Chapter 19

6.9K 181 8
                                    

He met her
**********************************

Tyrone Samaniego's

Mataman lang akong nakatingin sa mga batang nasa stage na tumatayong mc.

Ni isa sa kanila wala pang nag sasalita at pawang nalilikot ang kanilang mga mata na tila bay may hibahanap. Nakatitig lang ako sa dalawa ng biglang ngumiti ang isa sa kanila na tila bay nakita na nya ang kanyang hinahanap. Mga ilang saglit pa ay nagsalita na ang cute na batang nakasuot ng kulay red na dress.
Di ko alam kung Bakit bigla ko na lang binaling ang aking tingin sa tinitingnan ng bata. Pero sa dami ng mga magulang na nakatayo at nakaupo di ko makita kung sino talaga ang tinitingnan nya.

"Good morning Cebu Paradise Elementary School, my name is Mica Angela Panganiban" Halos manlamig ang buo kung katawan ng marinig ang sinabing pangalan ng bata ramdam ko rin ang paglingon sa akin ni aeron. Alam kung marami ang may sure name na Panganiban pero sa kabila ng ito nagkaroon ako ng pag asa na sana sya na ang anak kung pinagtabuyan ko noon na sana binuhay sya ng nanay nya.

"I am Nathan Madrigal"

"And we are your mc for the day" sabay na nilang sabi.

"Are you ready Cebu Paradise Elementary School?" Masiglang Tanong ng batang babaeng kasure name ng babaing mahal ko.

"Yes we are ready" sabay sabay na sagot ng mga batang nakaupo sa kabilang gilid na sinundan naman ng mga magulang.

"Bago mag simula ang lahat nais ko sanang batiin ang aming punong guro ng isang maligayang kaarawan po"
Nakangiting wika ng batang lalake na nag pakilalang Nathan

"Happy birthday po Ma'am" nakatitig lang ako sa kanya at pilit na hinuhuli ang kanyang mga  mata pero kahit na anong gawin ko di ko mahuling tumingin sya sa akin.

"Nais din po naming mag pasalamat sa lahat ng mga magulang na dumalo sa magandang ukasyong ito, salamat po sa pagsama nyo sa amin ngayon dito, alam po naming marami kayong ginagawa pero na nagawan  nyo pa  rin  po ng paraan upang makarating kayo dito kasama namin upang maiparamdam po sa amin kung gaano nyo po kami kamahal." Madamdaming nyang pasasalamat sa mga magulang

"At sa mga pangunahin naming mga bisita maraming marami pong salamat sa pag paunlak nyo sa aming dumalo sa kasayahang ito, maraming marami pong salamat sa inyo" sigunda naman ng batang lalake

"Di na po namin ito patatagalin sisimula na po natin ang ating Family day" naghiyawan ang mga bata maging ang mga magulang sa sinabing yon ng batang lalake

"May mga palaro pong inihanda ang ating minamahal na mga guro sa lahat ng mga batang mag aaral at sa lahat ng mga magulang,  bago natin simulan ang ating mga palaro heto at ating tunghayan ang inihanda ng aming kapwa mag aaral" nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ng biglang tumunog ang aking phone.

One new message
Kaagad kung binuksan ang message
'Brod hanggang kaylan kayo dyan? Pwede ba kaming sumunod dyan' Eugene
Sa nabasang text ay di ko mapigilang mapailing
'Mga tatlong araw pa kami dito'
Kaagad ko itong isenend  Kay Eugene
At muling ibinalik ang mga mata sa dalawang batang nasa stage.

"Na pinangungunahan Nina Hope Angelico at Miracle Angelica na silang mag hahandog sa atin ng isang sayaw na nagpapakita ng pag mamahal sa mga magulang" dahil sa nakatitig ako sa kanilang dalawa nakita ko kung paano ngumiti ng matamis ang dalawang bata.

"Na susundan naman ng grupo Nina Princess na mag hahandog sa atin ng isang  tula" nakangiting pahayag ng batang lalake na kahit na confident na nakatayo ay makikitaan mo ng pangamba.

"Magpapakitang gilas din sa atin ang aming kapwa mag aaral ng isang  kwento na nagpapakita ng isang pamilyang may takot sa diyos" napangiti na lang ako sa sinabi nyang yon talaga palang pinaghandaan nila ang aming pagdating

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon