Two minutes too late
*************************
Anika's POV
Matapos Kong sabihin sa kanya ang lahat lahat namutawi ang katahimikan sa loob ng kotse.
Walang umiimik sa aming dalawa habang nasa byahe kami.
Hanggang sa makarating na kami sa apartment ni Gabby.
"Where here"
Tumingin muna sya sa akin bago bumaba ng kotse at pinag buksan ako.
"Salamat" nginitian lang nya ako at ginulo ang aking buhok.
"Sige pumasok kana"
"Hindi kana ba papasok muna?"
"Hindi na may pupuntahan pa kasi ako ehh text text na lang"
"Sige ingat ka sa pag mamaneho"
Papasok na Sana ako sa gate na hilain nya ako sa braso at mabilis na kinintalan ng halik sa pisngi.
"Bye"
Sabi nya at mabilis na sumakay sa kotse saka pinaharurot ito paalis.
Nakatulala lang ako sa akimg kinatatayuan at Hindi makapaniwala sa ginawa nya. Kahit na madalas nyang ginagawa sa akin yon noon.
Iba na kasi ngayon ehh.. Di naman kasi ako manhid para hindi maramdang mahal nya ako higit pa sa kaibigan.
Nang matauhan ay kaagad na akong pamasok sa loob.
"Oh bat ngayon kalang kanina pa ang out mo ah"
Tanong sa akin ni Gabby ng makapasok ako.
"Ahh nag kita kasi kami ng kababata KO ehh kaya yon Hindi ako pinauwi ng hindi nakakakain"
Palusot ko na lang.
"So nakakain ka na pala di mo man lang ako tinext para naman alam ko ng di na ako nag hintay sayo diba"
Mahabang sermon nya sa akin na may halong tampo.
"Sorry nakalimutan ko wala rin kasi akong load ehh"
Pag hingi KO sa kanya ng paumanhin.
"OK basta wag mo na uliting pag hintayin ako kundi mababatukan talaga kita"
Nakalabing sabi nito sa akin na nakataas ang kanang kamao na tila ba gusto na akong suntulin.
"Oo promise"
Tinaas KO pa ang kanang kamay KO para di na sya magalit sa akin.
"Sige na gabby maiwan na kita medyo pagod din kasi ako sa trabaho kanina ehh pag papahinga na ako."
Tumango lang naman ito bilang tugon.
Nang makarating sa silid ay kaagad akong humilata.
Nakatitig lang ako sa puting kesame habang malalim ang iniisip.
Kamusta na kaya ang mga anak ko grabe miss na miss KO na sila.
Pipikit na Sana ako ng biglang pumasok sa isip KO ang sinabi sa akin ni kean.
"Handa akong maging ama ng anak mo"
Parang sirang plakang paulit ulit yon sa isipan ko.
Kung di kaya sya umalis ng pilipinas nag iba kaya ang tadhana ko.
Dahil siguro sa dami ng aking iniisip ay nakatulog ako.