Kaagad akong napabalikawas ng bangon ng madinig kung nag susuka na naman si Anika.
Kaagad ko syang dinaluhan halos yakapin na nya ang bowl. Marahan kung hinaplos ang likod nya at tinipon ang kanyang buhok sa aking kamay para di na sya masyadong mahirapan.
Tumagal din ng halos dalawang minuto ang pag susuka nya. Hinang hina syang sumandal sa akin, kaagad ko syang binuhat pabalik sa kama.
Sa mga ganitong pag kakataon ni hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang ulit akong humiling na sana ako na lang ang nasa kalagayan nya.
Nang maihiga sya sa kama ay kaagad akong kumuha ng towel para punasan ang pawis nya.
All a long na pinupunasan ko sya nakapikit lang sya at paminsan minsang napapadaing sa sakit.
Di na ako nag abalang tanungin kung ayos lang sya kasi alam ko na ang sagot, dinudurog non ang puso ko seeing her in that situation. Sana kaya kung alisin lahat ng sakit na nararamdaman nya.
Nakapit lang sya siguro nakatulog na ulit, pero ako ito hindi na makakatulog takot na sa muling pag mulat ng aking mga mata iniwan na nya ako.
Ang hirap pero di ako pwedeng sumuko kailangan kung maging malakas at matatagal para sa kanya.
Marahan ko syang tinabihan sa kama at niyakap ng mahigpit.
"Wag kang mag alala mahal nandito lang ako."
Marahan kung idinampi sa kanyang noo ang aking mga labi.
Noong nag kahiwalay kaming dalawa lagi kung hinihiling na sana makasama ko ulit sya. Makatabi sa aking pag tulog pero ngayon hindi ko na alam sa bawat gabing nagdaan lagi akong kinakabahan.
Kinabukasan maaga akong bumangon di na rin kasi ako nakatulog ulit.
At dahil ito ang unang pag kakataon na mag kakasama kami ni Anika at ng mga bata, kaya ipag luluto ko sila ng almusal.
Malapit na akong matapos ng biglang sumulpot si Ella.
Kaagad akong ngumiti sa kanya ng matamis at sinalubong sya ng yakap at halik sa kanyang noo.
"Good morning Baby how's your sleep?"
Humikab pa sya bago sumagot sa akin.
"Ayos lang Papa, pero di ako sanay matulog ng walang katabi eh."
Nakangusong sabi nito sa akin, mayroon kasi silang tig isang kwarto dito.
"Gusto mo bang tumabi ulit sa ate Aica mo mamayang gabi?"
Tanong ko matapos na maiupo sya sa table.
"Ayaw ko Papa malikot na matulog si ate Aica."
Umiiling na sabi nito na syang ikinatawa ko na lang.
Ipinag templa ko na din sya ng gatas bago ipinag patuloy ang pag luluto.
"Papa magaling na si Mama diba?"
Kaagad akong napatigil sa biglaang tanong ni Ella. Di ko alam kung saan na punta ang dila ko kasi kahit gusto kung mag salita hindi ko magawa.
"Papa?"
Kaagad akong humarap sa kanya ng tawagin nya ako.
"Ano nga iyon anak?"
Kunwaring tanong ko para kahit papano makapag isip ako ng isasagot sa kanya.
"Sabi ko po kung magaling na ba si mama?"
Napakurap pa ako ng ilang ulit bago sumagot.
"Wag ka ng mag alala baby ayos lang ang mama nyo."