Chapter eight

6.6K 157 7
                                    

                Ulan

********************************

Anika's POV

Di ko alam Kong paano ako narakating ng apartment ng ligtas. Pagpasok ko sa loob mas lalong bumuhos ang luha ko.
Kahit anong gawin ko di ko mapigilan ang paglabas nito sa mga Mata ko. Ang sakit ngayon lang ako nakaranas ng ganito para akong pinapatay.

Ilang minuto din ang nilagi ko sa sala bago ako pumasok ng kwarto.

Kaagad Kong binagsak ang katawan ko sa aking kama na tila ba pagud na pagud ako.

Di ko alam Kong ano na ang itsura ko.. Basta ang alam ko lang nasasaktan ako...

Tumagilid ako ng makaramdam ako ng pagkirot sa may bandang puson ko ng mahagip ng Mata ko ang litratong nakapatong sa drawer. Picture naming dalawa ni Tyrone habang nakayakap sya sa akin.

Mga ilang sigundo lang ay naramdaman ko na naman na may luhang tumutulo sa mga Mata ko. Sa larawang to napakasaya pa namin pero ngayon di ko na alam.

Dahil sa sumasakit parin ang puson ko ay mas minabuti ko na lang na bumaling sa kabilang side.

Nakatulog akong umiiyak habang yakap kayap ang paburito Kong unan.

-kinabukasan-

Tulad nong mga nakaraang umaga nagising na naman ako dahil sa pagbaliktad ng aking sikmura. Nang hihina akong lumabas ng cr di ko alam Kong anong nangyayari sa akin.

Di ko mapigilan ang di maiyak nang maalala ko na naman ang nangyari kahapon..

Kaagad Kong tiningnan ang phone ko Kong may text ba si Tyrone sa akin pero wala kahit miss call man lang wala rin.

Lalo akong nasaktan ng makitang wala kahit isa. Alam Kong nakita nya ako kahapon pero di man lang nya ako sinundan.

Mga ilang saglit lang ay bigla akong nakaramdam ng gutom di pa nga pala ako nakakain kagabi. Kaagad akong lumabas ng aking kwarto.
Nasa sala na ako ng maalala kong naiwan ko ang cellphone ko kaya bukalik ulit ako .

Hawak ko na ang phone ko ng may mapansin akong anino ng taong nakatingin sa akin sa may bintana. Kaagad akong lumapit dito at sumilip pero biglang nawala ang anino.

Dahil sa madilim pa ay mabilis itong nakalayo.

Di ko na lang pinasin ang na kita ko at bumaba na ng sala.
Kaagad akong pumuntang kusina pero laking gulat ko ng may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Iniikot ko ang paningin ko at nakita ko ang lababong may lamang hugasin may nagluto.

Dali dali akong lumabas ng pinto ng makita Kong bukas ito. May nakita akong nakatalikod na lalaki kaya dali dali ako tumakbo pa punta sa kanya pero kaagad din naman syang tumakbo ng maramdaman nyang may sumusunod sa kanya.

"Tyrone wait" sigaw ako ng sigaw pero patuloy pa ring tumatakbo si Tyrone palayo.

Paluhod akong bumagsak sa kalsada at doon umiyak ng umiyak.

Tyrone bumalik ka. Parang awa mo na wag mo akong iwan. Please bumalik ka.

Patuloy lang akong umiyak ng biglang bumuhos ang ulan.
Di na akong nag atubili pang pumasok. Hinayaan ko na lang na mabasa ng ulan.

Ito na naman ang pakiramdam na ito. Parang nauulit lang ang sakit sakit.

-flashback-

"Liza uuwi kana? " tanong ng isang batang babae sa batang anika. Liza ang tawag nya dito dahil mas maganda daw ang liza kesa sa anika.

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon