chapter 15

6.7K 173 4
                                    

                 His pain

********************************

Anika's POV

Nagising ako sa iyak ni baby mica kaya dali dali akong bumangon para patahanin ito.
Gabi na pala di ko man lang namalayan ang oras. Tatlong oras din pala ang naitulog ko..

"Wait lang baby gagawa lang ng gatas si mamatita.."

Dali dali akong gumawa ng gatas para maka dede na sya..

"Anika anak okay lang ba kayo dyan? Narinig Kong umiyak si baby mica ahh" si nanay Fe habang kumamatok sa pinto.

"Opo nay ginagawan ko lang po ng madede si baby mica" sagot ko habang naglalagay ng gatas sa bote.

"Papasok ako ahh para matulongan kita dyan"
Sabi nito bago buksan ang pinto.

"Ako na dyan, bumaba ka don ng makakain kana" sabi nito at kinuha ang gatas na hawak hawak ko.

"Wag na po nay ako na pong bahala dito"

"Wag kang mag alala anak ok lang sa akin. Bumaba kana don ng makakain kana," wala na akong nagawa ng kuhanin na nito si baby mica sa crib.

"Salamat nay ha.. Salamat kasi kahit na di nyo naman kami kaano ano di nyo kami pinabayaan. Nananaliti parin kayong nandyan ni Hanna para sa amin" maluha luha kong sabi

"Ano ka ba naman ok lang yon parang anak na rin naman ang Turing ko sayo" di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Salamat po... Kasi dahil sa inyo nararamdaman ko pa rin kung paano mag karoon ng nanay .. Salamat po Nay" niyakap nya ako na ginantihan ko naman.

"Anika anak ito ang tatandaan mo dika man nanggaling sa akin mahal na mahal kita at hada kong gawin ang lahat para sayo para sa mga anak at pamangkin mo.. Lagi lang nandito si Nanay. OK" lalo akong napaiyak ng maramdaman kong umiiyak na rin sya..

"Opo nay maraming salamat po"

"Sige bumaba kana don ng makakain kana ng hapunan."

"Opo Nay"

bababa na sana ako ng biglang sumakit ang balakang ko.

"Anika anak OK ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Nanay Fe

"Wag po kayong mag alala nay ok lang po ako.." Sabi ko habang sapo sapo ang aking tyan.

"Ahhh aray" napasigaw na ako ng tuluyan ng maramdaman Kong may tumulo sa pagitan ng mga hita ko.

"Anika anak" namamalipit man sa sakit pinipilit ko pa ring patibayin  ang mga tuhod ko para Hindi ako mabuwal..

Kaagad akong inalalayan ni Nanay Fe

"Hanna anak manganganak na si anika" sigaw ni Nanay Fe

"Di ko pa po kabuwanan Nay" nahihirapan Kong sabi

"Inay, Anika anong nangyari?"

Humahangos na tanong ni Hanna Di ko na narinig ang sinabi ni Nanay ng bigla akong nawalan ng Malay.

********************************

Someone's POV

Kinakabahang pumasok ng opisina ang isang lalaking may dalang brown envelope

"Talk" di nakatinging sabi ng nakaupong lalaki.

"Sorry sir pero wala pa rin akong nakukuhang led kung nasaan sya"

"Ano? Diba ang sinabi ko wag na wag kang babalik dito hanggat di mo alam kung nasaan sya" nanlilisik ang mga matang sabi nito sa naturang lalaki.

"Sorry po sir" hinging paumanhin ng lalaki

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon