Surprise.
*************************Anika's POV
Kring kring kring....
Tunog ng maingay Kong alarm clock ang nakapagpagising sa akin.
Kusot kusot ko pa ang aking mata ng bumangon ako sa aking kama. Kaagad akong kumilos upang di mahuli sa aking trabaho. Ginawa ko lang ang morning ritual ko pagkatapos ay nagtungo na akong sa kusina upang mag luto ng aking almusal.
Nag prito lang ako ng itlog at sinangag ko lang ang kaning tira ko kagabi since ako lang naman mag isa.
Saktong 7 O'Clock ng matapos akong kumain. Bago umalis ng apartment ay nilock ko muna ang pinto mahirap na baka manakawan pa ako hahaha..
Sa jeep lang ako sumakay since malapit lang naman ang pinagtatrabahuhan ko."Oy anika bat ngayon ka lang? Di mo ba alam na tanghali na. Lagot ka na naman kay ma'am."
Hay naku ang aga aga bunganga kaagad ng katrabaho Kong si jean ang sumalubong sa akin wala man lang good morning..."Wag ka ngang oa jean ang aga aga pa kaya.. Baka gusto mo munang batiin ako ng goodmorning .."
"Ewan ko sayo anika mapagalitan ka sana" ang aga aga PMS agad. Di ko na lang sya pinansin at nagtuloy na sa loob ng restaurant na pinag tatrabahuhan ko. Waiter nga pala ako sa isang sikat na restaurant dito sa pilipinas.
"Good morning anika blooming yata tayo ngayon ahh." Bati sa akin ng isa pa sa mga katrabaho ko "Good morning din gabby . buti di ka na late ngayon."
"Ay grabe ka ahhh kahapon lang ako na late ehh..." Nakabusangot na sabi ni Gabby
"Ahh sus talaga naman eh lagi kang late." Pang bubuska pa ni hanna Kay Gabby..
"Grabe kayo ahh pagtulungan daw ba ako." Nagdadabog pang sabi ni Gabby pata tuloy syang bata sa inaasta nya natawa na lang tuloy kami ni Hanna. Sinamaan kami ng tingin ni Gabby kaya tumigil na kami mahirap na baka mag tampo mawalan pa kami ng lebre hahaha.. Exact 8 o'clock ng dumagsa ang mga costumers kaya naging busy kaming lahat.."Anika paki serve naman nito sa table #5 oh" utos sa akin ng chef kaya agad agad akong sumunod mahirap na baka mapagalitan ako noh.. Pagkatapos matanggal ako ba wag na kawawa ang pamilya ko pag nag kataun.
Ay sorry nakalimutan Kong magpakilala sa inyo.
Anikaliza panganiban yan ang buo Kong pangalan 21 years old bakasalukuyang nakatira sa QC. Yan di na ako mahihiyang magkwento sa inyo.
Yon nga senerve ko na ang order ng table 5..
Nagtuloy tuloy ang dagsa ng mga costumers kaya di na kami masyadong nakakapag usap..Alas singko ng matapos ang trabaho ko nagkaayayaan pa ngang gumimik ang mga katrabaho ko pero di na ako sumama tiyak kasing gagabihin ang mga yon sa pag uwi. At pag sumama din ako baka magalit ang boyfriend ko at opo tama po kayo ng nabasa may boyfriend ho ako. Nag aabang ako ng parking lot ng ma received ko ang text ni Tyrone .
"Hi love sorry di kita masusundo ngayon busy kasi ako sa office hope you understand. Love you"
Nang mabasa ko ang text ay laylay ang balikat Kong naglakad papuntang sa kayan ng jeep.
Sakto namang may dumaang jeep kaya di na ako nahirapang sumakay. Tumatakbo na ang jeep ng mag reply ako kay tyrone. "Its OK love i understand ingat ka sa pag uwi ah.. Love you too." Send.Di ko mapigilang di mag buntong hininga anniversary pa man namin ngayon kinalimutan na yata nya hay buhay.
Nang makarating Kong apartment ay bigla akong kinabahan. Nakabukas kasi ang gate namin kaya alam Kong may Tao sa loob. Dahan dahan akong pumasok sa loob mahirap na baka marami ang nasa loob ng bahay ko.. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang nabuhay ang ilaw kaya na patili ako sa subrang gulat.
"Happy anniversary love" gwapong boyfriend ko ang sumalubong ng kayap sa akin kaya di ko tuloy mapigilang umiyak pano ba naman kasi kala ko nalalimutan na nya yon pala may pinaplano pala..
"Hey don't cry" pag aalo sa akin ni Tyrone at pinunasan ang pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki.
"Kala ko kasi nakalimutan mo na ehh" umiiyak paring sabi ko.
"No Hindi ko nakalimutan bakit ko naman kalilimutan ehh ito ang first anniversary natin ehh.. Happy anniversary love i love you." Madamdaming sabi ni Tyrone
"Happy anniversary i love you too." Sabi ko at hinalikan sya sa labi na walang pag dadalawang isip naman nyang tinugon.."Let's eat i prepared a dinner for the two of us" aya nya sa akin.
"OK" pagkarating naming kusina ay namangha ako sa aking nakita. Ang ganda ng pagkakaayos nya sa mesa na nilagyan nya pang puting tela.
May kandila ring nakasindi maayos din ang pagkalalagay nya ng mga Plato sa ibabaw ng mesa. Pinaghila nya ako ng upuan bago sya na upo sa harap ko.Katatapos lang naming kumain ng tumayo sya may kukunin lang daw saglit. Pagbalik ni Tyrone ay may dala dala syang bulaklak.
"For you love" sabay abot sa akin ng bulaklak.
"Thank you." Pagkaabot na pagkaabot ko ng bulaklak ay inamoy Amoy ko ito ang bango.
Maya maya pa ay pumailang lang ang isang awitin.
"May i have this dance love" aya sa akin ni Tyrone. Kaagad naman akong tumango.
Habang nag sasayaw kami wala sa aming nag sasalita na para bang ninanamnam namin ang bawat sandali.
"Love" basag ko sa katahimikan.
"Ammm" sagot nya at mas lalong isiniksik ang kanyang ulo sa aking leeg di ko tuloy maiwasang makiliti.
"Thank you" pabulong na sabi ko.
"For what?" Tanong nya ng di parin umaalis sa pag kakasiksik sa aking leeg.
"For this thanks kasi nandito ka di mo ko iniiwan sa kabila ng lahat kahit na ayaw sa akin ng parents mo still di mo parin ako iniiwan" tumigil mo na ako bago nag patuloy.
"Salamat kasi minahal mo parin ako sa kabila ng istado ko sa buhay kahit na mahiral ako at mayaman ka. Thank you talaga mahal na mahal kita" umiiyak ng pag papatuloy ko.
"Love always remember this na kahit ano kapa kahit na mahirap ka at mayaman man ako mahal kita kahit na ayaw sayo ng parents ko ang mahalaga gusto kita at mahal kita. At kaya kitang ipaglaban sa kanila wag ka lang mawala sa akin kasi mahal na mahal na mahal na mahal kita.
Ikaw ang buhay ko anika ikamamatay ko pag nawala ka sa akin kaya wag na wag mo kong iiwan ahh. Wag na wag" madamdaming sabi nya na lalo pang nakapagpaiyak sa akin.
"Oo naman hinding hindi ako aalis sa tabi hanggang di mo ako pinapaalis" sabi ko at niyakap sya ng masmahigpit.
Sana habang buhay na kaming ganito sana mapagtagumpayan namin lahat ng pagsubok na darating sa buhay namin. Sa relasyon namin.