Chapter 17

6.8K 172 8
                                    

Bintana
********************************

Anika's POV

"Booo"
"Ay puting pating" halos mabitawan ko ang hawak hawak Kong mga Plato ng biglang mag salita sa mismong likuran ko.
"Hanna naman bat ba nangggugulat ka" sabi ko kay hanna habang nakahawak sa aking dibdib.
"Hahahaha napaka seryoso mo kasi dyan ehh kanina pa kaya kita tinatawag" sabi nya habang nag lalakad papuntang lababo.

"Bakit may kailangan kaba sa akin?" Tiningnan ko lang sya saglit bago ipag patuloy ang aking ginagawa.

"Wala naman ipapaalala ko lang sana na bukas na ang family day ng mga bata, kung sakaling nakalimutan mo"
Napakamot na lang ako sa aking ulo wala daw ang haba naman ng sinabi..

"Alam ko kaya nga di na mo na ako papasok bukas ehh nakapag paalam na naman na ako kay bossing." Noong isang linggo pa kasi sinasabi ng mga bata na may family day daw sila.

"Lakas mo talaga kay boss ano," nginitian ko na lang sya.

Maya maya pa ay nadinig ko na si nanay Fe habang kausap ang mga bata. Mga ilang saglit pa pumasok na sila sa kusina para makapag hapunan na kami.

"Ikaw na ang mag lead ng prayer ella" utos ko dito matapos ko silang paglagyan ng pagkain sa plato.

"Papa god thank you po sa lahat lahat ng blessing na ibinigay nyo sa amin, thank you din sa mama sa titaninang at sa lola namin na laging nandito para alagaan kami. At thank you din po sa pagkaing kakainin namin sa oras na ito , thank you po sa lahat lahat papa god amen"

"Amen"

Habang kumakain ay nag kukwento ng kung ano ano ang mga bata tungkol sa school nila ipinaalala din nila ang kanilang family day bukas.

"Mama sabi po nong teacher namin may dadarating po kaming bisita bukas" sabi ni Ella habang ngumunguya

"Ella wag kang mag salita pag may laman ang bibig mo" saway sa kanya ni elllo

"Ohh ganun ba sino naman daw ang bisita nyo?" Minsan lang kasi sila magkaroon ng bisita sa school nila sa kadahilanang masyado daw malayo ang paaralang pinapasukan
Ng mga bata.

"Di po sinabi ni teacher ehh" tumango lang ako
"Nga pala mama, titaninang, Lola may performance kami bukas para sa bisita namin" exited na sabi pa ni ella

"Anong performance naman apo" tanong ni nanay fe sa mga bata.

"Sasayaw po sina kuya Aico at ate Aica lola" ngumiti lang ako kung mag sasalihan kasi sina Aico At Aico pihadong sayaw yon.

"Talaga wow ang galing naman pala ng mga inaanak ko" puri naman ni hanna sa mga bata

"Ehh kayo ello ano ang gagawin nyo bukas?" Tanong ni nanay fe sa tatlo.
"Mc po si ate mica bukas kapartner nya po si nathan yong kaklase din po namin, tapos po kakanta kami ni kuya ello" mahabang paliwanag ni ella.
Tiningnan ko ang apat na bussy lang sa pag kain para bang walang pakialam sa mundo.

Mga ilang saglit pa ay natapos na rin kaming kumain. Si Hanna na ang nag volunteer na mag huhugas ng mga pinag kainan namin kaya ito ako ngayon pinapatulog ang aking mga cheketing.

"Mama mamaya na po kami matutulog di pa po kami antok eh"
Sabi ni Aico na hanggang ngayon mulat na mulat pa

"Hindi pupwede 8 O'Clock na oh kaya matutulog na kayo, diba nga may family day kayo bukas maaga yon diba" sabi ko sa kanila habang kinukumutan sila tabi tabi kasi silang apat matulog kasama ko si mica naman kasama ni nanay fe sa kwarto nya.

"Ehh mama kahit na" pangungulit pa ni ello

"Hindi nga pwede matulog na tayo" sabi ko at pinapikit sila.

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon