Chapter 24

6.5K 151 2
                                    

Childhood bestfriends

*********

Tyrone's POV

Halos paliparin ko na ang kotse maabutan lang ang jeep na sinasakyan ng babaeng mahal ko.

Habang matulin na nag mamaneho nakatutok ang mga mata ko sa jeep di pwedeng mawala sila sa paningin ko.

Bigla akong napa preno ng may rumaragasang motor sa harapan ko.

Napamura ako ng hindi ko na makita ang jeep. Nasaan na yon.

Lalo akong nanlumo ng wala na talaga akong makitang bakas ng jeep na kinalululanan ng babaeng mahal ko.

Dimiretso akong bar para mabawasan ang pag kainis ko.

Nakita ko na ehh na wala pa.

*************

someone's POV

Mag mamadaling araw na pero di pa rin umuuwi si Tyrone. Lasing na lasing na rin ito. Wala syang ibang sinasabi kundi ang pangalang Anika.

Kanina pa din ito kinukuntak ng mga kaibigan, maging ni Sarah.

Ngunit walang sumasagot ng cellphone nito.

Sa kabilang dako naman may isang lalaking kanina pa nakatingin Kay Tyrone. Pilit nitong inaalala kong kilala nya ba ang lalaking lasing na lasing na ngayon. Napaka pamilyar kasi ng mukha nito.

Habang nakayuko si Tyrone. Bagaman tinatago man nya ang kanyang pag iyak mapapansin naman ito sa sunod sunod na pag taas baba ng kanyang mga balikat.

"Anika mish na mish na keta b-baket mo kho iniwan. Mahal namahal khita, gushto na khitang mhakita"

Iyan ang mga katagang paulit ulit nyang binibigkas sa mga nag daang oras na pananatili nya sa loob ng nasabing bar.

Makalipas ang ilang sandali ay may lumapit ditong isang magandang babae bagaman medyo madilim kitang kita naman ang maputi at makinis nitong balat.

Kaagad itong lumapit Kay Tyrone at marahang hinawakan ang balikat ng lasing na binata.

"Hey are you alone?"

Malanding tanong nito at marahang hinaplos ang hita ng binata.

"Yes a I'm alone and I don't want to be someone else."

Hindi na katinging sagot nito sa babaeng nanlalandi sa kanya.

"Ang sungit mo naman sinasamahan na nga kita"

Nakalabing dagdag pa nito.

"I don't care"

Naiinis ng sabi ng lasing na binata. Oo at lasing ito ngunit alam naman ng pusot utak nito na sa iisang babae lang tumitibok and puso nito at ito ay walang iba kundi si Anika. Kaya hindi sya pumapatol sa kahit kanikaninong babae.

"Ang sungit mo talaga bahala ka na nga dyan"

Panabog itong tumayo

"Kahit ano na man ang gawin mong pag tanggi sa aming babae hinding hindi parin babalik sayo ang babaeng mahal mo"

Sa nadinig ng binatang sinabi nito ay kaagad na umakyat ang kanyang dugo sa ulo.

Aalis na Sana ang na sabing babae ng hablutin ito ni Tyrone at mahigpit na hinawakan sa mag kabilang braso.

"Anong sabi mong babae ka?"

Galit na galit na tanong ni Tyrone na tila ba nawala na ang kalasingan nito.

"B-bitawan m-mo ako nasasaktan na a-ako"

Nag mamakaawang sabi nito.

"Ulitin mo ang sinabi mo?"

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon