Chapter 13

6.7K 181 5
                                    

           New beginning

********************************

Hanna's POV

"Maiwan na muna kita dito Hanna aayosin ko lang ang bill ni Anika." Paalam sa akin ni Gabby bago tuluyang isara ang pinto.

Tatlong araw ng naka confine dito sa Hospital si Anika.
Mamaya pwede na syang lumabas kaya inaayos na ni Gabby ang bill.

Nag aayos ako ng mga gamit ni Anika ng marinig ko syang humihikbi. Mula nang magising sya wala na syang ibang ginawa kundi umiyak. Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at nagpanggap na walang naririnig. Ang hirap palang makita ang taong kilala mong masayahin, palangiti, palatawa, sa sitwasyong lugmok sya.. Kung pwede nga lang na ako ang umako ng sakit.

Ang hirap makita ang bestfriend mong nasaganitong sitwasyon.

"Ayaw ko na"
"Tama na"

Mabilis Kong nilapitan si Anika ng sinimulan nya ng hampasin ang dibdib nya.

"Anika please tama na wag mo ng pahirapan ang sarili mo"

"Ayaw ko na, ayaw ko na"

Niyakap ko lang sya ng mahigpit para kahit papano maramdaman nyang di sya nag iisa.

"Ayaw ko na Hanna ayaw ko..
Gusto ko ng mawala"

"Anika makinig ka, alam Kong masakit ang pinagdadaanan mo pero sana magpakatatag ka, kahit di na lang para sa sarili mo kundi para sa anak mo"

********************************
                 After two months

Anika's POV

"Anika dadalhin mo ba tong mga gamit mo sa cabinet?" Dinig Kong sigaw ni Hanna na nasa kwarto ko sya na ang nag presintang mag ayos ng mga gamit ko.

"Oo isama mo na"

Nandito ako sa kusina kumakain
At kung tatanungin nyo  kung para saan yong mga gamit Kong inaayos ni Hanna. Ngayon kasi ang punta naming cebu sa lugar kung saan lumaki si Hanna at yes nandito kami sa Leyte sa lugar na kinamulatan ko...

Two months na kaming nandito
Two months narin mula ng mamatay sina Tatang.. Tanggap ko na at least kahit papano.

At yung tungkol naman sa pag bubuntis ko syempre itinuloy ko di naman nya kailangan ng walang kwentang ama ehh..

Isusubo ko na sana ang huling pandesal na kinakain ko ng biglang umiyak si babby mica.

Kaya Dali dali ko syang nilapitan at binuhat na kaagad namang nagpatahan sa kanya.

Isa si mica sa dahilan ng muling pagbangon ko. At pagkabuhay ng bagong ako di pa man ako tuluyang nakababangon sa mga pinagdaanan ko nasisiguro ko na mang matatag na ako..

"Oh pano Anika tara na" aya sa akin ni Hanna

"Tara" ako na ang kumalong Kay mica kahit na nag pupumilit si Hanna na sya na baka daw kasi maipit ang baby ko.

Naunang lumabas ng bahay si Hanna lalabas na rin sana ako ng mahagip ng mata ko ang picture ni giro kaya Dali Dali ko itong dinampot at sumunod Kay Hanna.

Nang makasakay na kami ng barko ay kinuha ni Hanna sa akin si mica kaya wala na akong nawaga kundi ibigay si mica sa kanya.

"Matulog ka na lang Anika kung inaantok ka ako ng bahala sa makulit nato." Sabi na Hanna nanilalaro na ang 7 buwang si baby mica.

Hinaplos ko muna ang kalakihan ko ng tyan bago pumikit.
Kamusta na kaya ang ama nito ayos lang kaya sya. Naaalala nya rin kaya ako. Tanggap nya na kaya ang baby namin. Erase erase bat ko ba sya iniisip ehh  may pamilya na
Yon ngayon at mag kakaroon na rin ng anak sa babaeng pinakamamahal nya.
Mga ilang saglit pa nilamon na ako ng antok.

"Ate tingnan mo maganda po ba ang drawing ko?"

"Patingin nga si Ate, ahm maganda naman pero mas maganda ako dito ehh"

"Si Ate talaga maganda daw sya di naman, masmaganda pa kaya ang drawing ko kesa sayo"

"Ano pangit ako ganun?"

"Opo"

"Hahaha pangit ka pala ate Anika. di nagsisinungaling ang bata"

"Ako pangit?"

"Oo panget ka hahaha"

"Bumalik kayo dito lagot kayo sa akin pag naabutan ko kayo"

"Nasan na kayo, bulaga huli kayo"

"Ate tama di kana panget maganda kana po"

"Kaya nga ate maganda kana"

"Aba dapat lang magagandat gwapo ang lahi natin eh"

"Ate gising na I love you"

Naalimpungatan ako ng maramdaman Kong may tumatapik sa aking pisngi.

Mukha ni Hanna ang nabungaran ko na halos dumikit na sa mukha ko kaya Dali Dali akong nagtakip ng ilong.

"Hay salamat gising kana rin kanina pa kaya kita ginigising nandito na po tayo."

"Ano ba Hanna lumayo layo ka nga sa akin ang baho mo"

"Ay ikaw pa tong may ganang mag inarte eh ikaw na nga tong ginigising" tagtatapo kunyaring sabi ni Hanna

"Sorry na alam mo namang sensitive kami ni baby ehh"

"Ohh sya sya bumaba na tayo kanina pa tayo hihintay nina Nanay don sa baba" sabi na Hanna at kinuha na ang ibang gamit ko.

Pagbaba namin ay kaagad na bumungad sa akin ang malakas na hangin.

"Ohh Iha kamusta na ang tagal din nating di nag kita ahh" tanong ni Nanay Fe ng makalapit kami sa kanya ni Hanna.

Nagmano mo na ako bago sumagot.

"OK lang naman po Nanay. kayo po kamusta na?" Balik tanong ko naman sa kanya.
"eto ayos lang. Alam kung pagud kayo sa byahe kaya umuwi na tayo"

Mga isang oras din ang itinagal ng byahe namin bago pa kami makarating sa bahay nina Hanna.
Kaagad kong isinalampak ang pwet ko sa upuang kahoy ng makapasok akong bahay.

"Hay nakakapagod ang byahe"
Reklamo ni Hanna

"Dyan ka lang muna Anika ha magpapahanda lang ako Kay Nanay ng makakain natin"
Paalam sa akin ni Hanna na kaagad ko namang tinanguan bilang tugon.

Mga ilang saglit pa balik si Hanna dala si baby mica.

"Hawakan mo na muna tong makulit nato tutulungan ko lang si Nanay maghanda ng makakain natin" sabi ni Hanna sabay abot sa akin kay mica.

Kaagad na nahila ni baby mica ang buhok ko ng makalong ko ito.

"Ikaw na bata ka" sabi ko sabay kiliti sa kanya kaya ang cute cute talaga ng pamangkin Kong to..
Kamukhang kamukha nya si myka.

"Hay baby mica kamusta na kaya sila don, namimiss mo na rin siguro sila noh.. Wag kang mag alala nandito lang si mamatita di kita iiwan kahit anong mangyari."

                   

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon