The gift
*******Someone's POV
Matapos ang pag kikita nina Aico Ella at Rencho ay kaagad na itong nag paalam.
"Paano mga apo aalis na muna ako"
Nakangiting pag papaalam ni Rencho sa nasabing mga apo.
"San po kayo pupunta lolo?"
Tanong naman ng makulit na si Ella.
Matapos kasi nilang mag kita ay kaagad na niyaya ni Rencho ang dalawang apo para kumain sa labas.
"May bibilhin lang ang lolo para sa mama nyo"
Pag dadahilan nya kahit na ang totoo aalis sya para asikasuhin ang mga papiles nina Anika at ng kanyang mga apo.
Balak nya kasing dalhin ang mga ito sa France at don na manirahan sa oras na malaman na nito ang totoo.
"Ahh kaylan po namin ulit kayo makikita?"
Siryosong tanong ni Aico na kahit sa sandaling oras ay napalapit na agad ang loob sa nasabing nag pakilalang lolo.
"Hindi ko din alam apo ehh. Pero pangako ni lolo pag balik ko mag kakasama na tayo ng mama at ng mga kapatid mo"
"Ok po"
"Lolo pag balik po namin sa hospital sasabihin po namin kay mama ang tungkol sa inyo"
Masayang wika ni Ella
"Ahh apo ganito kasi gusto kasing isupresa ng lolo ang mama nyo. Pwede bang sekreto na lang muna natin to?"
"Isurprise po ang mama? Gusto ko po yan lolo. Sige po"
"Good. Sa ngayon ang gusto lang ni lolo mag pakabait kayo. Maliwanag?"
"Opo"
Sabay na sagot nina Aico.
"Good. Angelico apo sayo ko muna ibibilin ang mama at mga kapatid mo ah. Bantayan mo sila"
"Opo lolo"
"Ehh lolo kung si kuya ang mag babantay sa amin sino po ang mag babantay sa kanya?"
Tanong naman ng makulit na si ella.
"Wag kang mag alala apo. May mga taong mag babantay sa kanya sa inyo"
Makahulugang wika ng kanilang lolo.
"Ok po mag iingat po kayo don ahh"
"Oo naman. Mag kikita pa tayo ehh ahh ito nga pala mga apo. Para ma contact nyo ako naka save na dyan ang number ko"
Sabay abot ni Rencho ng isang Cellphone.
"Amin na po to?"
Tanong ni ella na syang umabot ng nasabing cellphone.
"Oo basta secret lang natin ah"
"Opo"
Makalipas pa ang ilang sandali may tumigil na itim na sasakyan sa harapan ng mag lolo.
"So pano ba yan mga apo. Aalis na ako ah. Mag iingat kayo. Yong pinag usapan natin ah wag nyong kalimutan"
"Opo"
"Rafael wag na wag mo silang iwawala sa paningin nyo."
Bilin ng isang lalake habang nakatingin sa dalawang batang nag lalakad papasok ng hospital.
"Yes master"
Anika's POV
Busy ako sa pag papakain kay Aica ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Hanna.