She's dressed in black backless long gown and her make-up is all done. Aminado siyang nagmumukha na naman siyang maldita dahil sa suot niya. Kiber naman niya dahil totoong maldita naman talaga siya. And besides, feel niya talagang maging bitch-like ngayong gabi.
Isang busina ang nagpatigil sa pag-usisa niya sa kanyang mukha sa harap ng salamin. She smiled for one last time before she got her purse and walked towards the door.
"Hi!" Ang nakangiting mukha ng mapapangasawa ang nabungaran niya pagkabukas niya ng pinto. Her brows raised as she studied his whole body. He's dressed in a black suit and his hair looked unruly. Kumikinang ang mata nito habang nakatitig sa kanya. Gusto niya tuloy itong ngisihan. He looked smitten and it's because of her. Dapat lang. Dahil kakalbuhin niya talaga ito kapag ganoon ito tumingin sa bang babae.
"You looked stunning, brat. Sexy and stunning." Puri nito bago dinampian ng halik ang noo niya. "Damn! I'm so lucky."
"You don't looked bad yourself, jerk. Ang gwapo mo din. And all mine, ok?" Aniya at nauna ng naglakad. Sinara nito ang pinto at agad na sumunod sa likod niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto ngunit hindi maiwasang pagtaasan niya ito ng kilay dahil naririnig niya ang pagmumura nito sa likod niya.
"Why are you cussing? Minumura mo ba ako?" Aniya nang makapwesto ito sa driver's seat.
"No, brat." Anito habang napapailing. "You just looked so ravishing. And you're showing too much skin." He hissed as he started driving.
" Ano naman? Ang conservative pa nga nitong suot ko eh! And besides, I should flaunt what I have right?"
Hindi ata nito nagustuhan ang sinabi niya dahil biglang nalukot ang buong mukha nito. Saglit na binalingan siya nito ng tingin bago nito binilisan ang pagmamaneho nito. Kibit -balikat na napahalukipkip nalang siya at nagsimulang magselfie. She posted it in insta and tagged her two best friends. Tss. Maiinggit kayo sa damit ko, bitches!
It's past seven in the evening when they arrived at the venue. It's a spacious garden owned by the host himself. Invited si Nate dahil business partner nito iyon. Siyempre siya nakikisabit lang. Mahirap na at baka landiin pa ng iba ang pagmamay-ari niya. Naninigurado lang siya.
Agad na ikinawit niya ang kanang braso sa kaliwang braso ni Nathaniel at nagsimula na silang maglakad papasok. Halos masilaw siya nang sunod -sunod na flash ng camera ang sumalubong sa kanila.
"Bullshit!" Bulalas niya habang masama ang tingin na iginawad sa mga photographers.
"Don't cuss, brat. Be a good girl." Masuyong bulong naman nito sa bandang tenga niya.
"I'm a good girl, jerk. Mas mainam na murahin ko nalang sila kaysa batuhin ko pa sila ng pagkamahal-mahal kong sapatos." Ismid niya at tinaasan ng kilay ang mga mahaderang napapatingin sa kanila. She smirked when she saw enemy number two. Nagpula pa talaga ang gaga. Papansin. Nginitian niya ng pagkatamis-tamis ang kanyang fiance' at dinampian ito ng halik sa labi na ikinagulat nito.
"Damn, brat! Gusto ko na tuloy umuwi." Nakangusong anas nito nang makaupo na silang dalawa.
"Eh di umuwi kang mag-isa kung gusto mo!" Sagot naman niya at pilit na ibinalik ang pokus sa nagsasalita sa harap. Pinandilatan niya ito ng mga mata nang biglang maglakbay ang kamay nito sa bandang hita niya. Ngumisi lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa sa kanya.
"What are you doing, jerk? Get your hands off my thigh." Bulong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay nito na naglulumikot sa ilalim niya.
"I'm bored, brat. Come on, let's just go home." Mahinang bulong nito habang inilalapit ang mukha sa leeg niya. At halos manigas siya ng halikan nito ang leeg niya. She tried to sit properly as she scanned the crowd. Mukhang wala namang nakakapansin sa pangmamanyak ng mapapangasawa niya.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.