Someone POV
"Wala pa din ba kayong balita sa Mag Iina ko?"
"Sir wala pa din po hanggang ngayon pero wag po kayong mag alala ginagawa po namin ang aming makakaya para mahanap sila."
Paliwanag ng isang P.I sa lalakeng kaharap. Napabuntong hininga na lang ang lalake sa ilang beses na nyang pinahanap ang kanyang mag iina hanggang ngayon wala pading din ang makakapag sabi kung na saan na ang mga ito ngayon.
"Sige aasahan ko yan. Sana sa susunod na mag kikita tayo may magandang balita ka ng dala."
"Makakaasa po kayo Mr. Samaniego"
"Sige makakaalis kana."
"Sige Mr. Samaniego salamat sa oras nyo"
Anika POV
Mag dadapit hapon ng mapag pasyahan kung lumabas ng resthouse ni Randall. Tanghali na ng dumating kami sa Cebu at kaagad na nag pahinga ang mga bata marahil sa matinding pagud.
Mag iisang taon na din ng huli akong maglakad lakad sa dalampasigan. Wala pa ding pinag bago ang dagat. Lumubog man o sumikat ang araw mananatili pa din ang taglay nitong kagandahan.
Kaagad akong naupo sa isang bato ng mapagud ako.
Ilang buwan na ng huli kitang makita Tyrone. Di man sabihin ng mga anak ko alam kung namimis ka nila.Ramdam ko ang pangungulila nila sayo lalong lalo na si Aica. Wag kang mag alala di na kami mang gugulo sayo sa inyo ng pamilya mo.
Salamat sa tulong na binigay mo sa anak ko. Wag kang mag alala di ko sila pababayaan.
Kung nasan ka man ngayon Tyrone sana masaya ka. Alam ko namang kaya mong mabuhay kahit wala kami.
Mahal pa din kita Tyrone at inaamin ko yon pinapangako darating ang panahon na makakasama mo ulit sila. Din lang sa ngayon. Hayaan mo munang ako ang makasama nila ngayon.
"Umiiyak ka na naman"
Kanina pa pala ako umiiyak di ko man lang namamalayan.
Kaagad kung pinahid ang aking nga luha at malungkot na ngumiti sa kanya.
"Sorry di ko lang kasi mapigilan."
"Di naman masamang umiyak. Iiyak mo lang yan nandito lang naman ako. Makikinig sayo."
Bakit? Bakit di na lang sya ang minahal ko. Bakit si Tyrone pa? Matagal na syang nandito sa buhay ko pero kahit anong pilit ko bakit di ko parin makalimutan sya. At masuklian ang pag mamahal nya
"Anika oo aaminin ko masakit dahil mahal kita. Pero wala akong magagawa sya ang mahal mo at sya lang ang alam kung makakapag pasaya sayo at sa mga bata."
Tama sya. Sya lang ang mahal ko matagal kung sinubukan na kalimutan sya at patayin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero heto pa din ako mahal pa din sya.
"Pero sana wag mong kalimutan na may pamilya na sya anika. Di na ikaw ang mundo nya. Di ko to sinasabi sayo dahil gusto kung maging akin ka. Sinasabi ko to sayo dahil gusto kung maging masaya ka "
Lalong pumatak ang mga masasaganang luha ko. Alam ko naman pero bakit masakit pading marinig.
Siguro dahil hanggang ngayon umaasa pa din akong ako pa din ang mahal nya. Kahit alam ko naman sa sarili kung may mahal na syang iba. O baka umaasa ako na mabuo kami kahit kunting panahon lang. kahit saglit lang para sa mga anak ko dahil gusto ko silang bigyan ng buong pamilya kahit saglit lang.
Di ko namalayang humahagulgol na pala ako. Nararamdaman ko na lang na unti unti na akong niyayakap ni Tyrone.
"Tahan na wag ka ng umiyak. Pag nakita tayo ng mga bata sabihing inaaway kita. Kaya tahan kana wag ka ng umiyak ikaw na nga ang may sabi diba na kailangan mong maging matatag para sa mga bata. Maging matapang ka Anika wag kang papatalo kaya mo yan."