She's right
************************************
Anika's POV
Umuwi akong apartment na lutang ang daming gumugulo sa utak ko.
Di ko alam kung pano nasabi ni Hanna sa akin yon. Ano ba ang gusto yang palabasin. Gusto nya ba kaming paghiwalayin. Pero bakit???Hindi ko talaga maintindihan Kong ano ang ipinupunto nya.
Alam ko sa sarili kong di totoo ang sinabi sa akin ni Hanna. Dahil maayos na maayos kami ni Tyrone.
At kung totoo man yon di ko siguro kakayanin dahil mahal na mahal ko si tyrone.
Nang makaramdam ako ng antok ay kaagad na akong nag tungong kwarto. Nito kasing nakaraang araw lagi na lang akong inaantok at kung ano ano ang gusto kung kainin na ayaw ko naman talaga kainin.
Napabalikwas ako ng bangun ng biglang makaramdam ako ng pagbaliktad ng aking sikmura.
Kaagad akong ng tungong banyo
Halos maisuka ko na pati ang bituka sa kakaduwal.Mga ilang saglit pa ay nahimasmasan na din ako. Kahit may unti pang pagkahilo ay kumilos na ako. 7 pm na rin kasi ehh
Saktong matapos akong magluto ng tuwag si Jane.
"Hello Jane bat napatawag ka? "
Tanong ko ng masagot ko ang phone."Ate si giro po ito" sabi ng nasakabilang linya.
"Ikaw pala yan giro kamusta kana? Bat ka napatawag? "
"Wala na miss lang po kita. Tuloy na po ba kayo sa pag uwi nyo sa isang buwan? "
"Miss na miss na din kita giro oo uuwi si ate hintayin mo ako dyan ahh"
"Oo naman po love you ate "
"Love you too bunso matulog ka ng maaga ahhh , sige na babye na ingat kayo dyan. Pasabi kina tatang na uuwi ako dyan sa susunod na buwan. " sabi ko sa kapatid ko bago ko pinatay ang tawag.
Kumain lang ako saglit tapos natulog ulit.
_kinabukasan_
Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako. Nang makarating akong restaurant Kaagad akong tinadtad ng tanong kung bakit daw ako di pumasok ng dalawang araw.
Maaga akong nag out dahil sa biglaang pag kahilo ko. Di nga Sana ako papayag ehh kaso pinilit ako ni Gaby na umuwi na raw ako.
Kaya wala na rin akong nagawa.
On the way na ako pa puntang company ni Tyrone susurpresahin ko kasi sya. Di rin kasi sya nag reply sa mga text ko sa kanya. Kaya pupuntahan ko na lang.
Bitbit ang ginawa ko sa kanyang meryinda ay nag tungo akong elevator. Kaagad Kong pinindot ang 25th floor kung saan naruon ang office ni Tyrone.
Nang marating ko na ang 25th floor ay Kaagad na akong labas. Kaagad ko na mang nakita ang Secretary ni Tyrone na si Tiffany.
"Hi Tiffany nandyan ba si Tyrone? " tanong ko Kaagad na man syang lumingon sa akin at biglang namutla.
"Ayos ka lang? " tanong ko ng biglang di sya mapakali.
"Ahh oo naman" sagot nito at pinagpatuloy na ang ginagawa na tila ba walang narinig sa na unang tanong ko.
"Tiffany tinatanong kita nandyan ba si Tyrone?" Tanong ko na may halo ng pag kairita.
"Ahhh oo nandyan sya kaso may kausap pa sya ehh. "
"Ahh ganun ba? Di naman siguro magagalit si Tyrone Kong papasok ako diba?" Tanong ko at hinawakan ko na Sana ang pinto para buksan ng biglang pigilan ni Tiffany ang kamay ko.
"Bakit?" Tanong ko
"Ahh anika baka kasi importante ang pinag uusapan nila ehhh baka magalit pag pumasok kayo"
"Ano kaba di magagalit yon. Akong bahala OK" sabi ko..
Pagbukas ko ng pinto ay bigla Kong nabitawan ang hawak hawak Kong meryinda para Kay Tyrone.
Dali Dali kong sinara ang pinto at patakbong nagtungong elevator.
Nadinig ko pang tinawag ako ni Tiffany Pero di ko na sya pinansin.Tulo lang ng tulo ang mga luha ko.
Di ko mapigilan. Ang sakit ang sakit sakit.Pag labas ko ng elevator ay pinagtitinginan ako ng mga empleyado ni Tyrone marahil sa mukha Kong basa ng luha...
Patakbo akong lumabas ng company... Habang patuloy paring tumutulo ang mga luha ko...
Tama sya totoo lahat ng sinabi nya.
Di sya nag sisinungaling.Bakit Tyrone bakit??
Bakit mo sa akin nagawa to.