Pasingit po... Spoken of TyroneNaalala ko pa mga panahong tayo'y
Mag kasama pa, mga oras na pinag saluhan nating dal'wa.Mga ngiting umukit sa aking mga labi ng sabihin mong akoy
Mahal mo na.Mga sandaling tayong dalawa'y
Magkasama
Sa panahong pareho tayong
Masaya.Mag kahawak ating mga kamay
Habang naglalakad sa tabing
Kalsada kung saan
Mga ngiti mo'y nakikita ko pa.Init ng 'yong palad akin pang nadarama sa tuwing ika'y aking kasama.
Mga yakap mong kay higpit sa
Tuwing akoy may dinadalang problema
Na tila ba nag sasabing
"Wag kang mag alala nandito ako sinta"Mga halakhak mo'y tila isang musika sa aking mga tainga sa tuwing ako'y nakikita mong nakabusangot na. Mga matang di man nag sasalita ngunit nag sasabing ika'y masaya.
Mga matang minsay aking pinaluha sa masakit kung ginawa sa mga panahong ika'y saki'y nag mamakaawa upang sabihin ika'y mahal ko pa.
Mga alaalang sumasaksak sa aking puso sa tuwing ako'y nag iisa kaya di ko mapigilan ang lumuha.
Araw araw ang aking pagluha minuminutong naiisip ka sigusigundong nais kang makita at masabing mahal na mahal kita ikaw lang at wala ng iba.
At sa mga sigundo, minuto, oras, araw, linngo, buwan, at mga taong nagdaan laging dalangin sa poong may kapal na sana sana ikaw ay aking matagpuan ng iyong malaman na kaya na kitang
ipaglaban at pakikipag patayan sa taong magtangkang ika'y saktan.Alam Kong lubos kitang nasaktan ng ika'y aking iwan ng wala man lang matinong pamamaalam kundi kasinungalingang sulat lang.
Mga salitang wala wala namang katutuhanan.
Mahal patawad kung di kita na ipaglaban dahil ako'y duwag di ka kayang ipaglaban kaya iniwan iniwan kitang nasasaktan at luhaan.
Mahal patawad.
Tyrone