Chapter 16

6.8K 168 2
                                    

Five years after

************************************

Anikas POV

Nag mamadali akong lumabas ng aking silid ng marinig kung sumigaw si Ella. Dali dali kung tinungo ang sala kung saan ko sila iniwan para makapagpalit ng damit.
Kaaagad ko namang nakita ang limang batang nakatayo na tila ba ay nakikipag away.
"Ano ang nangyayari dito?" Kaagad na tanong ko ng makalapit na ako sa kanila. kaaagad naman silang napatingin sa akin na pawang kinakabahan.
"Bakit ka sumisigaw Ella?" Tanong kung muli.
"Ahh wala po mama naglalaro lang po kami nila Kuya at ate" ngiting paliwanag ni Ella
"Sigurado ka??" Nakapamaywang na tanong ko pa kaya napalunok si Ella
"Ahh mama si ate Aica po kasi kinuha ang Barbie doll ko" nakangusong sabi ni Ella. Sinasabi ko na nga ba.
"Aica bat mo naman kinuha?" Baling ko Kay Aicang nakaupo na ngayon habang hawak hawak ang kanyang libro.
"Ang ingay nya po kasi.. Di ko tuloy maintindihan ang binabasa ko." Paliwanag niya habang nakatingin pa rin sa librong binabasa nya. Napabuntunghininga na lang ako..
Ganyan talaga si Aica ayaw nya ng maingay lalo pat nagbabasa sya..
"Nasan na yong laruan ng kapatid mo? Ibigay mo na sa kanya" kasi pag di pa nya binalik ang Barbie doll na kinuha nya paniguradung mag kakaroon ng world war3 dito.
"Ayaw ko mag iingay na naman yan ehh" tukoy nya sa kapatid na ngayoy paiyak na..
"Sige na Aica ibigay mo na"
"Ayaw" maikling sabi nya na may iling pa.
"Aica wag mo akong inisin ahh pagud ako kaya sige na ibigay mo na" pakiusap ko sa kanya na may halo ng kunting pananakot. Ngunit para lang itong walang narinig.
"Miracle Angelica ibigay mo na" dali dali naman nyang inabot sa kapatid ang Barbie doll. Tinatawag ko lang kasi sila sa buo nilang pangalan pag nag sisimula na akong mainis.
"Ibibigay naman pala gusto pang iniinis si mama"
"Sorry po" di makatinging sabi nya sa akin.
"OK lang wag mo na lang uulitin ahh"
"Opo, sorry din bunso" sabi nya sa kapatid sabay tayo at yakap dito.
"Sorry din ate kung makulit ako at lagi kitang sinusundan kung saan ka pumupunta gusto ko lang naman mag laro tayo ehh lagi na lang kasing book ang hawak mo" mangiyakngiyak na sabi ni Ella..
"Sali kami" sigaw ni Ello na sinundan naman ni mica wala pang 5 sigundo magkakaakap na silang Lima.
Nakangiti ko lang silang pinagmamasdan ang sarap kasi nilang panuorin habang magkakayakap.
"Di na ako makahinga" biglang sabi ni Ella. Nagtawanan lang sila at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap.
Tumagal pa yon ng ilang sigundo bago sila nag hiwalay sa pagyayakapan.

"Tara na ate mica doon na lang tayo sa labas mag laro" mayamayay aya ni Ella Kay mica.
"Sige" sabi nito at hinila na si Ella palabas..
"Teka lang sama ako" sabi ni Aica sabay tayo upang makahabol kila mica. "Ako din sasama ako" sabi ni ello nakapagpatawa sa akin ganyan kasi si ello ehh ayaw nya ng iniiwan sya ... Mga ilang saglit pa di ko na sila nakita. Bumaling ako kay Aico na abalang kinakalikot ang toy car nya habang may hawak hawak ng notebook.
"Di ka sa kanila sasama Aico" tanong ko
"Ok lang po ako dito mama" di nakatinging sabi nya.
"Sigurado ka?" Tanong kung muli sa kanya.
"Opo" "ano ba yang ginagawa mo?" Kanina pa kasing kinakalikot ang toy car
"Inaayos ko po ayaw na po kasing umandar ehh" sagot nito.
"Baka naman wala ng battery kaya ayaw ng umandar" suhisyon ko.
"Hindi po" maikling sagot nya.
"Ehh ano pala ang sira?"
"Yong wires po naputol po ehh" sabi habang binubuksan ang kotse kotsehan.
"Ahh ganun ba.. Edi bumili na lang tayo ng bago" luma na rin kasi ang toy car nya ehh..
"Wag na po pwede pa naman po ito ehh" nakangiting sabi nya
"Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya at umupo na rin sa tabi nya.
"Opo mama itabi nyo na lang po ang pera nyo para sa ibang gastusin" nginitian ko na lang sya.. Ganito talaga sya ayaw nyang nagpapabili ng kung ano ano kasi daw di naman nya kailangan.. Pero bilang isang ina alam ko ang mga pangangailangan nya nila ang masakit nga lang di ko kayang ibigay. Pasalamat na nga lang ako dahil marunong ng umunawa ang mga anak ko sa kalagayan namin..
"Sige nak ipagpatuloy mo na lang yang ginagawa mo, magluluto lang si mama" paalam ko sa kanya habang ginugulo ang kanyang buhok..
"Mama naman ehh" nakabusangot nyang sabi sa akin ayaw nya kasi ang ginugulo ang kanyang buhok .
"Ito naman para nag lalambing lang si mama ehh" nagtatampong kunyaring sabi ko.
"Mama naman tampo agad sorry na po" sabi nya sabay yakap sa akin
"Ang sweet naman ng baby ko" kaagad naman syang humiwalay sa akin ng marinig nya ang sinabi ko ayaw nya kasing tinatawag syang baby malaki na daw kasi..
"Mama di na po ako baby" sabi nya at humalik sa aking pisngi.
"Oo na lang anak sige dyan ka muna magluluto lang ako" at tumayo na para makapag umpisa ng magluto.
"Sige po" sabi nya at tinuloy na ang ginagawa..

~The four angels of mine~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon