ANIKA"Mica."
Masaya kung sinalubong si Mica pag ka bukas na pag ka bukas pa lang ng pinto ng kotseng sinasakyan nya. Isang linggo ko din syang hindi nakita.
"Mamatita."
Mahigpit itong yumakap sa aking bewang at nag simulang umiyak.
"Mamatita sorry po kung umalis ako ng walang paalam. Sorry po."
Kaagad akong lumevel sa kanya at agarang pinunasan ang luha nya at marahang hinalikan sa noo.
"Shh tahan na, ayos lang sa akin yon hindi ako galit, ok? Ang mahalaga nandito kana at wag mo ng ulitin."
Marahan naman itong tumango sa akin at muling yumakap.
"Sorry po talaga, na saktan lang po talaga ako. Mamatita pwede po bang wag nyo na lang akong iwan, iniwan na nga ako ni mama eh, t-tapos pati ikaw po iiwan mo rin a-ako."
Kaagad na nangilid ang luha ko ng mag simula syang humagulgol ng iyak, habang nakayakap pa din sa akin.
Maharan ko syang inihiwalay sa pag pakaka yakap sa akin at tinitigang mabuti. Gusto kung maunawaan nya ako.
"Mica anak, gusto kong maintindihan mo na hindi natin hakaw ang buhay natin. Hindi natin alam kung gaano ito kahaba o kaikli, walang permanente sa mundo anak. Lahat nawawala, lahat nag babago, isa lang ang alam kung mananatili, iyon ay ang pag mamahal ko sayo."
Marahan kung pinahid ang hulang nag sisimula ng pumatak sa aking mga mata.
"Kahit wala na ako, mananatili ito gagabay sayo. Mica anak, ikaw, ikaw ang nag bigay ng kulay sa mundo ko, nang minsang mag dilim ito. Ikaw iyong naging lakas ko noong minsang nang hina ako. Hindi man kita tunay na anak."
Marahan kung kinuha ang kamay nya at inilagay ko ito sa aking dibdib.
"Para sa akin anak kita, kasi mahal na mahal kita. Ikaw iyong pahinga ko, ikaw iyong tumayong angel sa akin. At darating ang panahon na ako naman, ako naman ang magiging angel mo. Pangako anak lagi kitang babantayan, gagabayan sa lahat ng oras, mawawala man ang katawang lupa ko ang pag mamahal ko para sayo, kelan man hindi mag mamaliw."
Sa luhaang mukha, marahan syang tumango.
Hinalikan ko ang buhok nya at marahan syang binuhat.
Nakatayo lang si Aaron sa gilid ng kotse habang pinapanuod kami.
Marahan ko syang nginitian."Salamat sa pag hatid at pag aalaga sa kanya."
Tukoy ko kay Mica na buhat buhat ko, hindi pa rin humuhupa ang pag iyak nito.
"Pasok ka muna."
Marahan itong umiling.
"Hindi na Anika, inihatid ko lang talaga sya. Pasensya na hindi na naka sama si Myka. Napalapit na din kasi sa kanya si Mica eh."
Napatulala ako ng ilang sigundo sa sinabi nyang pangalan bago ako tumango, siguro nangungulila lang ito sa anak nya kahit hindi nya ito maalala.
"Ganon ba? Ayos lang pasabi na lang sa kanya na salamat sa pag aalaga kay Mica. Naabala pa tuloy kayo."
Pasasalamat ko, isang linggo din sa Mica doon tiyak na na abala talaga sila ng husto.
"Ano ka ba ayos lang, ang totoo nga nyan eh nag enjoy kaming alagaan sya. Pero wag kang mag alala makakarating sa kanya."
Nahihiya man ay pilit na lang akong tumango at ngumiti.
"Salamat."
Pasasalamat ko ulit dito, tatalikod na sana ako para pumasok sa loob ng tawagin nya ako.