Its quadruplets
*******************************Anika's POV
Halos mangatal ako habang hinihintay Kong tawagin ang pangalan ko. Nasa hospital kasi kami ngayon ni Hanna.
Gusto na rin kasi naming malaman kung ano ang gender ng baby ko..
"Best okay ka lang parang kinakabahan ka" kaagad na tanong ni Hanna ng makabalik sya galing ng canteen bumili sya ng tubig ehh.
"Kinakabahan kasi ako ehh.."
"Bakit naman?"
"Baka kasi" di ko matuloy tuloy ang sasabihin ko.
"Baka kasi?" Naiinip ng tanong ni Hanna
"Baka hindi healthy ang baby ko,
Madalas kasing sumakit ang tyan ko nitong mga nakaraang araw ehh""Wag kang mag alala best tiyak akong malusog nyang inaanak ko, tiwala lang"
"Salamat"
Mga ilang saglit pa tinawag na rin kami..
"So how are you mrs. Panganiban?"
Nagkatinginan kami ni Hanna ng sabihin nya akong Mrs.
"Ahh Doc miss lang po" pag tatama ko sa kanya.
"Ohh sorry"
Nginitian ko na lang sya.
"So lets start"
Nilagyan nya ng gel ang tyan ko
Sa umpisa malamig ito na hindi din naman nag tagal.Mga ilang saglit pa humarap na si Doc sa monitor.
Mayamaya lang biglang nangunot ang kanyang nuo.
Kaya bigla akong kinabahan na naging sanhi ng mahigpit kung paghawak sa kamay ni Hanna."Doc bakit po may problema po ba?" Tanong ni Hanna
"Actually.. I am just happy.."
"Po?" Happy bakit naman kaya sya happy? Sana naman malusog talaga ang baby ko.
"Di lang kasi ako makapaniwala ehh" namamangha pa ring sabi
nito"Ano pong ibig nyong sabihin Doc?" Nagtataka ng tanong ko.
"Okay lang ba si baby.. Healthy po ba sya?" Mag kasunod na tanong ni Hanna.
"Yes there okay" sa sempleng sagot ng Doctor ay maraming nabuong katanungan sa isip ko. There di kaya kambal ang anak ko.
"Kambal po ang anak ko?" Namamanghang tanong ko sa kanya.
"Hindi"
"Po pero sabi nyo there okay, ibig sabihin kambal po" sabi ko
"Pwede rin namang ibig sabihin non kambal, pero sa setwasyon mo ay hindi" nakangiti ng paliwanag nito sa akin
"So ang ibig nyo pong sabihin hindi kambal ang baby?" Sabi ni Hanna na tumatango tango pa.
"Yes its because,"
"Its because?" Tanong ni Hanna dinaig pa ako..
"Its quadruplets congrats"
"Ahh quadruplets" sabay na naming sabi ni Hanna,
Quadruplets??
Apat ang anak ko..."Quadruplets?" Sabay ulit naming sabi ni Hanna.
"Yes its quadruplets, actually this is the first time na may nag pa check up sa aking quadruplets
And a im so thankful for that"Nakangiti nyang paliwanag
Kaya di ko napigilang ngumiti
At haplosin ang tyan ko ang mga baby ko.."Ano pong gender nila Doc" tanong ko sana may babae..
"Equal, two boys and two girls
And there healthy congratulatios"Sa aking narinig di ko na napigilang mapaluha...
Nag halong tuwa at the same time lungkot..Saya kasi apat sila..
Lungkot dahil apat silang walang makikilalang ama...Nag bilin lang ng mga dapat gawin ang Doctor at pinapapunta kami sa hospital kada dalawang linggo para sa checkup..
Kaagad kaming umuwi ni Hanna ng matapos ang check up.
Nang makarating kaming bahay ay kaagad kaming sinalubong ni Nanay Fe kasama si baby Mica."Kamusta ang check up? Lalaki daw baw o babae?" Mag kasunod na tanong nito pag kapasok na pag kapasok pa lang namin ni Hanna.
"OK lang naman po Nanay fe okay lang naman sila malusog" nakangiting sagot ko sa tanong nya sabay haplos sa malaki ko ng tyan.
"Sila ibig sabihin tama ang hinala ko, sinasabi ko na nga ba"
"Po ano pong hinala?" Tanong ko ng may pag tataka
"Na di lang isa yang ipinag bubuntis mo sa laki ba naman nyang tyan mo" sabi nito at marahang hinaplos ang tyan ko.
"Ano na babae ba o lalake?"
Tanong ulit nito ng hindi pa inaalis ang kamay sa pag kakahaplos nito."Dalawang lalaki at dalawang babae po Nay" sagot ni Hanna at inalalayan na akong umupo.
"Ano? Apat ang anak ni Anika?" Namamanghang tanong nito
"Opo nay kaya di lang dalawa kundi limang bata ang aalagaan nyo." Pag bibiro dito ni Hanna
"Ano kamo ako lang ang mag aalaga, anong gagawin mo ha aber" sabi nito at binatukan ang anak.
"Nay naman binibiro lang ehh malamang tutulong ako di mo naman kaya ang limang bata eh matanda kana kaya" sabi nito sabay akbay sa ina
"Ano kamo ako matanda na abay loko ka ngang bata ka".
Natawa na lang ako ng biglang tumakbo si Hanna ng tangkaing hampasin ulit ni Nanay fe.
"Hahaha matanda ka na naman nay ahh bakit tingin mo ba bata ka pa oyy assuming si nanay, tigwang kana oyy" patuloy pang pangaasar ni Hanna dito.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay sa tyan ko na binaling ang tingin atensyon ko
'Wala man kayong kikilalaning ama pinapangako ko naman na magiging mabuti akong ina para sa inyo pangako yan mga anak.'
"Nay Hanna magpapahinga na po muna ako kayo na po munang bahala kay baby Mica" sigaw ko bago umakyat sa taas.
Kaagad akong nahiga ng makarating akong kwarto.
Puting kisame ang tumambad sa paningin ko.
'Tay kamusta na kayo dyan? Grabe miss na miss ko na kayo
nga pala nag pa check up ako kanina apat po sila Tay di ko po talaga akalaing apat sila sayang po di nyo man lang sila makikita pero kahit ganun alam ko namang lagi mo kaming babantayan, at wag na rin po kayong mag alala sa akin okay lang po ako kakayanin ko to pa sa mga apo nyo.. '