Enjoy reading! 👀 📚
~~
Napapalatak na inayos ni Elle ang magulong buhok nang mabasa ang ipinadalang mensahe ng kalandian niyang sobra -sobra ang kagwapuhan at kaseksihang taglay. Hindi niya naman pwedeng sabihin na boyfriend na niya ito kahit naghalikan pa silang dalawa in public. Ayaw niya namang pagsabihan siyang asyumera. Nakakasakit lang yun ng puso.
Are you home,brat? I'm going to pick you up. Just dressed comfortably. I'll be there by 9:00.
Napasulyap siya sa relong nakasabit sa pader. Alas-otso na ng gabi. Dali-daling pumasok siya sa banyo at naligo ng mabilis. Hindi siya pwedeng magpabebe. Mainipin pa naman ang abnuy na iyon. Pinili niyang isuot ang isang black na tube dress na abot hanggang ibabaw lang ng kanyang tuhod. Medyo sexy ang tabas nito kaya pinili niyang magdala ng jacket. Medyo malamig pa naman kapag lumalalim na ang gabi.
She smiled at herself in front of the mirror. She looked simple but classy. She loved it. She pouted and took a photo of herself and posted it on her instagram. Perfect.
Her phone rung. It was Nate calling. She picked it up and answered it after two rings.
I'm here downstairs,brat. Come down already. Or do you want me to go there? I would love that. He said as she answered his call. His voice sounded husky and it made her think of him still sleeping on his bed without any clothes on. Hindi kasi ito nagdadamit talaga kapag natutulog. Naiinitan daw ito. Kaya nga noon hindi siya tumatabi dito kapag matutulog na ito. Ang halay kasi nito. Wala pang hiya sa katawan.
I'm going down already, jerk. Huwag kang atat. Ismid niya at pinatay ang tawag. Dinampot niya ang bag at jacket at dali-daling bumaba. Nadatnan niya pa ito sa sala kasama ang mommy niya na mukhang seryosong nag-uusap. Napatikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito. Sabay pa ang mga ito na bumaling ng tingin sa kanya.
"Am I disturbing you two?"
"No,Elle. We're done talking anyway." Anang mommy niya habang palipat -lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"Let's go already, brat. I don't want us to be late." Anang Nathaniel na tumayo na at nilapitan siya. Ang gago,tawagin ba naman siyang brat sa harap ng mommy niya. Baka akalain ng mommy niya talagang isang brat parin siya. She's matured na kaya. "We'll be going already,Tita." Paalam nito sa mommy niya.
"Okay. Take care of my daughter, Nathaniel. I don't want her going home with a scratch,okay?" Paalala pa ng mommy niya na ikinangiwi niya. Ano siya bata na kailangan pang ibilin? She's already a grown up but her mom and dad is still treating her like a kid. Duhh? Baka magulat na lamang ang mga ito na may apo na ito isang araw.
"I will,Tita." Nate answered. She just rolled her pretty eyes and kissed her mom goodbye. She hates drama. Mahilig pa naman sa drama ang mommy niya. Hinawakan na niya ang kamay nito at hinila ito palabas ng bahay nila.
"Hey, calm down,brat. Are you in a hurry?" May inis sa boses na saad nito nang nasa labas na sila.
"You just said you don't want us to be late. I'm just being helpful here." She countered and went inside his car. Napailing lang ito at sumunod sa kanya. He stared at her intently that made her breathing shallows. She felt suffocated near him. Nakakapanlambot ang bango nito na pumupuno sa loob ng kotse.
"You looked so gorgeous, brat." Anito. "But your dress is too short and your cleavage is showing. They'll surely feast on that." Dagdag nito na ikinainit ng pisngi niya. Tinampal niya ang braso nito at tinitigan ito ng masakit.
"Why did you have to tell that straight to my face,huh? You're such a jerk, Nathaniel!" She half-shouted at him. His face suddenly hardened at her outburst.
"Would you rather let the other guys tell you that,Ella Eunice?" He barked. "You don't have to show some skin. You're still beautiful even in rags." He added before he started driving. Namumuti ang kamao nito na mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Natameme siya dahil sa mga binitawan nitong salita. Nakangiwing napatingin siya sa dibdib na nakalitaw sa kanyang damit. Hindi naman mukhang bastusin kaya lang type atang magpaconservative ngayong gabi ng ex soon to be present niya. Gusto niya lang namang siya lang ang mapagtuunan ng pansin nito. When it comes to him, she had a lot of insecurities even before.Yun pa naman ang kalimitang dahilan ng pag-aaway nila noon. Her being so immature and him being so popular with girls.
"I'm sorry." Aniya sa mahinang boses.
Saglit na binalingan siya nito ng tingin at ibinalik din ang pansin sa pagdadrive.
"If you don't feel like saying sorry. Don't just say it. Wala din namang kwenta." He scoffed that made her eyes bulged. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Mukha bang hindi sincere ang pagsosorry niya? Hindi niya naman siguro kasalanan kung nakataas palagi ang mga kilay niya. Inborn niya na ata yun eh! But now she's really sincere on saying her sorry. Ang hinayupak nakakasakit na talaga ng heart. Parang hindi naman siya nito kilala.
"I'm sincere on saying sorry, Nathaniel. You know me, I won't even say sorry if I don't mean it." Pilit pinipigilan ang pagtaas ng boses na anas niya.
"Okay."
Imbes na maging masaya dahil sa naging sagot nito ay lalong nainis siya. Halata namang hindi ito naniniwala sa kanya. Tinitigan niya ito ng masakit nang bumaling ito sa kanya dahil traffic. Ngunit imbes na makuha sa tingin ay tinaasan lang siya nito ng kilay. Ang sarap tuloy hambalusin ng pagmumukha nito. Sa inis niya ay inirapan niya ito at kuyom ang palad na ibinaling nalang ang tingin sa labas. Nakakatuyo talaga ng dugo si Hernaez. Lumala ata ang pangit nitong pag-uugali.
She heaved a deep sigh and tried to think of happy things. She doesn't want to ruin her night. Mamaya hindi pa siya makatulog ng maayos. Magkakaeyebags siya at papangit ang kanyang mukha. Napailing- iling siya dahil sa kanyang mga naisip. It's not healthy. Nagkakawrinkles siya.
"Don't think too much, brat. Just think of me. Hindi kapa magsisisi." Nakangising untag nito sa kanya at nauna ng lumabas nang iparada nito ang sasakyan sa labas ng isang sikat na restobar.
Hindi tuloy siya nakaalma dahil sa sinabi nito. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng mahal niya. No wonder bagay na bagay talaga silang dalawa.
~~
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.