Kinabukasan maaga akong nagising. Kahit gustuhin ko mang matulog pa ng mahaba hindi maaari sa pagkat may importante akong gagawin ngayon.
Kaagad akong naligo ng matapos ay kaagad akong lumabas na aking condo. Hindi ko na inabala pang mag almusal mas importante ito kesa sa pag aalmusal ko.
Nang makarating ng parking lot ay kaagad akong sumakay ng aking kotse. Kaagad ko itong pinaharurot para makarating agad hindi inabot ng kalahating oras ang naging byahe ko.
Wala na akong sinayang na oras kaagad na akong pumasok ng coffee shop. Namataan ko ka agad ang aking hired private investigator para hanapin ang aking mag iina.
Kaagad akong naupo sa kaharap nyang upuan.
Hindi na ako nag patumpik tumpik pa kaagad na akong nag tanong kung ano na ang balita sa ipinapagawa ko."Anong balita may nakuha ka na bang impormasyon kung saan naruruon ang aking mag iina?"
Kaagad na tanong ko dito. Kaagad nya namang iniabot sa akin ang isang brown envelope. Kaagad ko itong binuksan mga larawan ang laman nito. Larawan ng aking mag iina.
Higit kumulang 20 larawan ang aking hawak hawak ngunit isang larawan lang ang nakaagaw ng aking atensyon.
Isang mag kayakap na babae at lalake. Nakatalikod ang babae nakaharap naman ang lalake kaya kaagad ko itong nakilala. Kaagad na humigpit ang hawak ko sa larawan. Bagaman di ko nakikita ang mukha ng babae alam ko namang si Anika ito base palang sa kanyang likod. Bakit mag kasama sila ni Anika? Bakit mag kayakap sila may relasyon ba silang dalawa?
"Saan mo nakuha ang larawang ito?"
Tanong ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa larawan. Kung pwede nga lang pumatay sa pamamagitan ng tingin baka patay na ito kung san mo ito naroroon.
"Nasa Cebu po sila sa larawan na iyan. Kuha po iyan 5 weeks ago."
Walang pag aalinlangang sagot nito sa akin na syang iknatigil ko.
"Sa Cebu? 5 weeks ago?"
Pag uulit ko sa kanyang sinabi baka kasi mali lang ang aking pag kakarinig.
"Yes sir sa Cebu nga kuha iyan. Ako po mismo ang kumuha ng larawan na iyan 5 weeks ago."
Paninigurado nito sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 5 weeks ago nag punta din akong cebu.
"Kailan mo sila nakita?"
"November 19 2018 sir."
That date exactly nasa Cebu din ako. Ibig sabihin ang lapit na pala sa akin ng mag iina ko.
"Na saan na sila ngayon? Nasa Cebu pa din ba sila?"
Muling tanong ko at nag patuloy na sa pag tingin sa mga pictures na hawak hawak ko.
"Wala na po sila sa Cebu sir. That day ko lang po sila una at huling nakita sa Cebu. Kinahapunan po ng araw na iyan ay isinugod sa hospital si Ms. Panganiban. Susundan ko pa sana sila pero mabilis na nawala ang kotseng lulan si Ms. Panganiban."
Sagot nito sa akin na labis na ikinabahala ko. Bakit dinala si Anika sa hospital is she sick or what?
"Ang ibig mong sabihin? Hindi mo alam kung na saan na ngayon ang mag iina ko?"
Muling tanong ko na nakatingin na sa kanya dahan dahan naman itong tumango sa akin. Na kaagad na ikinainis ko.
"Hindi ko po kasi nasundan. Kaya pinuntahan ko lahat ng hospital sa Cebu para ipag tanong kung may naka admit ba silang patient na ang pangalan ay Anikaliza Panganiban. Pero kahit saang hospital sa Cebu ay walang naka admit na Anikaliza Panganiban sir."