Chapter 29

6.7K 196 22
                                    

One life

**************
Hanna's POV

Kaagad akong umalis ng hospital ng makalipad na ang eruplanong sinasakyan nina Anika at Aica.

Hindi ko Alam kung namamalikmata lang ba ako o talagang nakita ko si Aica matapos makalipad ng eruplano.

Nakatingin at nakangiti sa akin.
Kasabay ng kanyang pag kaway na tila ba namamaalam.

"Aica"

Ilang beses ko syang tinawag pero nanatili lang syang nakatayo hanggang sa may pumatak na luha sa kanyang mga mata. Gusto ko syang lapitan. Gusto ko syang yakapin.

"Aica anong ginagawa mo dito?"

"Titaninang di ko na po kaya. Pagud na po ako. Gusto ko na pong magpahinga."

Ang kanyang mga luha naging dugo. Ang kanyang nakangiting mukha napalitan ng sakit. Ang kanyang puti at malinis na damit nabahidan ng dugong nag mumula sa kanya mga mata.

Ang kanyang malakas na pangangatawan naging mahina.

Nanghihina. Nasasaktan. Napapagud. Nag mamakaawang palayain sya.

Ang mahabang buhok unti unting nahuhulog.

Ang dating malakas na pangangatawan ngayoy nang hihina na.

"Baby Aica wag mong sabihin yan lumaban ka"

Gusto ko syang lapitan pero di ko maihakbang ang aking mga paa.

"Ayaw ko na po pagud na po ako. Gusto ko na pong magpaginga. Palayain nyo na po ako"

Unti unting naglalaho sya sa aking paningin kasabay ng aking pag bagsak sa lupa.

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon