Chapter 26

6.3K 175 13
                                    

Hanna

********

Anika's POV

Hindi maampat ang luha ko habang nakatitig sa anak kong nakaratay sa kama.

Mag iisang linggo na syang nandito sa Icu. Isang linggo na rin mula ng ilipat sya dito sa manila hospital mula sa cebu.

At isang linggo na rin ng huling pumunta ako sa company ni Tyrone..

Mula ng araw na iyon hindi na ako nakabalik pa. Ayaw ko kasing iwan ang aking anak tama na iyong isang buwang hindi ko sya nakasama.

Bahala na kong mag kikita man kami ni Tyrone o hindi wala na akong pakialam basta ang magalaga nan dito ako sa tabi ng anak ko..

Kasi sa mga oras na ito ako ang mas higit na kailangan nya.

Nakakapanlumo ang kalagayan ng anak ko. Andaming nakakabit sa katawan nya parang mabuhay sya. Minsan nga naiisip ko isuko na lang sya para di na sya mahirapan pa.

Pero sa tuwing nakikita ko kung paano sya lumaban para mabuhay. Gusto ko ring ipaglaban sya kahit sa kamatayan pa yan..

Mahal na mahal ko ang mga anak ko. Lahat kaya Kong gawin para sa kanila.

Mahigpit Kong hinawakan ang kamay ni Aica mag mula noong dumating sya dito isang linggo na ang nakakaraan hanggang ngayon wala parin syang malay.

"Anak patawarin mo si mama kung hindi ko matutupad ang ipinangako ko sayo ang hiling mo. Ngayon kasi natatakot na ako na baka pag umalis ako sa tabi mo para hanapin sya. Di na kita maabutang buhay. Patawarin mo si mama pero di na ako aalis pa sa tabi. Nan dito lang ako anak."

Marion Kong idinampi ang aking labi sa kanyang noo kasabay na mga katagang.

"Lumaban ka anak.. Wag mo akong iiwan mahal na mahal kita nandito lang si mama nag hihintay sayo."

Panginoon patawarin nyo ako kong minsan naisip kong isuko na sa inyo ang anak ko. Pero di ko kaya yon. Di ko kayang mawala sya. Pagaling nyo po sya parang awa nyo. Ako na lang po. Wag na po sya. Napakabata nya pa para maranasan ang lahat ng ito. Panginoon parang awa mo na. Ako na lang.

"Anika tama na. Tama"

Marahang hinaplos ni Hanna ang likod para patahanin ako pero lalo lang  akong humagulhul ng iyak.

"H-hanna m-masama ba a-akong ina. Bakit p-pinaparusahan ang a-anak ko ng g-ganito"

Lumuluhang pinagmasdan ko ang aking anak.

"Anika alam kong alam mo na hindi ka masamang ina."

Marahan kong dinala sa aking labi ang kamay ng aking anak at masuyo itong hinalikan.

"Hindi H-hanna masama akong ina. K-kasi di ko m-man lang maibigay ang gusto nya.."

"Sshh tahan na"

"Sana ako na l-lang k-kakayanin ko ang lahat. W-wag ang anak ko. M-mahal na mahal ko sya. Parang a-akong p-pinapatay ng p-paulit ulit sa tuwing n-nakikita kong n-nahihirapan ang anak"

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon