Someone's POV
Mga ilang sandali lang ay lumapag na din ang sinasakyang eruplano ng mag inang Felicidad at Hanna.
Habang nag lalakad di pa rin mapalagay ang loob ni Nanay Fe. Dahil ito pa lang ang unang beses nyang tumapak sa Manila simula ng makipagsabwatan sya sa kanyang dating amo.
"Tara na Nay hinihintay na nila tayo"
Aya ni Hanna sa Ina at sumakay na sa taxing tinawag nya.
Ngunit na natiling nakatayo ang Ina na tila bay hindi narinig ang kanyang sinabi.
"Nay tara na po tumatakbo na po ang meter ng taxi"
Ulit ni Hanna sa Ina na sya palang nakapag pabalik sa pag katulala ng Ina.
Dali dali itong sumakay sa taxi.
"Ayos lang ba kayo Nay? Parang kinakabahan yata kayo?"
Nag aalalang tanong ni Hanna sa Ina.
"Ayos lang naman ako anak"
Tumango na lang si Hanna.
Habang tumatakbo ang taxi di mapigilan ni Hanna na isipin ang pagiging balisa ng Ina.
Kaya di na sya nakapigil pa at nag tanong.
"Nga pala Nay diba nag trabaho na kayo dito noon?"
Tanong ni Hanna na syang ikinagulat ng Ina..
Di nya kasi inaasahan na mag tatanong ang anak.
"Ah oo naka pag trabaho na ako dito noon."
Maikling sagot ni Nanay Fe na may kasamang maliit na ngiti.
"Ilang taon na man kayo nag trabaho dito?"
Muling tanong ni Hanna.
"Tumagal din ng mahigit apat na taon. Kina Rencho De Larra ako nanilbihan ng panahong iyon. Alam mo anak mabait ang amo kung iyon. Na kahit na nagbuntis ako sayo di nya pa rin ako pinaalis sa mansion nya"
Mapaklang ngumiti si Nanay Fe.
Dahil mag pasa hanggang ngayon sariwang sariwa pa din ang mga alala nya na tila ba kahapon lamang nangyari ang lahat.
Mga ilang sandali pa ay dumating na din sila sa mansion na tinutuluyan ng mag iina.
Kaagad silang sinalubong ng madaldal na si Ella.
"Titaninang Lola"
Tumatakbong sigaw ni Ella at kaagad na yumakap ng mahigpit kay Hanna.
"Hi Baby Ella miss mo ba si titaninang?"
Mag kakasunod na tumango si Ella..
At muling yumakap sa mga binti ni Hanna.
"Eh ako apo namiss mo ba ako?"
"Opo naman po lola na miss po kita ng subra"
Malambing na sabi ni Ella dito.
Mga ilang saglit pa ay lumabas na din si Anika.
"Nay Hanna."
Halos paos na tawag ni Anika sa mag ina.
At dagling yumakap kay Hanna.
"Hanna buti dumating kayo di ko na alam ang gagawin ko ehhh.."
Halos pabulong na wika nito.
"Wag kang mag alala magiging ayos din ang lahat"
"Anika anak kamusta"
Bagamat nakangiti si nanay fe sa pag tatanong di naman maitago ang malungkot nitong boses.