Third person POV
Mabilis na lumipas ang panahon ang ilang araw na wala sina anika sa mansion ay isang napakalaking delubyo para kay tyrone. Ang mga araw nyang pag hahanap sa mag iina nya ay naging linggo. Ang linggo naging buwan ang buwan naging taon.
Mahigit isang taon nya ng hinahanap ang kanyang mag iina ngunit mag Pa sa hanggang ngayon di Pa rin nya ito natatagpuan. Labis na din syang nangungulila sa mga ito.
At walang lumipas na oras na di sumasagi sa isip nya ang mga ito. Naka ilang ulit na syang kumuha ng private invistegator para mahanap lang ang mga ito. Ngunit kahit isa man lang dito ay walang nakapag bigay sa kanya ng impormasyon kung saan naruruon ang kanyang mag iina.
Ganon Pa man di sya nawawalan ng pag asang makikita nyang muli ang kanyang mag iina. At pag dumating ang panahong yaon ay gagawin nya ang lahat para sa mga ito.
Babawi sya kung kinakailangang lumuhod sya kay anika at mag pakaawa ay gagawin nya ulit. At kahit na nga na nagawa nitong ilayong muli sa kanya ang mga anak nya ay di sya dito nag tanim ng sama ng loob.
Anikas POV
Pikit mata akong tumayo sa aking pag kakahiga ng mag kakasunod na tumunog ang aking alarm clock. Lunes ngayon kaya may pasok kaming lahat at isa lang ang ibig sabihin non kailangan ko ng mag handa ng aming agahan.
Kaagad akong nag tungong banyo para maligo pagkatapos kong maligo ay kaagad na akong bumaba at nag handa na ng aking lulutuin.
Wala pang isang oras ay natapos na akong mag luto ng aalmusalin namin.
Sakto namang nagsibaba na ang mga batang makulit.
"Good morning mama" Malakas na sigaw ni ella
"Wag ka ngang sumigaw di bingi ang kausap mo"
Nakasimangot na saway ni aica sa kapatid.Bad mood masama yata ang gising ng isang to.
'Morning anak" bati ko dito ng dumaan lang ito sa may gilid ko.
"Morning" maikling sagot nito sa bati ko take note nakabusangot Pa ang mukha. Masama talaga ang gising.
Humalik lang sa pisngi ko si ella at naupo na sa tabi ng nakabusangot nyang kapatid.
Nangingiti na lang ako sa dalawang ito. Pano'y nakuha Pa ni ellang mang asar. Ito na mang isa kunting kunti na lang parang sasabog na sa inis sa kapatid.
Kaya inawat ko na agad sila habang maaga Pa baka kasi mauwe Pa ito sa away ang sanay almusal namin.
'Good morning ma" Bati sa akin ni aico di ko na namalayan na nakababa na din pala silang tatlo.
"Morning din anak ko" at gaya ni ella humalik lang din ito sa aking pisngi bago umupo sa kanyang upuan.
"Mama morning po" bati ni ello sa akin na may kasama pang hikab. Inaantok pa ang isang to.
"Titamama morning po" nag kukusot sa matang bati nito sa akin at gaya ni ello inaantok pa rin ito.
"Morning mga babies ko. How was your sleep?"
Nakangiting tanong ko sa kanila
"Ayos naman po"
"Pangit po"
Sabay na sabi ni Aica at Ella naguluhan tuloy ako.
Napapakamot ako sa ulong nag hain sa kanila.
Nang matapos akong maghain ng almusal nila ay umupo na din ako.
Nag dasal muna kami bago kami kumain.
Habang kumakain ay di nakaligtas sa aking mata ang pag tatarayan ng dalawang bata."Ano bang problema ng mga baby ko?"
Nakangiting tanong ko sa kanila kahit na naiiyamot na ako sa kanila. Kahit mga anak ko to makakatikim to sa akin. Abay kiaga aga nag aaway na.
"Ehh mama pano po kasi si ate aica"
Sagot ni ella sa akin"Bakit ano ba ang nangyari?"
Tanong kung muli sa kanila.
Pero sa pag ka ka taong ito parang wala silang balak na sagutin ako. Kaya si mica na ang tinanong ko.
"Titamama kanina po maagang nagising si ella tapos di na po sya natulog ulet nag lilikot lang po sya sa kama. Kaya po nagising si aica sa kalikutan ni ella. Kaya tinulak po ni aica si ella sa kama"
Kwento ni mica sa akin. Ahh kaya naman pala pero paanong si aica ang mas nagagalit ngayon at di si ella.
"Tapos mo titamama tinulak din po ni ella si aica kaya po nagalit si aica ng tulugan kay ella."
Patuloy nito sa kwento. Ah kaya naman pala..
Dahan dahan kong ibinaba ang hawak hawak kong kutsara at tumungin sa dalawang pawang nakayuko habang ngumunguya.
"Kayong dalawa wala ba talaga kayong balak mag bati?"
Paunang tanong ko sa kanila."Ehh mama sya naman ang galit sa akin ehh"
Rason pa ni ella mali naman itong batang to talaga oo.
"Ayaw ko nga makipag bati sa kanya bahala sya dyan"
Sabi ni aica kay ella at umirap pa talaga. Isa din to ehh maaga talaga akong makakalbo sa dalawang ito. Lagi ng nag aaway tapos magkakabati naman agad.
"Mas lalong ayaw ko"
Ganting sagot naman ni ella. Kalma anika anak mo sila. Kalma ka lang.
"Talaga"
"Talagang talaga"
Lord kunting kunti na lang mauubos na po ang pasensya ko sa dalawang ito.
Mariin akong pumikit at dahan dahang nag mulat ng mata.
Pag ang dalawang ito di nag kaayos ibibigay ko na talaga to kay tyrone.. Di joke lang mahal ko ang makukulit nato no.Kaagad ba tumama ang tingin ko sa kanilang dalawa na kaagad na mang natakot. Dahan dahan akong nag bilang sa isip ko. Isa dalawa tatlo.
'Sorry ate aica di na po mauulit"
Hinging sorry ni ella kay aica."Sorry din ella kaw kasi ehh ang kulit mo"
Pag hinging sorry din ni aica kay ella.Kaagad namang tumayo si ella at niyakap ang kapatid.
Napapangiti na lang ako sa dalawang ito.Ganyan ang mga yan di yan mag kakaayos pag di ko tiningnan ng masama.. Wag kayo joke lang yon no.. Ganyan ko lang talaga sila sawayin.
Nang kamaupo na si ella sa upuan nya ay sabay silang nag sorry sa akin.
"Ayos lang iyon wag nyo na lang ulitin. At ikaw ella wag masyadong malikut para di mo nagigising ang ate mo."
Sirmon ko kay ella na tumatango tango lang."At ikaw naman ate aica wag masyadong pikon. Pag sabihan mo na lang ang kapatid mo. Di nyong magkakasakitan pa kayong dalawa."
"Opo mama"
Sabay nilang sagot.Sa nakalipas na isang taon at limang buwan naging routine ko na talaga ang magtanim at mag alaga ng mga halaman. Kaya heto ako ngayon nag didilig noon pa man talaga mahilig na ako sa mga halaman.
Kasalukuyan akong nagdidilig ng mahagip ng aking mga mata ang isang batang tumatakbo Habang tumatawa.
"Hahaha daddy tama na po"
Sigaw nitong habang tumatakbo at tumatawa. Nasa likod naman nya ang daddy nyang masayang nakikipag habulan sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Alam kung kahit na kailan ay di yan mararanasan ng mga anak ko sa ama nila.Pero gagawin ko ang lahat para kahit papaano mapunan ko ang di napupunan ng kanilang ama.