Sunset**************************
Anika's POV
Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Tyrone sa tabing ilog dito sa park.
Malapit na kasing lumubog ang araw kaya papanuurin namin ang pag lubog nito.Nakatingin lang ako sa papalubog ng araw. Bata pa lang ako lagi ko na talagang pinagmamasdan ang paglubog nito.
Sa tuwing tumitingin kasi ako sa papalubog ng araw pakiramdam ko nasa tabi ko lang sya.
Noong bata palang kasi ako laging sinasabi sa akin ng nanay ko na ang lahat daw ng taong namatay na ay napupunta raw sa langit.
Tinanong ko pa nga sya noon na kung pwede pa bang kausapin ang taong namayapa na.
~Flashback~
"Nanay San po pupunta si lolo?" Tanong ng batang anika sa kanyang Ina..
Katatapos lang kasing ilibing ng kanyang lolo.
"Sa langit anak." Sagot naman ng kanyang Ina habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Ano pong gagawin ni lolo ron?" Tanong ulit ng batang anika sa kanyang Ina na tila ba di nito naiintindihan ang kanyang narinig mula dito.
"Ang bantayan tayo." Sagot naman ng kanyang Ina.
"Bantayan? Eh bakit sa langit nya pa tayo babantayan?" Tanong ulit nito.
Ngumiti muna ang kanyang Ina bago sya nito sinagot.
"Kasi nasa heaven na sya at lahat ng nasa heaven lagi nilang binabantayan ang mga mahal nila sa buhay. Para kahit di sila kasama ng mga mahal nila nararamdaman naman nito ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng babantay nila dito. Gaya rin ng lolo mo ngayong nasa heaven na sya lagi nya tayong babantayan."
Sagot nito sa anak na tila ba pinapaintindi nito ang isang bagay na Hindi nito maintindihan.
"Ahh ang ibig po bang sabihin nanay di na natin makakasama si lolo kahit na kailan?"