Note
**************************
Anika's POV
Pasalampak akong naupo sa sopa. Wala naman akong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Marahil siguro sa kaiiyak ko. Sapag upo ko sa sopa muli naramdaman ko ang sakit. di ko na alam kung gaano na kadami ang nailuha ko basta ang alam ko lang walang tigil walang tigil ang pagpatak nito.
Nakatulala lang ako sa kawalan patuloy na lumuluha patuloy na nasasaktan hanggang sa lamunin ako ng aking antok at tuluyan ng nakatulog."Nanang bakit po kayo malungkot? May problema po ba kayo?"
"Wala"
"Wala eh bakit po kayo malungkot? Namimiss nyo na po ba ang lolo?"
"Namimiss? Bakit ko naman mamimiss yon?"
"Kasi mahal nyo sya"
"Nanang tingnan nyo po,maganda po ba?"
"Oo naman maganda kasing ganda mo"
"Nanang paglaki ko po gusto ko pong maging designer. Tapos po pag designer na ako gagawa ko po kayo na magandang magandang gown."
"Sige anak pangako ni nanang gagawin nya ang lahat patupad lang ang mga pangarap mo."
"Salamat nanang love you"
"Love you too nak"
"Nanang wag mo akong iwan. Wag mo kaming iwan."
"Nanang"
Nagising akong lumuluha, hito na naman bumabalik na naman sa alaala ko ang nakaraan, nakaraang gusto ko ng kalimutan.
Mayamaya pay nakaramdam ako ng lamig doon ko lang naalalang nabasa pala ako ng Ulan kanina.
Dahan dahan akong tumayo dahil nakaramdam bigla ako ng pagkahilo.
Kaagad akong nagtungo ng banyo para maligo at sa pagdaloy ng tubig sa katawan ko ay sya ring pagbuhos ng mga luha ko.
Nang hihina akong nag tungo sa aking kwarto para magbihis isang maluwag na T-shirt at pajama ang sinuot ko.
Di na ako nag abalang lumabas ng kwarto para kumain wala rin kasi ako ganang kumain.
Humiga lang ako sa aking kama at doon namaluktot.
Humihinga ako pero pakiramdam ko para akong patay.
Di ko alam pero para akong nawalan ng ganang mabuhay.Magkakasunod na katok sa pinto ang nakapagpagising sa akin nakatulog na naman pala ako.
Tumayo ako para sana pagbuksan kung sino man ang kumakatok. Alam ko kasing hindi si Tyrone yon. Nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya umupo muna ako para mawala ang aking pagkahilo. Nang maramdaman ko na di na ako gaanong nahihilo ay tumayo na ako ng dahan dahan.Si Hannah ang nabungaran ko ng mabuksan ko ang pinto.
Sa isang iglap lang nakayakap na ako sa kanya ng maramdaman Kong gumanti sya ng yakap. Bigla akong napaiyak pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi.
"Sorry kung di ako naniwala sayo. Sorry"
Humihikbi kung sabi at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya."Sshh tama na OK lang" dahan dahang kinalas ni Hanna ang mga bisig Kong nakayakap sa kanya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Iyak lang ang naisagot ko sa tanong ni Hanna
Inalalayan nya akong pumasok sa loob at dahan dahang inupo sa sopa.
"Ok ka lang ba anika? Ang putla mo" muling tanong ni Hanna di ako sumagot kaya pinisil nya ang kamay ko.
"Hanna bakit? Bakit nya nagawa sa akin yon? Ang sakit sakit" hibi kong sumbong sa kanya.
Mayamaya pa naramdaman ko na hinahagod ni hanna ang likod ko kaya mas lalo akong umiyak.
Iyak lang ako ng iyak.
Mayamaya pa ay biglang nagtanong si Hanna.
"Ano ba ang nangyari? Bakit ka nagkakaganyan?"
Nanghihina man nagawa ko pa ring magkwento.
"Kasalanan ko to ehh kung di ko lang sana sinabi di ka sana mag kakaganito"
"Wala kang kasalanan Hanna"
"Teka kumain kana ba?"
Tanong nito iling lang naisagot ko."Kaya naman pala ang putla putla mo ehh di kapa pala kumakain. Halika na nga tumayo ka na dyan ipagluluto kita" sabi nito sabay hila sa akin patayo.
Pagdating namin ng kusina naabutan namin ang pagkaing nakahanda sa lamesa.
Nilingon ako ni Hanna na may pagtataka ang mga mata. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya
Pinaupo ako ni Hanna at nagsimula na syang initin ang mga pagkaing nakahain sa lamesa.
Nakatitig lang ako sa ginagawa nya di na ako nagprotesta ng sabihin nyang sya na ang mag iinit non.
Kasalukuyan ng iniinit ni Hanna ang ulam ng may mapansin ko ang sulat na nakadikit sa tasa ng kape.
Napahagulhol ako sa aking nabasa kaya mabilis na pinatay ni Hanna ang apoy at mabilis akong dinaluhan."Sshh bakit anong nangyari" nag aalalang tanong nito.
Pinakita ko sa kanya ang sulat at malakas nya yong binasa."Sorry kung dina kita hintay na magising nag mamadali kasi ako, dumaan lang ako dito para gawin to. Sorry dahil mula sa araw na ito di mo na ako makikita. Sorry kung ginamit lang kita para bumalik ang babaeng totoo kong mahal.
Tyrone."