Chapter 46

3.5K 95 10
                                    


Maagang nagising si Tyrone kinabukasan di kasi sya nakatulog ng maayos magdamag. Natatakot na sa muling pag mulat ng kanyang mga mata di nya na makikitang buhay si Anika.

Pinagmamasdan nya lamang ito habang mahimbing na natutulog sa kama. Ang laki na ng pinayat nito ang dating chubby nitong pisngi ay nawala, ang dating masigla nitong mukha ay nababalutan na ng sakit tuwing ito ay nagigising. Ang laki na ng pinagbago ni Anika kumpara sa huli nya itong nakita.

Kung alam lamang nya na mangyayari ito sana may nagawa sya, sana di ito nag dusa dahil sa kanya. Walang ginawa ang babaeng ito kundi ang mahalin sya.

Marahan ang naging pag haplos ni Tyrone sa mukha ni Anika kay sarap nitong pag masdan kabaliktaran pag ito ay gising. Sakit at pag hihirap lamang ang madalas na nakikita nya sa mga mata nito.

Dalawang linggo na ang nakakaraan ng simulan ang kanyang chemo therapy ngunit pinalala lamang nito ang karamdaman ni Anika. Kung dati nakakain pa ito ng maayos ngayon pahirapan na dahil palagi nya lamang isinusuka.

Marahang umangat ang kamay ni Tyrone sa ulo na Anika, sa pag dampi ng kanyang kamay ay kaagad na naramdaman nya ang bahagyang pag nipis nito na dala ng chemo therapy. Kaagad na namalisbis ang mga luha ni Tyrone, sinabihan na sila ng doctor na di tinatanggap ng katawan ni Anika ang chemo therapy.

Isa ang araw na iyon sa nakapag payanig sa mundo nya paano nya matatanggap na di nya na makakasama ng matagal ang babaeng pinakamamahal. Di nya alam kung paano mag sisimula, paano babawiin ang mga panahon na nagdaan na hindi sila mag kasama.

Tyrone POV

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan hindi pwedeng maging mahina sa harap nya. Kailangan kung maging malakas para sa kanya para di sya pang hinaan ng loob. May ilang buwan pa naman ako para makasama sya, sana nga lang makabawi ako sa lahat ng pag kukulang ko sa kanya sa maikling panahon.

Ang hirap hirap tanggapin pero wala na akong magagawa kundi ang magdasal na sana mag karoon ng himala para makasama ko pa sya ng matagal.

Marahan kung kinuha ang bag na nakapatong sa sopa at inimpake ang mga gamit ni Anika, ngayong araw ang labas nya sa hospital.

Saktong matapos ko ang pag iimpake ng mag ring ang cellphone ko.

Boses ni Aica ang bumungad sa akin pag kasagot na pag kasagot ko.

"Hello Papa pauwi na po ba kayo ni Mama?"

Bakas sa boses nya ang tuwa at pag ka excited na makita si Anika.

"Opo mayamaya nandyan na kami. Natutulog pa kasi ang Mama mo eh pero wag kayong mag alala bago dumilim nandyan na kami."

Napangiti na lang ako ng sinabi din nya sa mga kapatid ang sinabi ko.

"Ok papa mag hihintay po kami dito i love you po."

Kaagad na bumalantay ang pagkamiss ko sa kanila dalawang linggo na mahigit ng huli ko silang makita.

Di ko kasi iniwan si Anika ako ang nag babantay sa kanya tuwing gabi sa araw naman ang parents nya pero di ako umaalis sa tabi nya.

"I love you too anak. Mahal na mahal ko kayo."

Di din nag tagal ang pag uusap namin kaagad na syang nag paalam upang kumain ng almusal.

Saktong gising na si Anika kaya kaagad ko syang nilapitan.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?"

Nag aalalang tanong ko na syang ikinangiti nya.

"Ano kaba naman Love napaka OA mo alam mo iyon. Ayos lang ako wag kang mag alala."

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon