chapter 11

6.5K 164 2
                                    

        Pain

**************************

Anika's POV

Natulala ako sa nalaman ko di ko na alam kong ano ang gagawin ko.

"Anika wag ka ng umiyak please"

Tumingin lang ako sa kanya ng may luha sa mga mata.

"Di naman totoo yon diba?"
Humihikbi Kong tanong.

Di sya sumagot kaya mas lalo akong naiyak.

"Anika" niyakap nya ako ng mahigpit

"Buhay pa sila diba? di totoo yong sinabi mo sa akin kanina diba? Nagbibiro ka lang. Diba? Diba"

Para akong mababaliw ng magkasunod na umiling si Hanna. May bahagi ng utak ko na nag sasabing maniwala ako sa kanya, at wag akong maniwala.

"Anika alam Kong napakasakit nito sayo. Pero sana magpakatatag ka, lalo na ngayon"

"Di sabi totoo yan eh. Buhay pa sila. Buhay sila" halos mag wala na ako para lang sabihin nyang buhay pa sila Tatang.

"Anika tama na, makakasama sayo yan." Nahihirapan ng pag papakalma sa nya sa akin.

"HINDI! BUHAY PA SILA, SABIHIN MO BUHAY PA SILA, SABIHIN MO"

********************************
Hanna's POV

Isang nakakaawang sigaw ang kumawala sa bibig ni Anika na may kasama pang yugyug sa aking balikat para lang sabihin kong nag bibiro lang ako.

Pero sana nga di totoo yon, kasi masakit din sa aking malamang wala na sila. Pamilya na rin ang turing ko sa kanila.

Pinagmamasdan ko lang si Anikang matulog matapos nyang maturukan ng pangpakalma ng mga nurse. Isang mala anghel na mukha na pinag kukublian ng matinding lungkot, nakakaawa syang tingnan kung pwede nga lang na akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman nya ginawa ko na siguro.

Isa tong malaking dagok sa buhay nya sana makayanan nya.

Lalo pa ngayong buntis sya.
Kailangan nyang maging matatag para sa magiging anak nya.

Dahan dahan Kong binitawan ang kamay ni Anika ng mag ring ang phone ko.

"Hello kamusta? Kamusta na sya?" Gaagad kong tanong ng masagot ko ang tawag.

"Bumubuti na ang lagay nya, isang himala dahil sa buong pamilya sya lang ang himalang nakaligtas" sagot nito na ikinangiti ko.

"Salamat naman kong ganon, pakibantayan na lang muna sya ahh, patuloy mo akong balitaan tungkol sa lagay nya"

"Sige makakaasa ka" sagot nito bago tuluyang pinatay ang tawag.

Nakangiti akong bamalik sa tabi ng kama ni Anika na kasalukuyang natutulog pa rin.

"Yan Anika nadagdagan ang pag asa mong mabuhay. Lalo na ngayong kailangan ka ng pamangkin mo."

Yes sa kanilang lahat si Baby Micah lang ang nakaligtag. Ang anak ni myka na 5 months old palang.

Natigil ako sa pagbabalat ng mansanas ng tumunog ang phone ko dali dali ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

*Gabby calling*

"Hello Gabby napatawa.." Di ko na natuloy ang dapat sanang sasabihin ko ng bigla syang sumigaw sa kabilang linya.

"Hanna kamusta si Anika? Bakit sya sinugod sa hospital? Ano daw ang sakit nya? Malala ba? Ha? Sumagot ka" napakamot na lang ako sa ulo ko ng marinig ang mag kakasunod na tanong ni Gabby.

"Hoy ano ba sumagot ka"

"Pano ba naman kasi ako makakasagot kong panay ang salita mo" naiinis kong tanong dito.

"Sorry naman nag aalala lang, so ano na? Anong sabi ng doctor?" Mahinahon ng tanong nito.

"Mahabang kwento, pumunta ka na lang dito para malaman mo"

"Ok pupunta ako dyan" nag mamadaling sabi nito at binaba na ang tawag. Tingnan mo yon bastos talaga.

"Tingnan mo Anika di lang ako ang nag aalala sayo, kaya lumaban ka ha. Nandito lang kami para sayo"

Mga ilang saglit pa dumating  si Gabby.

"So ano na? Ano daw ang sakit nya?" Kaagad na tanong nito ng makapasok sa kwarto ni Anika.

"Ano ba pwede bang hinaan mo yang boses mo baka magising si Anika" saway ko dito pano kasi dinaig pa ang naka microphone ang bunganga

"Sorry naman" pag hingi nito ng paumanhin.

"Tara don tayo sa labas mag usap" aya ko dito sabay hila

Nang makarating kami sa isang bench ay hinila ko sya paupo.
At nag simula ng ikwento ang lahat na ng yari.

Panay lang ang tango nya pero kita ko kung paanong gumuhit sa mga mata nya ang galit ng sabihin ko ang ginawa ni sir Tyrone Kay Anika, at lungkot ng malaman nyang nasawi ang pamilya ni Anika.

"So lintik pala talaga ang Tyrone na yan, napakawalang puso nya sarap nyang bugbugin" nang gagalaiting sabi nito na nayaukom pa ang dalawang kamay na nag sisimbulong galit talaga sya.

"Nasaan na nga pala ang gagong yon?" Tanong pa nito.

"Ayon mag papakalayo na"

"ANO! Hayop pala talaga sya ehh. Talaga namang sinabayan nya pa ng alis ang pagkamatay ng pamilya ni Anika. Dapat pala sana sya na lang tong namatay"  galit na sabi nito ng marinig ang sinabi ko.

"Kaylan daw ang alis ng mabugbug ko bago man lang makaalis" tanong muli nito
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot

"Ngayong gabi 9 pm" sagot ko at sumulyap pa sa aking relo.

8:33pm.

               

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon