The story behind the diary
****
Anika's Pov
Matapos wag kulitan ng mga bata ay niyaya ko silang mag mall.
"Bumaba na kayo susunod na si mama"
Pinauna ko na silang bumaba may kailangan lang kasi akong gawin.
Nang makababa sila kaagad kong tinawagan si Hanna.
"Hello Anika. Buti naman napatawag ka. Kamusta kayo ng mga bata grabe miss na miss ko na kayo"
Mahabang sabi ni Hanna pagkasagot na pagkasagot ng tawag ko.
"Hindi kami ok Hanna."
Mahinang sagot ko kasabay ng buntong hininga.
"Ha? Bakit anong nangyare? Ayos lang ba kayo?"
"Alam na nila Hanna alam na nila."
"Ha? Anong alam. Wag mong sabihing"
"Oo hanna alam na nila. Alam na nila ang lahat di ko na alam ang gagawin ko."
Mangiyak ngiyak na sabi ko kay hanna.
"Oh my god. Kamusta sila? Ayos lang ba sila si Aica kamusta?"
Nag aalalang tanong nito at kagaya ko alam kung maging sya nahihirapan sa sitwasyon.
"Ok lang daw sila. Pero alam kung di sila ok pinipilit lang nila. Ang babata pa nila para maranasan ang lahat ng ito."
Mabilis kung pinahid ang luhang pumatak sa aking pisngi.
"Edi umalis na kayo dyan. Bumalik na kayo dito."
Mag kakasunod akong umiling na para bang nakikita ako ng kausap ko.
"Yan ang gusto kung gawin Hanna. Pero ayaw nila ayaw nilang ewan ang ama nila."
"Ha? Pero bakit daw? Anika umuwi na kayo dito. Andito ang buhay nyo. Bakit ba ayaw nila."
"Di ko rin alam Hanna di ko alam. Ang sakit ang sakit makitang nasasaktan ang mga anak mo. Puntahan mo kami dito di ko na alam ang gagawin ko Hanna. Kailangan kita"