Abala sa pag aayos si Hanna sa gaganaping kasal nina Tyrone at Anika. Halos hindi sya mag kandaugaga sa gagawin, ilang oras na lang mag dadatingan na ang mga dadalo sa kasal.
Ngunit hindi pa din tapos ang pag aayos ng simbahan, napa aga kasi ang kasal,dapat sa sunday pa, thursday pa lang ngayon kaya hindi pa ayos ang simbahan, maging ang lugar kung saan gaganapin ang receptio.
"Miss pakilagay naman nito doon."
Utos ni Hanna sa isang Staff na naka assign sa pag aayos ng simbahan.
Kaagad naman nitong inabot ang bulaklak na hawak ni Hanna at inilagay kaagad ito sa lugar na tinuro nito.
"Miss make sure na magiging ayos ang lahat mamaya, kailangan ko na kasing umalis. Darating na ang mga bata eh."
Sabi ni Hanna ng matanggap ang text galing kay Eugene, tumango tango lang ang nasabing wedding organizer.
"Yes maam Hanna, kami na pong bahala dito."
Tumango lang si Hanna at nag nag mamadaling ng simbahan.
Kaagad syang sumakay sa kotseng ipinahiram sa kanya ni Tyrone, upang hindi maging hassle sa kanya ang byahe sa pag aayos para sa wedding na gaganapin ilang oras na lang mula ngayon.
Tinawagan nya muna ang weeding receptionist, inilagay nya muna sa speaker mode ang cellphone bago nag simulang mag drive papuntang airport.
Ilang ring bago ito sinagot ng nasabing wedding receptionist.
"Hello, ayos lang ba ang lahat dyan?"
Kaagad na tanong ni Hanna habang abalang nag mamaneho.
"Yes maam, ayos na po ang lahat."
Napabuga ng hangin si Hanna sa binalita sa kanya ng receptionist.
"Mabuti kung ganun, make sure na magiging ayos mamaya."
Bilin ni Hanna.
"Yes maam, makaka asa po kayo."
Tumango lang si Hanna bago pinatay ang tawag.
Dahil medyo malapit lang ang airport sa simbahan ay kaagad na nakarating si Hanna.
Ilang minuto lang ang hinintay nya bago tuluyang lumapag ang eroplanong lulan sina Ella.
Nang makita sya ng mga ito ay nag mamadaling tumakbo ito palapit sa kanya.
Sinalubong nya ito ng yakap at halik sa noo.
"Kamusta ang flight nyo babies?"
Magiliw na tanong nya sa mga bata.
"Ayos lang po titaninang."
Medyo pagud na sagot ni Ello. Ginulo lang ni Hanna ang buhok nito.
"Nakakabingi pa din po titaninang."
Nakanguso namang sabi ni ella na syang ikinatawa ni Hanna.
Wala na silang sinayang na oras kaagad na silang sumakay sa kotse at nag tungong hotel, para maayusan na ang mga bata.
Abala si Hanna sa pag aayos ng mga kailangan nina Ella, nang tumunog ang cellphone nya.
"Hello."
Sagot nya sa tumatawag ng hindi tiningnan kung sino.
"Hello, Hanna dumating na ba sila dyan?"
Paos na tanong ni Tyrone na tila ba kagagaling lang sa pag iyak.
"Oo nandito na kami sa hotel."
Sagot nya habang inaayos ang puting dress ni Ella.
"Mabuti kung ganun, kakalapag lang din namin."