Chapter 27

6.4K 168 7
                                    

Pinag sisisihan

******************

Tyrone's POV

Kita ko ang galit sa mga mata ni Hanna sa kanyang mga  sinabi.

At oo nan dito sya mismo sa aking  harapan.

"Nagulat ka ba Tyrone? Oo kailangan ka ngayon ni  Anika bago pa mahuli ang lahat."

Sa mga sinabi nyang iyon ramdam ang galit nya para sa akin. Di ko sya masisi kong galit sya sa akin. Isa lang naman ang dahilan non yon ay walang iba kundi ang pananakit ko at pangluluko sa kaibigan nya. Pero may dahilan naman ang lahat ng iyon.

"A-alam mo k-kung na s-saan si A-anika?"

Utal Kong tanong sa kanya.

"Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo narinig o naintindin?"

Galit nya pang tanong sa akin.

"Na saan sya? Na saan sila?"

Sa sinabi Kong iyon alam kong nagingilid na ang aking mga luha.

"Nasan sila please sabihin mo sa akin"

"Gusto mo silang makita. Sumama ka sa akin, kailangan ka nila Tyrone"

Dali dali akong tumayo sa aking pag kakaupo ng tumalikod na sya.

Nasa elevator na kami ng biglang mag ring ang cellphone nya.

Kaagad naman nya itong sinagot.
Tahimik lang akong nakamasid sa kanya.

"Hello Anika bat napatawag ka?

Ano? Sige sige papunta na kami dyan.

Please Anika mag pakatatag ka"

Yan lang ang aking mga narinig sa usapan nilang dalawa sa cellphone.

Kaya di mapigilang kabahan.

"Hanna ano daw ang nang-----"

Di na nya ako pinatapos sa aking sinasabi ng pinutol nya ako.

"Kailangan na nating mag madali"

Matigas nitong sabi at sakto namang bumukas na ang elevator.

Dali dali syang tumakbo patungo sa pinag parkingan ko ng aking kotse na tila alam na alam nya kung nasaan ito.

Kaagad akong sumakay sa aking kotse. Sumunod din naman sya kaagad.

Matapos kung masusian ang aking kotse kaagad ko syang tinanung kong saan ba kami pupunta. 

"Nasaan si Anika? Anong nang yari sa kanya? San tayo pupunta?"

Magkakasunod kong tanong sa kanya.

"Sa hospital"

Wala na syang ibang sinabi pag katapos nyang maibigay sa akin kung saang hospital na roon si Anika.

Kaya napuno ng sari saring katanungan ang aking utak kung ano ba talaga ang nangyari kay Anika.

Sumalakay sa aking dibdib ang matinding kaba at takot ng makating na namin ang nasabing hospital.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong makikita ko na sya.

Hindi ko na malayang nakababa na pala ng kotse si Hanna at patakbong pumasok sa entrance ng hospital.

Kaya dali dali akong sumunod sa kanya.

Patakbo syang umakyat ng second floor habang ako sunod lang ng sunod sa kanya.

Halos maputol ang aking hininga ng huminto sya hallway ng emergency room.

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon