Shantal
**************************
Anika's POV
Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip kung ano ang pwede Kong gawin gayong wala pa si Gabby. Napabalikwas ako ng bangon ng bigla Kong maalalang kaylangan ko palang mag hanap ng trabaho ng sa gayon ay may maipadala man lang ako kina Hanna para sa gastusin ng mga bata.
Dali dali akong tumayo at pumasok ng banyo para maligo ng makapag simula ng pag hahanap ng trabaho.
Nag iwan lang ako ng note na dinikit ko sa rep na nag sasabing mag hahanap lang ako ng trabaho kung sakaling dumating si Gabby at hanapin ako.
Buti na lang dala dala ko ang ibang documents ko. Di na ako mahihirapan. Ang puproblemahin ko na lang ang pag hahanap ng trabaho.
Matapos ang apat na oras na pag hahanap ng trabaho sa wakas nakahanap din ako.
Nakapasok ako bilang sales Lady sa isang mall. Okay na rin to para kahit papaano may maipapadala ako sa sa mga anak ko.
Kasalukuyan akong nag lalakad patungong sakayan ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha at sinagot ang tumatawag.
'Hello Gabs'
Kaagad akong pumila ng makita kong mahaba haba na ang mga taong nakapila rin.
'Pauwi ka na ba?'
Tanong ni Gabby ng marinig ang mga taong nag uusap.
'Oo pauwi na ako, Ba----. Aray ano ba magingat ka naman kuya'
Ang sakit non ahh. Sukat ba naman itulak ako.
'Ayos ka lang Anika?'
Tiningnan ko muna ng masama ang lalake bago ako sumagot sa tanong ni Gabby.
'Oo okay lang ako. May tumulak lang sa akin. Bakit ka nga ba napatawag may ipabibili kaba?'
Nang makita Kong ako na ang sunod ay kaagad akong sumakay.
'Ahh wala naman? Sige mag iingat ka hintayin kita'
'Sige'
Binaba ko na ang cellphone ko at umayos ng upo.
Nakadungaw lang ako sa bintana ng dyip na sinasakyan ko habang pinag mamasdan ang dinadaan namin.
Kamusta na kaya ang mga anak ko.
Miss ko na sila.Maya maya pa ay biglang tumigil ang dyip na sinasakyan ko dahil sa traffic.
Malapit sa park ang nahintuan namin. Napangiti na lang ako ng mapait wala paring pinagbago ang park ganun na ganun pa rin ang ayos.
Dahan dahang umandar ang dyip at sakto itong tumapat kung saan tanaw na tanaw ko ang punong laging Kong pinag tatambayan noon.
Nangunot ang aking noo ng wala akong makitang ni isang tao sa loob ng park. Parang ang lungkot na nito, wala nga itong pinagbago ngunit nababalot naman ito ng kalungkutan.
Muling umandar ang dyip. Kaya sa huling pag kakataon muli akong lumingon at sa aking pag lingon nakita ko ang isang pamilyang nag lalakad patungong ilalim ng puno.
Nakatitig lang ako sa kanila hanggang sa unti unti na silang lumiliit.
Di ko maiwasang di makaramdam ng lungkot. Kasabay ng mga ala alang akala ko nalalimutan ko na.
'Love tingnan mo iyon oh. Ang saya nila noh?'