Chapter 12

6.6K 159 11
                                    

                  Airport

************************************

Anika's POV

Puting kisame ang numulatan ng mga mata ko kaagad kong naipikit ang mga ito ng makaramdam ako ng pag hapdi nito. Marahil siguro sa kakaiyak. Maya maya lang naramdaman ko na naman ang mga luhang nag uunahan sa aking mga pisngi na kaagad ko na mang pinahidan ng madiin.

Kaagad akong tumayo na naging sanhi ng aking panandalian pagkahilo. Maya maya pa ay tuluyan na akong tamayo ng mawala ito.

Doon ko lang napansing wala pala akong kasama. Di ko makita ang cellphone ko kaya nag pasya na lang akong lumabas para hanapin si Hanna.

Mga ilang minuto na rin akong naghahanap pero di ko pa rin natatagpuan kung nasaan si Hanna. Kaya ng makakita ako ng bench ay kaagad akong naupo isa sa mga upuan don.

Wala pang isang minuto may narinig akong nag salita alam ko kung kaninong boses yon kay Gabby kahit na nakatalikod sya sa akin.

"So lintik pala talaga ang Tyrone na yan, napakawalang puso nya sarap nyang bugbugin"  sa narinig pangalang sinabi ni Gabby biglang nag ragasa na naman ang aking masasaganang mga luha.

"Na saan na nga pala ang gagong yon? Tanong nito sa nasabing kausap

"Ayon mag papakalayo na" humihikbi man nakilala ko pa rin kung sino ang kausap nya si Hanna

"ANO? Hayop pala talaga sya ehh... Talaga namang sinabayan nya pa ng alis ang pag kamatay ng pamilya ni Anika. Dapat pala sana sya na lang tong namatay . kaylan daw ang alis ng mabugbug ko bago man lang makaalis" aalis?  Di ko alam kong saan ako mas masasaktan sa sinabi ba ni Gabby na wala na sinaTatang o sa sinabi nyang aalis na si Tyrone para iwan ako.

"Ngayong gabi 9 pm."

"Hindi totoo yan"

"Anika" sabay pang sabi nilang dalawa.

"Sabihin nyo di naman totoong patay na sina tatang diba? Di rin aalis si Tyrone diba. Kasi buntis ako at kailangan ko sila para palakihin ang baby. Sabihin nyo please"

"Anika tama na. Alam kong masakit pero kailangan mong tatagan ang loob mo. Lalo pa ngayong buntis" Hanna

"Hindi yan totoo. Parang awa nyo na bawiin nyo ang sinabi nyo."
Napaluhod na ako sa kakaiyak.

"ANIKA ANO BA? PLEASE TAMA NA.
WALA KA NG MAGAGAWA INIWAN KA NA NILA DIBA?" Sumigaw na at lahat si Hanna pero parang wala akong marinig kundi ang aking mga hikbi lang.
Mayamaya pa naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin.

"Anika wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin. Anika wala na sila. Wala na." Gabby

"Di totoo yan di nila ako iiwan mahal nila ako ehhh" hagulhul lang ako ng hagulhol sa  balikat ni Gabby na di na alintana kong malagyan ko man to ng sipon.

"Diba sabi nyo ngayon ang alis ni Tyrone?"  Kaagad na nag katinginan sina Hanna at Gabby sabay tango.

"Please samahan nyo ako pupuntahan ko sya." Pakiusap ko

"Anika" naawang nasabi na lang ni Hanna sa akin.

"Baka kasi pag nalaman nyang buntis ako at magiging tatay na sya di na sya umalis. Please samahan nyo ako. Parang awa nyo na samahan nyo ako." Nilagay ko na ang dalaw kong kamay sa bibig ko para mapigilan ang pag hagulhol ko.

"Sige pero mangako ka. Kahit na anong mangyari pag katapos nito magiging matatag ka. Maliwanag" pag suko na sa akin ni Hanna.

***************keir349**************

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon