Back to Manila
********************************
Anika's POV
Abala ako sa pag aayos ng mga gamit. Maaari na kasing ilabas si Aica. Inabot din kami ng 4 na araw dito.
"Mama uuwi na po ba tayo?"
Napatigil ako ng biglang mag salita si Aica habang nanunuod sa aking ginagawa.
"Opo baby ko uuwi na po tayo, kaya relax ka lang dyan ahh. Ililigpit lang ni mama ang mga gamit natin"
Ngumiti lang sya sa akin at tumango.
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit namin ay kaagad Kong nilapitan si Aica.
"Tara na"
Kita ko kung paano nag liwanag ang mukha ni Aica ng ayain ko na sya.
Mabilis Ko syang pinigilan ng magtangka syang buhatin ang isang bag.
"Ako na anak"
Di na rin naman sya nag pumilit pa.
Kaagad kaming bumaba ng Tricycle ng makarating na kaming bahay.
Hawak ko ang kamay ni Aica habang sabay kaming nag lalakad papasok ng gate.
"Mama bakit po ang tahimik ng bahay natin? Wala po ba sila po ba dyan?"
Nagkibit balikat na lang ako at dahan dahan kong pinihit ang doon knob.
Pag bukas ko ng pinto agad na bumungad sa amin ang padilim na paligid.
Mga ilang saglit pa ay bigla nabukas ang ilaw dahilan ng mabilis na pag kapit sa akin ni Aica."SURPRISE"
Nakabihis silang lahat. Pinag handaan talaga nila ang pag uwi ni Aica.
Kaagad na bumitaw sa akin si Aica at walang pakundangang tumakbo papunta sa kanyang mga kapatid.
"Welcome home ate"
Masayang niyakap ni Ella si Aica.
"Na miss ka namin Aica"
Kaagad namang nakayakap si Mica kina Ella.
"Sali rin ako"
"Dahan dahan Ello baka madapa ka"
Suway ni Hanna Kay Ello ng mag tatakbo ito kina Ella.
Nang mapadako ang tingin ko kay Aico ay kaagad na nangunot ang aking noo.
"Oh Aico Bakit parang di ka masayang nakauwi na si Aica"
Lumuhod ako para maka level ko sya.
"Syempre po masaya,"
Nakatingin kina Ellang sabi nya.
"Eh Bakit ganyan ang mukha mo?"
Kaagad syang yumuko sa tanong ko. Kaya dahan dahan Kong iniangat ang kanyang mukha.
"Ehh kasi po mama"
Kaagad ko syang kinabig at niyakap ng mahigpit.
"Sshh tahan na Aico"
Hinagud hagud ko ang kanyang likod ng magsimula na syang humagulhol.
"Ano bang problema anak? Bakit ka umiiyak?"
Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng kanyang puso tanda ng kanyang matinding pag iyak.
"Mama iiwan na po ba tayo ni Aica?"
Pinunasan ko muna ang kanyang luha bago sumagot.
"Syempre hindi bakit mo naman na isip yan?"
Minsan ko lang makitang umiyak si Aico kaya alam Kong malalim ang dahilan ng pag iyak nya ngayon..