Pregnant
**************************
Hanna's POV
Wala akong magawa kundi ang pagaanin ang loob ng kaibigan ko. Matapos nya kasing mabasa ang lintik na sulat na yon umiyak na naman sya ng umiyak.
Sa totoo lang gusto ko ring umiyak sa sitwasyon ngayon ni anika. Awang awa ako sa kaibigan ko."Anika tama na nahihirapan ka ng huminga ohh. Please tama na" kita ko sa mga mata nya ang matinding lungkot. Kung makikita nyo nga sya ngayon mapagkakamalan nyo syang baliw.
"A..ano bang mali sa akin? Bakit nya sa akin nagawa to"
"Walang mali sayo, kung may mali man dito sya yon"
"Umuwi kana Hanna gusto kung mapag isa" biglang sabi nito
"Hindi. Hindi ako aalis dito na ganyan ang lagay mo"
"Please Hanna gusto kung mapag isa." Muli pang makiusap nito
"Sige aalis ako pero mangako ka wala kang gagawing masama sa sarili"
Iyak lang sya ng iyak"Mangako ka" di sya sumagot nagpatuloy lang sya sa pag iyak.
"Hanna please"
"OK hatid na kita sa kwarto mo"
Wala akong magawa kundi ang pumayag na lang kilala ko si Anika pag sinabi nya sinabi nya.
Inalalayan ko syang pumasok sa kanyang silid.
Nang hihina syang humiga sa kama.
"Sige aalis na ako mag iingat ka dito. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka"
Inayos ko muna ang kanyang kumot at hinalikan sya sa noo.
"Kaya mo yan Anika"
Pagkalabas ko ng kwarto nya ay nagtungo agad ako sa kusina ipagluluto ko na muna sya bago ako umalis.
**************************
Anika's POVNagising ako ng maramdaman ko ang pag baliktad ng aking sikmura kaya dali dali akong nag tungo ng cr. Habang sumusuka di ko maiwasang di maiyak pano kung tama ang hinala ko anong gagawin ko.
Nang hihina akong bumalik ng kama. Wala pa sa ilang minuto akong nakaupo ng bigla akong makaramdam ng gutom. Wala pa nga pala akong kain simula pa kahapon.
Nang hihina man ay pinilit kung lumabas ng kwarto para makakain.
Pagdating ko ng kusina nakita kong may nakahanda ng pagkain. Pero di na Yong iniinit nya.
Malamang tinapon na nya yon.
Habang kumakain umiyak na naman ako. Naiinis ako pakiramdam ko ang hina hina ko. Ang tanga tanga ko sa isang taon naming pag sasama ni di ko man lang naramdaman na niluluko nya lang pala ako. Gusto kung malaman kong bakit kung bakit nya nagawa yon.
Nakatulala lang ako habang umiiyak.
Mga ilang oras ba ako sa ganong position ng biglang."Anika ok ka lang"
Tiningnan ko lang sya na nag sasabing Hindi."Alam mo na ba?" Kinakabahang tanong nito.
"Ang alin na liluko lang ako ni Tyrone?" Mapakla kong tanong.
Dahan dahang lumapit sa akin si Hanna at niyakap ako ng mahigpit.
"Anika" mahinang tawag nito sa pangalan ko
Sa pagbigkas nya ng pangalan ko bigla akong nakaramdam ng matinding kaba."Anika sor..ry" pumiyok pa ito ng banggitin nya ang salitang sorry at sa di malamang dahilan ay bigla akong na inis.
"Ano ba Hanna bakit kaba humihingi ng sorry?" Pagalit Kong tanong dito sabay punas ng mga luhang lumalandas sa aking pisngi.
"Anika wala na sila" umiiyak nito sabi.
"Anong wala? Sinong wala?"
"Anika wala na sina Tito" muling sabi nito na sinabayan pa ng in paghikbi
"Ano ulitin mo nga ang sinabi mo?" Galit na tanong ko dito at umalis na sa pagkakayakap nya.
"Patay na sila tito anika wala na sila" umiiyak na paliwanag nito.
Sa sinabi ni Hanna ay biglang nagragasa ang aking masaga ng luha.
"Anika" kinabig muli ako ni Hanna para yakapin
"Di totoo yan. Di totoo yan. Nag sisinungaling ka lang"
"Please sabihin mong nag bibiro ka lang wag mo na akong saktan please" hikbing pakiusap ko dito.
Iling lang ang isinagot nya kaya lalo akong napahagulgol"Di totoo yan buhay pa sila buhay pa sila nakausap noong isang araw ehh"
"Anika namatay sila dahil sinalanta ng bagyo ang lugar natin."
Humahagulhol na ring paliwanag nito."Hindi nga totoo yan ehh. Buhay pa sila. Buhay pa sila" nag wawala na ako dito sa sobrang galit kay Hanna.
Mga ilang saglit pa ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at biglang nag dilim ang lahat.
Nagising ako sa kwartong di pamilyar aa paningin ko puro puti lang ang nakikita ko kahit saan ako tumingin.
Nasa langit na ba ako? Kinuha na ba ako ni god para di na ako masaktan.
"Anika. Thank god gising kana" buhay pa pala ako
"Ok na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito ng may ngiti sa mga labi.
"Nasan ako?"
"Nasa hospital ka Anika. Sinugud kita dito ng bigla kang nawalan ng malay."
Paliwanag nito doon ko lang napansin ang IVng nakaturok sa akin.
"Tatawagin ko lang ang doctor para ma check ka" sabi nito at lumabas na at sa pag labas ni Hanna ay ang pagtulo na naman ng mga luha ko.
"Anika ok ka lang may masakit ba sayo?" Di ko namalayang nakabalik na pala si Hanna na kasama ang doctor na sina sabi nya kaya dali dali kong pinunasan ang mga luhang pisngi ko at nag akmang uupo ng pinigilan ako in Hanna.
"Baka mabinat ka"
Kaya nanatili na lang akong nakahiga.
Mayamaya pa ay nagsalita na ang doctor."So how are misis?" Tanong nito
"Ahh doc miss pa po sya" pagtatama ni Hanna sa sinabing misis ng doctor.
"Ohh sorry for that" pag hingi ng paumanhin nito.
"By the way miss?"
"Panganiban po"
"Miss Panganiban I am doctor saavedra" pag papakilala nito na nginitian ko naman ng peke.
"Ahh doc ano po ba ang sakit ng kaibigan ko?" Tanong ni Hanna na tila ba di makapaghintay sa sasabihin ng doctor.
"Don't worry wala namang sakit ang kaibigan mo. Its normal na mangyari ang ganon dahil sa nag dadalangtao sya" paliwanag ng doctor na nakapagpagunaw ng aking mundo.
"Anong ibig mong sabihin doc buntis sya?" Tanong namang muli ni Hanna
She nod before she speak
"She's pregnant. Your two months pregnant miss Panganiban" I was shock na sinabayan na naman ng aking masaganang luha di ko na inalintanang nasa harapan ko pa ang doctor.
"I give her the vitamins that she need to take for the baby"
Naramdaman Kong tumango si Hanna
"And bawal ka din palang ma stress miss Panganiban" huling bilin nito at tuluyan ng umalis.