Randal POV
Ilang linngo na ang lumipas mula ng maconfine si anika sa hospital. Mag pasa hanggang ngayon sariwa pa din sa aking alala ang eksenang naganap kina anika at sa kanyang mga magulang. Nang malaman nila ang tunay na kalagayan ng kanilang anak.
At gaya ng nakagawian nandito na naman ako sa hospital. Mula ng maconfine si anika ako ang laging nag babantayan sa kanya tuwing gabi.
Pinag papahinga ko kasi sina tita at tito. Sila kasi ang bantay ni anika tuwing umaga. At alam kung pagud na rin sila pero tulad ko di pa rin sila sumusuko.
Kaagad na nabaling ang tingin ko kay anika ng magising at tawagin ako nito.
"May kailangan kaba?"
Kaagad kung tanong. Hirap mang mag salita pinilit ni anika ang sumagot sa tanong ko."Pahingi ng tubig nauuhaw ako."
Paos nitong wika. Awa ang bumalatanay sa aking puso. Pero di ko pinahalata pinakaayaw kasi ni anika ang kinakaawaan sya.
Kaagad akong kumuha ng tubig at inalalayan sya maupo para makainom ng tubig. Kahit pag upo at pag hawak ng baso hirap sya.
Nang makainom ng tubig ay pinahiga ko na ulit sya.
"Matulog kana. Para makapag pahinga ka"
Inayos ko ang kumot nya at hinalikan sya sa kanyang noo.
"Salamat randal. Yong pangako mo ah. Wag mong kalimutan."
Tumango lang ako sa kanya. Kaagad naman syang nakatulog.
Lumabas muna ako pansamantala. Ang hirap makita sa ganung sitwasyon ang babaeng mahal na mahal mo.
Ang swerte mo Tyrone ikaw ang mahal nya. Kahit wala kang ibang ginawa kundi ang saktan sya.
Sana ako na lang ikaw. Para ako ang mahal nya at hindi ikaw.
Nag ka kape ako ng tumawag si tito Rencho.
Kaagad ko itong sinagot."Iho kamusta ang anak ko?"
Kaagad na tanong nito ng masagot ko ang tawag.
"Nakatulog na po sya tito. Wag po kayong mag alala ayos lamang po sya."
Kaagad na sabi ko para di na sya mag alala sa kalagayan ng kanyang anak. Alam ko kasing hirap pa din syang tanggapin ang kalagayan ng anak. Lalo pat isang taon nya pa lamang itong nakakasama.
"Mabuti naman kung ganun. Bueno ibaba ko na tong telepono. Balitaan mo na lamang ako iho. "
Napatango na lamang ako. Gabi gabi silang tumatawag sa akin para kamustahin ang lagay ng anak.
"Opo tito. Babalitaan ko po kayo."
"Sige iho salamat."
Matapos ang tawag na yon ay kaagad na akong bumalik sa kwarto ni anika.
Naupo lamang ako sa upuang katabi ng kama nya. Habang pinag mamasdan sya ay nag flash back sa aking ala ala kung pano ko sya nakilala.