chapter 39

5.1K 112 20
                                    

Kaagad akong natigil sa aking ginagawa ng maramdaman kung bumukas ang aming gate.

"Mommy oh si daddy."

Medyo bulol na sumbong sa akin ng batang cute na cute.

Kaagad ko syang pinantayan at pinisil ang matataba nyang pisngi. Ang cute kasi eh kakagigil.

"Ouch mommy mashakit po"

Sabi nito sa akin at pilit na tinatanggal ang kamay kung nakahawak sa kanyang matatambok na pisngi.

"Ops sorry di mapigilan ni mommy ehh ang cute mo kasi."

Natatawang sabi ko sa kanya na ikinanguso nya..
Hahaha ang cute cute talaga ng batang ito.

Di gaya ng tatay nyang damulag.

"Ehh mommy matagal na naman po akong cute ehh"

Nakanguso pa nitong sabi na ikinatawa ko.

Inayos ko ang nagulo nyang buhok bago tumayo ng tuwid.

"Ano nga pala ang ginagawa nyo dito? May kailangan ba kayo?"

Tanong ko sa lalaking nakatayo sa likod ng batang cute na ito.

"Wala naman namimiss kana kasi ni sandra ehh kaya heto kami mang gugulo na naman."

Natatawang sabi nito na ikinailing ko na lang.

Wala na akong magagawa nandito na ang dalawang makulit na ito..  Oo dalawa kasama yong ama na isa ding makulit.

"Sandra"

Tumatakbong tawag ni ella kay sandra at niyakap ito ng mahigpit.

"Hi ate aica"

Bati nito na ikinasimangot naman ng huli.. Hahaha pano ba naman tinawag ng ate aica ehh.

"Sandra naman eh si ate ella kaya ito."

Kunyaring nag tatampong sabi nito kay sandra na pinag sa walang bahala lang ni sandra. At tumakbo papasok ng bahay.

Kaya ito naiwang naiinis itong bunso ko.

"Hi baby kamusta?"

Bati nitong katabi ko sa nakasimangot na si ella.

"Ok lang po"

Nakasimangot pa din nitong tugon.

"Ba't naman parang malungkot ang baby ko?"

Tanong nyang muli

"Eh pano po kasi po si sandra pinag kamalan akong si ate aica ehh ella naman ang pangalan ko po"

Tila nag papaawa pa nitong sumbong na para bang di alam ng kausap ang nangyari.

"Wag ka ng malungkot. Mag kamukhang mag kamukha kasi kayo ng ate aica mo. Kaya siguro nalilito si sandra sa inyo."

Malumanay na pag papaliwanag nito kay ella.

"Ehh kayo po Daddy tito nalilito din po ba kayo sa amin?"

Di kaagad nakahanap na isasagot ang huli sa naging tanong ni ella. Siguro iniisip nya na baka lalo lang malungkot si ella pag mali ang naging sagot nya.

"Baby ganito kasi yan. Oo nalilito si daddy tito minsan kasi nga po mag kamukhang mag kamukha kasi kayong dalawa pero nakikila naman kayo kaagad ni daddy tito pag nag sasalita na kayo kasi nararamdaraman ni daddy tito kung sino si ella at king sino si aica."

Mahabang paliwanag nito kay ella na ikinatango naman ng huli.

"Ok po basta kailangan makikilala mo kung sino ako at kung sino si ate aica di tulad ni sandra di nya kami kilala ehh"

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon