Lolo Rencho
***************
Anika's POVIlang araw na ang nag daan mula ng huli kaming nag kausap ni Tyrone.
Kung pag uusap pa bang maituturing yon.
Iraw araw na ding di pinapansin o kinakausap nina Ella si Tyrone.
At sa loob ng ilang araw na iyon unti unti ng gumagaling si Aica.
Lagi ring pinupuntahan nina mr. And mrs. Samaniego sina ella. Kahit hindi sila nito pinapansin.
Tulad ngayon nandito ba naman sila.
"Mga apo oh. May dala ang lola ng mga laruan. Halika kayo tingnan nyo magaganda to"
"Ayaw po namin nyan"
Pag mamaldita ni ella.
"Di po namin kailangan ng mga laruan."
Si ello habang nag kukulay sa coloring book nya.
Samantalang nananatiling tahimik si Aico sa isang tabi.
At matamang nakamasid sa pamilyang samaniego.At sa mga oras na ito masasabi kong di ko alam kung ano man ang nasa isip nya.
"Sige na mga anak kuhanin nyo na ang mga regalo nyo kay lola"
Nakangiti namang sabi ni Tyrone sa mga ito. Ngunit parang walang narinig sina ella.
"Sige na mga apo kunin nyo na. Magaganda naman to ohh."
"Kaya nga mga anak. Kunin nyo na para di na malungkot si lola"
Pag salong muli ni Tyrone sa kanyang ina.
Subalit na natiling parang walang narinig sina ella.
Kaya lumapit na si Tyrone sa mga ito.
"Mga anak. Ano ba ang ginagawa nyo?"
Pag tatanung kunwari ni Tyrone.
"Nag kukulay"
Maikling sagot ni ella.
"Mga anak ayaw nyo ba ng regalong galing kay lola?"
"Kuhanin nyo na magaganda naman yon."
"Ayaw nga po namin"
Naiinis na sabi ni ello at pabagsak na isinara ang kanyang coloring book.
At hinila patayo si ella.
"Mga anak naman wag naman kayong ganyan"
Pag saway ni Tyrone sa mga ito. Nang padabog itong tumayo.
"Ano ba ang hindi nyo maintindihan sa salitang ayaw nila?"
Biglang tanong ni Aico. Na ikinagulat nila.
Na maske ako nagulat hindi ko alam kung paano nasabi yon ni Aico."Apo gusto lang naman mag lambing ni Lola eh.."
"Hindi po namin kailangan ng mga laruang yan. Wag na po kayong mag abala. Ibigay nyo na lang po yan sa apo nyo. Wag sa amin.
Dahil di namin kailangan yan
Di namin kailangan ang mga regalong yan. Sana di na kayo nag abala pa sayang naman walang gagamit nyan."Pag sagot muli ni Aico kaya wala ng nagawa si mrs. Samaniego kundi ang tumahimik.
Maging si Tyrone tumahimik din.
Subalit isang pangungusap ang nakapag painit sa ulo ko.
"Iyan ba? Iyan ba ang tinuro mo sa mga anak mo anika. Pinalaki mo silang walang galang. Walang mudo"