Chapter 34

6.9K 208 44
                                    

She hear everything

******************

Anika's POV

Mabilis akong napabangon sa aking pag kakahiga ng marinig ko ang matinis na boses ni ella.

"Mama Mama"

Malakas at matinis na sigaw ni ella.

Kaagad akong bumaba ng aming silid upang puntahan si ella sa baba sa pag aakalang may ng yayaring di maganda.

Nang makarating ako sa baba kaagad kung hinanap si ella.

"Ella Ella? Asan ka?"

Malakas ng tawag ko sa kanya.

" Anak nasan ka? Ayos ka lang ba?"

Nilibot ko pa ang aking tingin upang makita si ella.

"Nandito lang po ako mama ayos lang po ako"

Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko syang nag lalaro kasama ang mga kakambal nya.

"Hay ikaw talaga pinakaba mo si mama"

Napakamot na lang sa ulo si Ella.

"Sorry po mama di na po mauulit love you"

"Love you too sige na mag laro na kayo"

Mag tatatlong linggo na mula ng makalabas si Aica.

Nung una nag aadjust pa kaming mag iina sa bago naming tinitirhan..

Lalo na ang mga bata... Pero okay na naman ngayon..

Nasa malalim akong pag iisip ng biglang may mag salita sa aking likuran.

"Ma'am ano po ang lulutuin kung dinner para sa mga bata?"

Tanong ng isa sa mga katulong dito sa mansion ni Tyrone...

At oo dito kami nakatirang mag iina ayaw ko sana pero si Aica na ang nakiusap sa akin ayaw ko namang biguin sya kaya napapayag na lang ako.

"Ako na ang magluluto ng dinner nila"

"Opo ma'am"

Kaagad akong umakyat sa aking silid para maligo muna bago mag luto ng hapunan ng mga bata..

Nag bibihis na ako ng may kumatok.

"Mamatita nandyan po ba kayo?"

"Opo baby mica pasok ka"

Kaagad naman syang pumasok.

Nakatayo lang sya sa harapan ko habang pinag papatuloy ko ang pag papatuyo ng aking buhok.

"May kailangan kaba anak?"

Tanong ko ng manatili lang itong nakatingin sa akin..

" ahh wala naman po titamama may itatanong lang po sana ako po"

"Ano iyon?"

Napakamot pa ito sa ulo bago muling nag salita.

"Mamatita may project po kasi kami sa school family tree po kailangan ko po ng picture ni mama po at ni papa meron po ba kayong picture nila?"

Nag aalangang tanong nya.

Kaagad gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata matapos banggitin ang salitang mama at papa.

Hinila ko sya payakap

"Baby sorry ahh picture lang ng mama mo ang meron ako ehh di ko kasi kilala ang papa mo"

"Opo mamatita mahal po ba ako ng papa ko bakit di nya po ako dinadalaw po"

Malungkot nitong sabi kaya di ko maiwasang malungkot din.

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon