Chapter 8

61K 1.2K 25
                                    

Tarantang nagsialisan ang mga katrabaho niyang makakasalubong niya nang makita ng mga ito ang mukha niyang bubuga na ng apoy. She's seething with rage and anger. At matatamaan talaga ang kung sino mang haharang-harang sa dinadaanan niya.

Punyetang lalaki! Ang kapal-kapal magtext ng kasweetan sa kanya. May pa dream of me,dream of me pa siyang nalalaman. Tapos mapapanood lang niya sa balita ang paghahalikan nito at ng pangit na babaeng iyon? Gosh! Matutuyuan siya ng dugo sa inis. Hindi naman kagandahan at kaguwapuhan! Nag PDA pa ang mga lintik!

Hinayupak talaga na lalaki! Pagbubuhulin ko pa sila ng babae niya eh! Hindi hamak na mas ako sa lahat ng bagay doon eh. Mas maganda ako,mas sexy, mas mayaman, mas matangkad at mas maldita. Ano pang hahanapin nito?

Inis na dinampot niya ang kanina pa tumutunog na cellphone pagkaupong-pagkaupo niya sa kanyang upuan.Pagkakita sa pangalan ng tumawag ay isang malutong na Fuck you ang binitiwan niya bago iyon pinatay.

Ulol! I don't need your fucking explanation!

"Hoy! Mukha kang papatay ah! Sinong kaaway mo?" Natatawang untag ng kaibigan niyang si Krizzia na nasa harapan na niya. Parang wala itong trabaho at pumunta pa talaga para makipaghuntahan sa kanya. Ang tsismosa talaga ng kaibigan niya.

"Gusto mo ikaw ang patayin ko?! Ang ingay-ingay mo!" Nandidilat ang matang asik niya sa kaibigan na biglang sumimangot dahil sa sinabi niya. As if bagay dito ang pagsimangot. Hmmp.

"Ang sama mo,Elle!" Ismid nito pabalik sa kanya. "Nagseselos ka no? Sa napanood mo? Aminin." Tudyo nito habang tinatapik-tapik ang isa niyang kamay.

Inis na tinapunan niya ito ng kanyang nakamamatay na tingin. Sana man lang makuha ito sa tingin! Kaya lang manhid ata itong kaibigan niya. Ni hindi tumigil sa kakatudyo sa kanya. Walang pakisama.

"Hindi ako nagseselos,Krizzia! Galit lang ako. Magkaiba ang galit sa selos!"

"Sus. Hindi ka naman magagalit kung hindi ka nagseselos,Elle sungit. Huwag kasing deny ng deny noh!" Anito sa malakas na boses na nakapagpalingon ng ibang katrabaho nila. Tarantang nagsibalik ang mga ito sa kanilang mga ginagawa nang pandilatan niya ito ng kanyang mga mata.

"Hindi nga ako nagseselos noh! Ang mahadera mo! And duh? Why would I even get jealous? I don't freaking care about them!" Todo tanggi na usal niya habang iniirapan ito.

"What's happening in here?" Anang isang boses mula sa likod ng kaibigan niya. It was Mrs. Adams,their marketing head.

Hindi niya maiwasang mapahagalpak ng tawa dahil sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan niya. Nakanganga ito habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.

"What's funny,Miss Mendez? Why are you laughing your ass out?" May inis sa boses na sabi ng kanilang Marketing Head.

Tumaas ang dalawang well-trimmed niyang mga kilay. Ganitong bad trip siya ay siguradong tatamaan talaga itong matandang Amerikana na ito sa kanya! Kamukha pa naman nito ang kinaiinisan niyang character sa Matilda. Ang laking babae naman kasi. Nandidilat pa ang mga mata sa kakatitig sa kanya.

"What if I laugh my ass out? It's not your problem anymore!" Pabalang na sagot niya. Nakangiwing humarap naman kay Mrs. Adams ang kaibigang si Krizzia. Pilit na tinatabunan sana siya sa nanlilisik na tingin ng babaeng matanda.Hinawi lang nito ang kaibigan niya na hindi makapaniwala sa isang tabi. Muntik na nga itong matumba dahil sa lakas ng pagkakahawi dito. Sa inis ata ng kaibigan niya ay hiniklas nito ang damit ni Mrs. Adams na biglang napunit.Napasigaw pa ito sa sobrang pagkabigla.

"What the hell did you do,Ms. Aliora?" Dumadagundong ang boses na baling nito sa kaibigan niya.

"Hinawi mo kasi ako,tanda. Muntik na tuloy akong matumba. Gumaganti lang naman ako! Paano nalang kung nabagok ang ulo ko diba?" Krizzia reasoned out, making the poor old woman seeth with anger.

"Tanda? Did you just call me that? The two of you!" Buong lakas ang boses na tinuro pa nito silang dalawa ng kaibigan.Napahalukipkip lang siya habang nakangiwi naman ang kaibigan niya.Nakatingin na nga sa kanila ang lahat ng employees sa buong floor. Gusto niyang matawa. Ang sikat na talaga nila. Isang maingay at isang maldita.

"Where are your manners? I'll make sure that you'll be out of this company on this very day!" Lumalabas ang litid na sigaw nito sa kanilang dalawa bago inis na nagmartsa palayo sa kanila.

"What are you looking at?! Go back to work!" Aniya sa mga tsismosang bubulong-bulong sa paligid nila.Mukhang mga bubuyog. Ang ingay-ingay! Nakakarindi sa tenga.

Tarantang lumapit naman sa kanya ang kaibigan. Worry is etched on her pretty face.

"Matatanggal ba tayo,Elle? Kailangan ko na sigurong maggym. Sa tingin mo?"

Kunot-noong tinitigan niya ito. Parang shunga lang. Mukhang nalugi ang hitsura nito.

"Bakit ka naman magji gym?"

"Mag-aaply ako sa modelling agency mu eh. Dapat maging kasing-payat mo ako.Maganda naman ako at matangkad."

Nalukot ang buong mukha niya dahil sa sinabi nito. Hindi kaya siya payat. Slim lang.

"Abnuy. Magpropose ka nalang kay Jeremy. Siguradong papayag yun." Aniya dito na lalong nagpalukot sa buong mukha nito. Kunwari pa tong isang ito.Deep inside kinikilig lang naman.

"Ayoko nga!"

"Eh di bahala ka! Ang ganda ng payo ko sayo ayaw mo namang sundin!"

"Oh,ano namang kailangan mo?!" Baling niya sa isang babae na akmang lalapit sa kanilang dalawa. Namumutla ito habang hindi alam kung aatras o aabante.

"Ka-kasi Elle,pinapatawag kayo sa HR."

"Bakit ikaw ang nagsasabi?! Taga HR kaba?" Asik niya dito na nagpaatras na talaga dito. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ang duduwag ng mga empleyado ni Jacob.Mapagsabihan nga si Amanda tungkol dito.

"Hi-hindi! Hindi!" Anito habang paulit-ulit na napapailing.

"Pabayaan mo na,Elle. Punta nalang tayo doon." Sabat naman ng nakangusong si Krizzia.

"Ano sila sinuswerte?! Sila ang may kailangan kaya sila ang lumapit noh!" Alma niya at parang prinsesang bumalik sa pagkakaupo niya. Tutubuan lang iyon ng mga ugat sa paa. Hinding-hindi siya pupunta!

"Paano naman ako? Ang hirap kayang maghanap ng trabaho."

"I told you to just marry Jeremy. Hindi ka naman magiging lugi dun."

"Hindi pa nga kami okay! Hindi ko nga alam kung pareho kami ng nararamdaman!" Frustration is evident on Krizzia's face. Napabaling ito sa babaeng nakatayo lang sa harapan nila.

"Pakisabi nalang pupunta na kami." Kiming nakangiti pa ito sa katrabaho nila na ikinaismid lang niya. "Thank you." Dagdag na saad nito.

Naiwan siyang naiirita at lukot ang buong mukha dahil sa lahat ng nangyari sa kanya ngayong araw.

Can her day get any worst,eh?








~~

Click the ☆ and hit comment.

OiBhabie

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon