ang mommy niya talaga palaging hindi pinapalampas ang pagiging brokenhearted niya.
"Why? There's nothing wrong with that. Are you being shy now? Hindi ikinakahiya ang pagiging brokenhearted,Elle." Napangiwi nalang siya dahil sa sinabi ng mommy niya. Nakakahiya kaya! Sa ganda niya, brokenhearted pa siya. Eh di kawawa naman talaga ang mga pangit. Always brokenhearted.
"Fine,mommy. I'm not being shy now. Should I voice it out loud that I'm brokenhearted?" Puno ng pagkabitter ang boses na saad niya. Isang lunok lang tuloy ang slice ng cake sa kanya. Hindi makapaniwalang napatingin ang mommy niya sa kanya.
"Did you just eat the whole slice of cake, Ella Eunice?" Nahihintakutang bulalas nito. Na para bang malaking kasalanan ang ginawa niya. Duh? Ang iba nga mas malaki pa doon ang ipinapasok nila sa bunganga nila eh!
"Yes, mommy." Nakangiting sabi niya na parang isang mabait na bata sa harap ng magulang niya.
"Goodness! I think I need to enroll you again in a finesse club." Napairap nalang siya dahil sa tinuran ng mommy niya. Graduate na kaya siya doon. Uulit pa ba siya? No way!
"And tell me, Ella Eunice? Why did you two broke up? Again?"
"Same old issues,mommy. I don't want to talk about it." Walang ganang saad niya at agad inubos ang kape niya.
"He didn't believed you again?" Napapantiskuhang saad nito.
"Yes, mom. Is it my fault that I don't look like an angel? Mukhang anghel kasi si Angela kaya mas naniwala siya doon, mommy."
"You know what,Elle? Sila talaga ang dapat mong bantayan. Sila kasi ang mahihirap na mga kalaban." Nakaismid na nagtipa ito ng mensahe sa cellphone nito bago dinampot na ang bag nito. "I'm going to meet your daddy, Elle. I'm going first."
Napatayo nadin siya at dinampot ang bag niya.
"I'm going too, mommy. Uuwi na ako sa bahay. I'm tired. I wanna rest already."
"Okay. But remember what I told you,okay? Mag-ingat ka sa mga kabaro ni Angela."
"Yes, mommy." Aniya at humalik na sa pisngi nito. Her mom may not be the sweetest but she knew she cared a lot for her. Alam niyang kahit anuman ang mangyari ay kakampihan siya ng mommy niya. Makikipagpatayan pa ito para sa kanya. That's why she loved her too much. Kung hindi man naniwala si Nathaniel sa kanya, at least ang mommy niya naniwala sa kanya.
~~
Ang lame ng update.
Ang sama ng pakiramdam ko. 😢
**
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.