Nakangiting pinag mamasdan ni Tyrone sina Aica na nag lalaro sa buhangin, panay ang hagikhik ng mga ito. Payapa ang hapong iyon para sa kanilang mag aama, banayad ang alon ng dalampasigan, kay gandang pag masdan ng papalubog ng araw.
"Papa, laro po tayo. Halika po Papa."
Sumisigaw na tawag ni Ella, nakapaa lamang ito habang masiglang nakikipag laro sa mga kapatid. Kinawayan nya lamang ito bago nalakad palapit.
"Papa tingnan mo po oh, ang ganda ng araw."
Nakangiting sabi ni Ello.
"Tama ka anak, ang ganda."
Pinagmasdan nya lang ang papalubog ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
"Papa kamusta na kaya si Mama?"
Nakatitig ding sa araw na tanong ni Angelica.
Kaagad na nag baba si Tyrone ng tingin para makita si Angelica na nakangiting pinag mamasdan ang papalubog ng araw.
"Kung saan man sya naruon, sigurado akong masaya sya habang pinapanuod tayo."
Nakangiting sagot ni Tyrone sa anak.
Limang taon na ang lumipas simula ng mawala si Anika, naging mahirap kay Tyrone ang lahat, pero sa tulong ng mga kaibigan at mga anak na laging nag papaalala na hindi sya nag iisa. Unti unti, kahit papano nag hilom sya.
"Tama si Papa Miracle, kung nasan man ngayon si Mama masaya sya dahil ayos na tayo at tanggap na natin ang lahat."
Sabi ni Angelico na tumabi kay Angelica na nakayakap na kay Tyrone.
Mag kahawak ang kamay na lumapit sina Angela at Angelo kina Tyrone. Kaagad na yumakap si Angela dito sa mantalang nakatayo lang si Angelo sa tabi nito.
At mag kakasama nilang pinag masdan ang pag lubog ng araw na may ngiti sa kanilang mga labi.
'Love kung saan ka man naruruon, alam kung binabantayan mo kami, lagi mo kaming pinapanood. Wala ka man sa tabi namin ngayon ng mga bata, nananatili ka naman sa puso't isipan namin. Namimiss na kita, gusto na kitang makita at makasama, pero kailangan pa ako ng mga anak natin. Ang bilis lang ng panahon love parang kaylan lang, mga paslit pa lang sila, ngayon nag dadalaga at nag bibinata na sila. Tulungan mo ako ah, gabayan mo ako, kaming lahat.'
Naluluhang pinag mamasdan ni Tyrone si Angelica, napakaganda nito sa suot nitong wedding gown.
"Pa, wag naman po kayong umiyak, naiiyak na din ako eh"
Medyo naluluha ng sabi ni Angelica na sa ilang saglit lang ay ikakasal na.
"Masaya lang ako anak. Kasi kagaya ng mga kapatid mo nahanap mo na din ang lalaking mamahalin ka, kagaya ng pag mamahal ko."
Mahigpit na yumakap si Angelica sa ama.
"Salamat Papa. Salamat sa pagiging ina at Ama mo sa amin, walang mag babago Papa, Kahit meron na kaming sariling pamilya. Mahal na mahal po kita."
Umiiyak ng sabi ni Angelica.
Ginantihan naman ito ng mahigpit na yakap ni Tyrone.
"Sami kami dyan."
Sigaw ni Angelo na kaagad na yumakap sa kanilang dalawa, naiiling man si Angela sa inasta ni Angelo ay wala naman itong pag aatubiling yumakap.
"Kuya Aico, sali ka dito dali."
Tawag ni Angela kay Angelica na nakatayo habang masaya silang pinapanuod.
Kaagad naman itong lumapit at naniyakap sa kanila.
Masayang tumatakbong papasok ang limang bata papasok sa bahay habang walang humpay na tinatawag ang kanilang lolo.
"Lolo, lolo, nandito na po kami."
Matinis na sigaw ng isang batang babae na nasa limang taong gulang ang edad.
Kaagad na lumabas ng kusina ang may katandaan nang si Tyrone at masayang sinalubong ang mga apo ng mahigpit ng yakap.
"Pa kamusta na po kayo dito?"
Tanong ni Angela habang pinag mamasdan ang amang masayang sinasalubong ang mga apo. Nag angat lamang ito ng tingin.
"Ayos lang naman ako dito anak. Kayo kamusta kayo nitong mga apo ko?"
Tanong ni Tyrone na ang tinutukoy ang dalawang batang lalaki na 4 at 2 taong gulang pa lamang.
Nakangiting sumagot si Angela.
"Masaya po Papa."
Tumango tango naman si Tyrone, masaya syang napalaki nya ang mga Anak ng tama.
"Wala pa ba sila?"
Tanong nito ng mapansing wala pa ang tatlong anak.
"Nasa byahe na sila Papa. Pinasabay lang nila sa akin ang mga bata."
Sabi ni Angela na ang tinutukoy ay ang mga Anak nina Aico, Aica, at Ello.
"Sya tayo na muna sa loob."
Aya ni Tyrone sa anak at mga apo.
Mga ilang saglit pa ay mag kakasabay na dumating sina Aico, Aica, at Ello.
Masaya silang kumain ng tanghalian.
Matapos manang halian ay kaagad na nag laro ang mga bata sa garden, habang abala namang nag iihaw ng barbeque sina Aica at Ello.Nakikipag laro naman ng basketball sina Ello at Aico sa mga anak. Isang perpektong pamilya ang mayro'n ang mga anak, at masaya syang nagawa nya ang tungkulin sa mga ito kahit na nag iisa.
At handa na din sya sa araw na muling makakasama ang babaeng pinakamamahal.
Nakangiti syang tumingin sa langit.
'Love kunting tiis na lang mag kakasama na rin tayo. Mahal na mahal kita. Salamat love sa iniwan mo sa akin.'
Mayaman nyang pinag masdan ang mga anak.
'Salamat sa apat na anghel na syang naging gabay ko sa bawat araw na nag daan na wala ka. I will treasure them forever. Until my last breath'
The END...