Chapter 31

7.6K 204 21
                                    

Sorry is not enough
************

Anika's POV

Nagising  ako dahil sa inggay ng aking paligid. Mga munting halakhakan na nag mumula sa sa loob ng silid.

Dahan dahan kung minulat ang aking mga mata para lang makitang nakakalung si Ella kay Tyrone.

Di ko na mamalayang tumutulo na pala ang aking mga luha..

Itong mga eksinang ito ang ipinag kait ni Tyrone noon sa mga anak nya.

At oo aaminin ko na minsan ko na ring pinangarap na makita sila sa ganitong pag kakataon at ngayon nangyayari na nga pero bakit di ako masaya.

Bakit parang may pumipigil sa akin para maging masaya ng lubusan para sa mga anak ko.

Dahil ba alam kung maari silang masaktan pag nalaman nila ang totoo. Tungkol sa totoong pamilya ng ama nila.

O dahil may parti parin sa puso ko ang umaasa na baka pwede pang mabuo kami. Kahit alam ko namang impossible ng mangyari dahil may pamilya na sya.

"Papa pag magaling na po si ate po pasyal po tayo ahh."

Ngiting ngiting wika ni Ella Kay Tyrone habang nakayakap pa sa leeg nito.

Ewan ko ba parang ang tagal ng naging sagot ni Tyrone Kay ella.

"Papa"

Pag tawag muli ni Ella dito.

Kaya kaagad na sumagot si Tyrone.

"Of curse.. Kahit San nyo pa gusto"

"Talaga po?? Yeheyy mamamasyal kami"

Tuwang tuwang sabi ni Ella.

Na nakapag pangiti sa akin ng mapait. Dahil alam kung malabong mangyari yon.

"Gising na po si mama"

Kaagad na lumapit sa akin si Ello at kaagad na yumakap sa akin.

"Mama na miss po namin kayo"

"Namiss ko din kayo.. Miss na miss"

Masuyo kung hinawakan ang pisngi ni Ello at hinalikan sa noo.

"Mama ok ka na po? Wala na po sayong masakit?"

Kaagad kung kinabig si Ella payakap at kinulong sa aking mga bisig.

"Baby ang baby ko.. Namiss ka ni mama."

"Namiss ko din po kayo mama. Miss ko na po yong luto mo. Yung mga kiss mo po at hug pati po yung sing."

Kaagad kung kinalas ang mga kamay ni Ella na nakayakap sa akin. Halos pigain ang puso ko ng makitang hilam na sa luha ang maamong pisngi ng anak ko.

"Sorry nak ha dahil kinailangan ni mamang umalis pero promise di na si mama aalis"

"Promise po di na kayo aalis?"

"Oo promise di nako aalis"

"I love you mama"

"I love too baby. I love you too"

Isang napakatamis na ngiti ang ibinigay sa nya sa akin na nakapag pagaan ng aking pakiramdam.

"Mama"

"Baby Aico. Halika na miss ka rin ni mama"

Kaagad naman syang yumakap sa akin.

"Namiss ko rin po kayo mama. Pero di na po ako baby big boy na po ako"

Kaagad na sumilay sa akin ang isang ngiti.

"Ang baby Aico ko talaga. Ayaw ng mag patawag ng baby. Eh baby ko naman sya"

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon