Park**************************
Anika's POV
Nang matapos kaming kumain naglibutlibot muna kami bago umuwi.
"Love Sana lagi na lang tayong ganito noh. " sabi KO Kay Tyrone habang nakasandal sa balikat nya nandito kami ngayon sa park sa ilalim ng puno ito Yong madalas naming puntahan dito rin kasi kami unang nag kita.
May problema kasi ako non kaya ako napadpad dito.~Flashback~
Kamuntik KO ng mabitawan ang cellphone KO ng marinig KO ang sinabi ng kapatid KO na kausap KO sa phone.
"Ate si Tatang sinigud sya sa hospital." Di man sya umiiyak batid KO namang nag pipigil lang sya.
"Ha? Anong sabi mo? Si Tatang kamo sinugod sa hospital?" Pag uulit KO sa sinabi nya na pilit pinipigilan ang kaba.
"Opo ate sinugod si tatang dito sa hospital kaninang umaga lang" umiiyak na wika nito. Kaya di KO na rin mapigilan ang di umiyak.
"Anong sabi ng doctor? Ano raw ang sakit ni Tatang?"Sana naman di malala.
"Ate may sakit si Tatang sa puso di lang nya sinasabi sa atin ayaw daw kasi nya na mag alala tayo pero kanina inatake sya sa puso kaya nalaman namin." Umiiyak na kwento nito.
Kaya di KO talaga mapigilan ang di mapahagulhol sa iyak."Panong inatake si Tatang? Ano bang nangyari?" Tanong KO di naman siguro aatakihin si Tatang Kong walang nangyari na di nya nagustuhan.
"Ate si ate myka kasi buntis sya. Kaya nong nalaman ni Tatang bigla na lang sumikip ang dibdib nya at nahirapang huminga"
Sa sinabing dahilan ni Jane ay mas lalo akong napahagulhol.
"Ate wag ka ng mag alala dyan magiging OK din si Tatang."