Hindi alam ng ginang ang mararamdaman para sa binatang mahigpit na nakahawak sa kamay ng nag iisang anak na nakaratay sa kama.
Gusto nyang maawa para dito pero mas nangibabaw ang kanyang awa para sa anak. Bilang isang ina napakahirap sa kanyang makitang nakaratay sa kama ang kanyang anak.
Kamakailan lang ng makapiling nyang muli ito pero tila ba ayaw syang maging masaya ng tadhana. Kung kelan kasama na nya ang anak saka pa ito nag karoon ng malalang karamdaman.
Kulang pa ang panahon na nagkasama sila pero heto at sinusubok na naman sila ng mapag larong tadhana. Pero sa puntong ito alam nyang wala syang magagawa sadyang napakalupit sa kanya ng tadhana ayaw sya nitong maging masaya.
Kasama na nga nya ang kanyang anak pero limitado naman ang kanyang oras.
Hindi na namalayan ng binata na nakatulog na pala sya habang hawak ang kamay ng dalaga. Nagising na lang sya ng may marinig syang nag uusap.
"Diba kabilin bilinan ko sayo na wag na wag mo syang papasukin dito?"
Mahina ngunit galit na tanong ng isang lalake na kaagad nyang nakilala.
"Rencho makinig ka naman. Alam kung galit na galit ka sa kanya. Kahit ako din naman pero wala naman akong magagawa gusto ko lang namang makitang masaya ang anak ko."
Nakikinig lang si Tyrone sa mga magulang ni Anika na nag uusap.
"Sa tingin mo ba magiging masaya ang anak natin pag nakita nya ang gagong yan?"
Pasigaw na tanong nito sa asawa. Hindi kaagad naka sagot ang ginang.
Marahan lamang itong umupo sa sofa at nag simulang umiyak.
"Gusto ko lang makitang masaya si Anika masama ba iyon? At alam kung sya lang ang makakapag pasaya sa kanya."
Mahinang sabi nito na malinaw pa ring nadinig ni Tyrone.
"Nahihibang kana ba talaga? Sinaktan nya ang anak mo. Kaya paano ka nakakasiguro na magiging masaya si Anika ha? "
Nang gagalaiting tanong pa rin nito.
"Alam ko iyon. Pero alam ko din na nangungulila sa kanya si Anika. Mahal na mahal ng anak mo ang lalakeng iyan kahit di nya sabihin nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Kaya kung sya lang ang makakapag pasaya ayos lang sa akin ang mahalaga maging masaya sya kahit sa huling sandali."
Unti unting tumulo ang mga luha ni Tyrone sa narinig parang sinasakal ang kanyang puso. Subrang sakit nito.
Hagulgol ng ginang ang maririnig sa buong silid na iyon. Kaagad naman syang dinaluhan ng asawa.
"Di ko kaya. Di ko kayang mawala sa akin ang anak ko. Mahigit dalawang dikada ko syang di nakasama tapos mawawala lang sya sa akin ng ganun ganun."
Marahan lamang na hinahaplos ng asawa ang likod ng ginang. Maging sya labis na nasasaktan isa syang taong may pananalig sa dyos pero sa pag ka ka taong ito nawawalan na sya ng tiwala dito.
Hindi nya maiwasang sisihin ang panginoon sa lahat . Hindi pa ba sapat ang ilang dekadang inilayo sa kanila ang anak. Di pa ba iyon sapat kung kelan nakasama na nila ito ngayon pa ito mawawala ng tuluyan sa kanila.
"Bakit kailangang sa kanya pa mangyari ito. Bakit ang anak ko pa. Sana ako na lang, sana ako na lang"
Naghihinagpis na wika nito sa asawa.
"Shh wag mong sabihin yan. Mas lalong di ko iyon kakayanin. Ikababaliw ko iyon rose ikababaliw ko."
Umiiyak na ding sabi nito sa asawa at anak lang tumatakbo ang mundo ng isang Lorencho De larra. Kaya sa panahong ito di na nya alam ang gagawin nya. Ginawa nya ang lahat matagpuan lamang ang nawawalang anak. Ilang dekada silang nangulila dito. Ilang dekada silang lumuha at nag makaawa sa dyos na ibalik na ang anak ibinalik nga ito sa kanila pero kukuhanin namang muli. At sa pag kakataong ito wala ng kasiguraduhan na makikita nila itong muli.