Chapter 44

3.4K 106 14
                                    

Tyrone POV

Matapos mag almusal ng mga bata ay sinabihan ko na silang aalis kami ngayong araw. Hindi pa sana papayag si Randal na isama ko ang mga bata pero nag pumilit ako.

"Wag kang mag alala akong bahala sa mga anak ko. Hindi ko na sila hahayaang mawalay pa sa akin. Alam kung sayo iniwan ang mga anak ko pero nandito na ako. At isa pa alam kung nangungulila na din si Anika sa kanila."

Paliwanag ko kahit na wala naman akong dapat na ipaliwanag. I am the father here kaya may karapatan akong makasama ang mga anak ko. Pero nirerespeto ko sya bilang sya ang nag alaga sa mga anak ko. At sa kanya iniwan ni Anika ang mga bata pero nandito na ako.

"Hindi mo kasi naiintindihan Tyrone pre. Hindi sa ayaw kung makasama mo ang mga anak mo. Pero kasi ako ang malalagot kina tito at tita pag nalaman nilang kinuha mo ang mga apo nila."

Ano ba ang akala nito na hindi na ako mag papakita sa mga magulang ni Anika. Dahil na sa akin na ang aking mga anak. Papunta nga kami doon para makita at makausap ko sila.

"Hindi ko itatakas ang mga anak ko. Gusto ko lang silang makasama at alam kung iyon din ang gusto ni Anika. At isa pa makikita naman sila doon ni Mr. De larra."

Kung totoo man ang sinasabi nyang may taning na ang buhay ni Anika mas makakabuti kung nasa tabi nya kami ng mga bata.

Ayaw kung panghinaan ng loob kaya nga pupunta ako sa France para alamin ang totoong lagay nya.

"Gusto ko lang na makasama ng mga anak ko ang ina nila."

Isang mapait na ngiti ang aking pinakawalan. Ayaw ko mang isipin na mawawala sa akin si Anika dahil alam kung hindi ko kakayanin once na tuluyan na syang mawala sa akin.

"Sige kung yan ang gusto mo. Wala na akong magagawa basta payo lang wag mo na syang sukuan ulit. Deserve nyang maging masaya at alam kung ikaw lang ang makakagawa non."

Sabi nito sa akin at tinapik ang balikat ko at tuluyang umalis.

Kaagad ko namang tinawagan di eugine para sabihin na darating kami ngayong araw.
Kaagad kung pinuntahan sina Ella na kasalukuyang nag lalaro.

"Papa sali ka po sa amin. Lalaro po kaming ligo. Lika po papa."

Sa paulit ulit na tawag sa akin ni Ella ng papa ay halos mapunit na din ang mga labi ko sa subrang pag ngiti.

"Baby sorry ah next time na lang si papa makikipag laro sa inyo."

Mahinahon kung paliwanag dito na sya namang ikinasimangot nya.

"Bakit papa aalis po ba kayo?"

Kaagad na tanong ni Ello ng madinig ang sagot ko sa kapatid.

"Oo pero syempre kasama kayo."

Nakangiting sabi ko na syang ikinalaki ng mga mata nila.

"Saan po tayo pupunta papa. Doon po ba sa maraming snow?"

Magiliw na tanong ni Aica na ikinatawa ko. Lumapit na din naman sa amin si Aico habang dala dala ang book na binabasa nya.

"Sa france pupuntahan natin ang mama nyo."

Nag titili naman sa tuwa si Ella ng madinig kung saan kami pupunta. Sa mantalang kumislap naman sa tuwa ang mga mata nina Aico.

"Sa france po? Kay mama po? Yeheyy."

Tuwang tuwa nitong sabi at nag tatatalon.

"Opo pupuntahan natin si mama nyo miss nyo na sya diba?"

Mag kakasunod na tango ang kanilang sagot sa akin.

Papunta na kami Anika mahal papunta na kami. Kapit lang mahal na mahal kita.

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon